KABANATA 29

25.8K 823 87
                                    

"Hoy!" Hiyaw ng mga tauhan ni Eduardo, habang binubuksan na namin ni Nathaniel ang pinakahuling selda.

Narororo'n sila sa kabilang dulo ng pasilyo at papasugod na sa aming kinaroroonan.

"Bilisan n'yo!" Hiyaw ni Nathaniel sa mga napakawalan namin,"dito tayo!" Habang itinuturo ang kabilang direkson. Lumalakdaw-lakdaw ito sa mga nakahilatang katawan ng apat na g'wardiyang napilitan nitong barilin dahil sa pagpigil ng mga ito sa amin. "Victoria!" Pagbaling nito sa akin, "Ikaw na ang manguna sa kanila, dito ako sa likod." Agad na sinundan 'yun ng pagpapaputok nito ng baril sa mga sumusugod na tauhan ni Eduardo. Bumulagtang patay ang lahat ng tinamaan nito.

Pinangunahan ko ang mga taong pinakawalan namin sa mga piitan. Sumusunod lang din naman ako sa direksyon ng 'kaisipan'. Kaliwa, kanan, hinto, hintay sandali...napaka-eksakto ng instruksiyon ng 'kaisipang' 'yun na tila memoryado nito, hindi lamang ang mga pasikot-sikot, kundi ang bawat galaw ng mga tao.

Nagdire-diretso ang aming paglalakbay, hanggang sa dumating kami sa pinakahuling pinto. 'Yun na nga yata ang pinakahuling yugto para tuluyan na kaming makawala. Isa itong malaki at malawak na lumang warehouse, na may malaking bakal na pintuan.

"Ano na raw ang gagawin natin, Victoria?" Bulong sa akin ni Nathaniel. Ang tinutukoy nito'y ang 'kaisipang' nagdidikta sa akin.

"Wala pa itong sinasabi." Sagot ko.

"Ha?" Lumilinga-linga ito. Naririnig na kasi namin ang mga yabag ng papalapit na mga kalaban. "Anong ibig mong sabihin?"

"Wala pa s'yang bagong sinasabi." Mangiyak-ngiyak na ako.

"Sinong s'ya?" Tanong ng isa sa aming mga pinakawalan. Isa itong matandang lalaking mukhang Pastor.

"H-hindi ko po sigurado." Sagot ko rito, "Basta't ang alam ko lang po, may tumulong sa akin na isang lalaki na may maliwanag na mukha. Halos mamatay na po ako sa gutom at uhaw nang binigyan po nito ako ng tinapay at tubig. Ang sabi n'ya, kailangan ko raw magpalakas dahil kailangan ko pa kayong tulungang makatakas. Tapos, bigla na lang po itong naglaho. Simula po no'n, nagpapadala na po ito ng mga mensahe sa utak ko. Itinuturo nito sa akin kung saan ako aabante, aatras at liliko. S'ya rin pa ang nagsabing dalhin ko kayo rito."

"Ang Panginoon!" Naghihisteryang sigae ng isang matandang madre. "Nagpadala ng tulong ang Panginoon!"

Nasundan 'yun ng mga bulung-bulungan. May ibang nagsisiiyakan. Ang iba nama'y naglulundag sa sobrang galak.

"Mapalad kang napiling maging instrumento ng Panginoon." Sabi sa akin ng ilan sa kanila. "Magpasalamat tayo sa Panginoon!" Anunsyo nito sa lahat.

Nagpagpalakpakan ang mga ito nanalangin. Napalingon naman ako kay Nathaniel at tiningnan ito nang may pag-aalala. Hindi pa naman kasi kami lubusang nakakalaya, kaya hindi ko alam kung pa'no nila nakukuhang agad nang magbunyi.

"Magaling! Magaling!" Pumapalakpak na pangungutya ni Eduardo, habang papalapit na ito sa aming lahat; kasunod n'ya ang lahat ng kanyang mga alipores. "Anak nga kita." Nakatingin ito sa akin.

Napatigil sa pagbubunyi ang mga kasama namin ni Nathaniel; nag-uunahan na sila ngayong magsitago sa aming likuran.

"Pero sinong Panginoon ang tinatawag ng mga hunghang na ito?" pinapasadahan ni Eduardo ng tingin ang aking mga kasamahan

LagimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon