"Naiintindihan mo ba ako Bella?"

"Opo Nay."

"Malinaw na ito sayo Bella huh? Ayokong maulit nanaman ang mga bagay na nakasakit sayo. Mahal ka lang ni Nanay kaya sinasabi ko ito sayo." Sabi nito sa akin at niyakap pa nya ako at hinalikan sa ulo ko.

"Alam ko po 'yon Nay."

"Oh sya sige at isasampay ko pa na ang mga binilad ko. Dalhan mo ng pagkain ang mga trabahador sa bukid pati na rin ang bisita mo at si Aki." Sabi nito sa akin at tumango na lang ako sa kanya. Kaya pagkatapos ko kumain ay nagluto na ako ng pagkain na dadalhin sa bukid at nag-ayos na ako. Nagsuot na lang ako ng shorts ko at t-shirt saka ko ipinuyod ang buhok ko dahil medyo mainit doon sa bukid mamaya. Pagkatapos ko ay nagpaalam na ako kay Nanay at dumeretso papunta doon sa bukid. Malapit lang naman 'yon sa bahay namin dahil sa may likod lang 'yon ng bahay namin at may dadaanan lang konting maggahan at makikita mo na ang malawak na lupa na pinagtatrabahuhan nina Nanay. Napakaaliwalas pala ngayon dahil nagtatanim na sila ng tudling ng mga tubo sa inararong lupa.

"Bella ikaw ba 'yan?" Napatigil ako nang bigla 'kong marinig ang pangalan ko.

"Alice." Nakangiting sabi ko sa kanya at niyakap na nya ako.

"Umuwi ka pala bakit hindi namin alam? Kamusta ka na? Okay ka lang ba sa Maynila?" Sabi agad nito sa akin at sumabay na sa akin sa paglalakad papunta doon sa mga trabahador.

"Kahapon lang ako dumating at okay lang ako. Ikaw kamusta ka na?"

"Ito maganda parin at naghahabol parin dyan sa pabebe mong kapatid mo." Sabi nito sa akin kaya napatawa ako sa kanya.

"Eh paano ka ba magugustuhan ni Aki palagi mo syang inaaway at sinisigawan."

"Yon lang kasi ang alam kong paraan para mapansin nya ako." Nakangusong sabi nito sa akin kaya lalo akong natawa sa kanya.

"Nga pala nakita ko 'yong gwapong nagtatanim doon ng tudling sa may araruhan nakita mo na ba sya? Mukhang hindi taga dito at anak mayaman. Bisita ba sya ng nga Alcasedo."

"A-Ano?" Nagtatakang sabi ko sa kanya kaya napabilis ang lakad ko papunta doon at nadatnan ko nga doon na may buhat na sako ng tudling si Sir Ravanni at pabalik na ulit doon sa araruhan. Napatingin naman ako kay Aki na nakaupo lang doon sa may ilalim ng mangga.

"Aki bakit mo hinayaan si Sir Ravanni maytanim sa initan? Bisita natin sya!" Naiinis na sabi ko kay Aki kaya kinurot ko agad sya sa braso nya.

"Ate ano ba?! Sabi nya gusto nya subukan kaya pinagtrabaho ko sya. Tingnan mo mukha namang enjoy na enjoy ang anak mayaman na 'yon oh?" Sabi nya sa akin kaya nakurot ko ulit sya.

"Bisita nyo 'yong gwapo na 'yon?" Tanong naman ni Alice sa akin.

"Oh bakit? Type mo? Basta talaga mga gwapo nanlalaki 'yang mata mo." Tinig kong bulong ni Aki kaya napakunot ang noo ko sa kanya. Hindi ko na lang sya pinansin at tinawag ko na si Sir Ravanni. Jusme nakakahiya na 'tong pinaggagawa nina Aki sa kanya.

"Oh Bella nandito ka pala." Sabi nya nang makalapit sya sa akin. Pawis na pawis na sya at madumi na rin ang puting damit nya bakit ba kasi nagputi sya. At ang balat nya pulang pula na siguro dahil sa init. Pinunasan ko naman agad sya nang makarating kami sa lilom ng mangga.

"I'm fine Bella. Let me clean myself." Sabi nito sa akin pero hindi ko na sya pinakinggan. Hiyang hiya talaga ako dahil pinagtanim sya ng tudling ni Aki at baka magkasakit pa sya dahil hindi naman sya sanay magtalrabaho sa bukid.

"Ate masyado mo naman i-baby 'yang bisita mo. Ang laki laki nyang tao tapos pinupunasan mo pa ng pawis."

"Tumigil ka nga dyan Aki! Bakit mo ba pinagtrabaho si Sir Ravanni? Bisita natin sya!" Sabi ko sa kanya pero inismiran nya lang ako.

"I'm fine Bella don't scold your brother. Ako naman ang may gusto nito." Sabi sa akin ni Sir Ravanni at kinuha na sa kamay ko towel pero di ko 'yon binigay sa kanya kaya hinila nya 'yon at napasama ako sa kanya. Nakakainis pero para lang pelikula ang tagpo namin. Nakaupo na ako sa hita nya at hindi ko alam kung paano pa ang gagawin ko. Parang katulad ng kay Sir Damon-

"Ano ba lumayo ka sa Ate ko." Sabi ni Aki at hinila ako palayo kay Sir Ravanni.

"I'm sorry. I didn't mean t-"

"Pa-english english ka pa akala mo naman mapapalampas kita. Huwag mong lalapitan ng ganon si Ate dahil wala naman kayong relasyon mamaya mapachismis pa dito si Ate dahil sayo."

"Achilles sobra ka naman sa bisita ng Ate mo." Pagsabat ni Alice dahil nandito pa pala sya.

"Oh ikaw bakit ka ba nakikisali dito?"

"Huwag na kayo mag-away. Aki umuwi ka na muna." Sabi ko sa kanya dahil mainit nanaman ang ulo nya. Sya pa talaga ang galit. Minsan talaga hindi ko na maintindihan ang ugali nya.

"Mabuti pa nga." Sabi nito sa akin at naglakad na nga paalis. Nakita ko naman na sinundan sya ni Alice kaya napailing na lang ako sa kanilang dalawa.

"Sir Ravanni pasensya na po kayo sa kapatid ko ganon talaga sya ka-overprotective sa akin simula non-"

"Simula nong may lalaking nanakit sayo? Kaya pala but don't worry I understand. Kahit naman ako magiging ganon ka-protective sayo." Seryosong sabi nya lang sa akin saka nya tinanggal ang t-shirt nya.

"S-Sir ano pong g-ginagawa nyo?" Sabi ko sa kanya at pinigilan sya na itaas ang t-shirt nya.

"Naiinitan ako bawal ba 'to dito sa probinsya nyo?"

"Ahhh a-ano hindi naman po sa ganon per-"

"Hindi naman pala." Sabi nya at saka nya walang sabi na tinanggal ang t-shirt nya. At hindi ko naman alam kung bakit parang kumapit ang mata ko sa katawan nya. Ito na ang pangalawang beses na nakita ko syang ganito pero hindi parin ako sanay at mukhang hindi ako kaylanman masasanay na makita ang mga bato nya sa tyan.

"Enjoying the view Bella?" Napapitlag ako sa kanya at parang bumalik sa reyalidad nang marinig ko ang sinabi nya.

"Ah h-hindi po! Pasensya na po Sir." Sabi ko sa kanya saka ako tumalikod sa kanya. Narinig ko naman ang tawa nya sa akin kaya lalo akong nahiya sa kanya.

"This place is so peaceful. Ang simple ng mga tao at parang ang sasaya nila kahit mahirap ang buhay." Bigla akong napatingin sa kanya nang marinig ko ang sinabi nyang 'yon. Nakasandal na sya sa upuang kahoy at nakatingin sa malawak na taniman ng tubo.

"Kung sa tahimik po at sa saya ay mas gugustuhin ko dito talagang kaylangan ko lang po lumayo para matulungan ko sina Nanay."

"Mabuti na lang at naisipan mo na mag-Manila dahil kung hindi, hindi kita makikilala." Sabi nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti sya at parang ang saya nya pero sa tuwing naiisip ko na hindi ko naman sya makakayang saluhin ay ako ang nasasaktan para sa kanya dahil alam ko naman na hindi talaga kami pwede dahil malayo kami sa isa't isa

"And if I will be given a chance to choose where I'm going to live, I won't think twice to live here rather than the noisy city of Manila where I used to live. O kung nasaan ka man, doon ako. Basta ang gusto ko lang kasama kita. Wala na sa lugar, wala sa syudad at wala rin sa probinsya. You will be my only peace, remedy and safe haven Bella." Seryosong sabi nya sa akin habang nakatingin sya sa akin ngbderetso. Wala akong ibang magawa kundi ang titigan na lang din sya sa mga mata nya. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad sa kanya dahil habang sinusubukan nyang paibigin ako ay binubuo ko naman ang pader sa pagitan namin.


















xyvil_keys

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon