Napasiksik siya lalo sa kinauupuan nang makitang binuksan nang isa sa mga lalaki ang pinto sa gilid niya. Hindi siya lumabas at hindi rin naman ito lumapit sa kaniya. Talagang binuksan lang nito ang pinto nang sasakyan.

Mula sa gilid nang mga mata niya ay nakita niyang bumaba ang driver nang taxi na sinasakyan niya nang pinagbuksan ito nang pinto. Doon niya lang napansin na malaking lalaki pala ang kasama niya kanina. Sa totoo lang ay pamilyar ang katawan at tangkad nito sa kaniya.

Pinagmamasdan niya ang driver hanggang sa lumapit ito sa pwesto niya. Dumungaw ito sa pinto at walang sabi-sabing hinablot ang kamay niya at marahas siyang hinila palabas.

Nagpupumiglas siya at pilit na tinatanggal ang kamay nito sa kaniya. Pero para lamang siyang nagtatanggal nang bakal sa kaniyang kamay sa sobrang higpit nang pagkakahawak nito.

Wala na siyang nagawa nang kaladkarin siya nito papasok sa bahay na hindi niya gaanong napagmasdan. Ang alam niya lang ay nagsisiyukuan ang mga kalalakihan habang dumadaan sila.


Hindi niya alam kung anong gagawin nito sa kaniya. Lalo na kung anong ginagawa nila rito. Mas lalo siyang natatakot lalo na kapag naiisip niyang baka ibenta siya nito o kaya naman kunin ang lamang loob siya. Hindi nakatutulong ang pagiging praning niya sa sitwasyon.

Pilit niya pinabibigat ang lakad. Umaasa siyang kapag napuno ang lalaking may hawak sa kaniya ay pakawalan na lang siya bigla. Na siya namang alam niyang kabaliwan lalo na at siguradong hindi iyon mangyayari. Pero gusto niya pa ring subukan. Kahit na alam niyang walang wala ang lakas niya kumpara dito.

Pagkapasok nila ay sinalubong sila nang apat na katulong na siyang agad din namang nagsipagyukuan nang makita ang pagdating nila.

Kanina pa siya nagtataka sa mga nangyayari.


Pero wala siyang magawa kung hindi ang magpahila na lamang sa lalaki. Umakyat sila nang hagdan hanggang sa nakarating sila sa tapat nang isang pinto. Binuksan nito iyon at agad siyang hinila papasok. Itinulak siya nito sa kama na nasa loob at napapikit siya nang bigla nitong itinaas ang kamay.

Ilang segundo na ang nakalilipas pero wala siyang naramdamang kamay na dumapo sa kaniyang pisngi. Ang akala niya ay sasaktan siya nito. Unti-unting iminulat niya ang mga mata at biglang nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan niya.


"A-anong?" wala na itong takip sa mukha kaya kitang-kita niya na ang buong mukha nang asawa. Lalo na ang mga matatalim nitong tingin sa kaniya.

Bigla siyang napaatras lalo na nang lumapit ito sa kaniya.

"Teka! P-paano ka.." hindi niya maituloy ang sasabihin. Sobrang nagulat siya sa kaalamang nasa harapan niya si Phoenix.

Nanlilisik ang mga tingin nito sa kaniya. Namumula ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.


"Did you really think that I'll just let you get away from me? G-ganyan lang ba talaga sa iyo kadali na iwan ako?"

Napahawak siya sa kaniyang bibig nang makitang pumatak ang luha mula sa mga mata nito.

"Phoenix..." nanghihinang sambit niya.

"You don't know how scared I am the moment I've seen your room without any trace of you."

Napaluha siya nang makitang sunod-sunod na ring pumatak ang luha nito. Yumuko ito na para bang ayaw ipakita sa kaniya ang pagiging mahina nito. Pero kitang-kita niya ang pag alog nang balikat nito at ang mahihinang pagsinghap nito.

"I-I was so scared.." sambit nito. "Para akong mababaliw kapag hindi kita nakita. I was so afraid that I might not see you again."


Hindi niya na napigilang mapahagulhol nang unti-unti itong dumausdos sa harapan niya. Bigla ay nakaluhod na ito sa harapan niya habang nakayuko.

Napatayo siya at lumapit dito para patayuin ito pero yumakap lamang ito sa bewang niya. Isiniksik nito ang mukha sa tiyan niya. Para itong bata na humihingi nang kapatawaran sa maling bagay na nagawa.

"Phoenix.. Tumayo ka please.." hindi niya inaasahang iiyak at luluhod ito nang ganito sa harapan niya. Kilala niya si Phoenix bilang malakas at walang kinatatakutan. At ang makita ito sa ganitong sitwasyon ay labis na nakabibigla para sa kaniya. Sino ba naman ang hindi mabibigla kapag nalamang ginawa ito nang isang Phoenix Herrera nang dahil lamang sa kaniya.

"I won't get up here unless you told me that you will forgive me for what  I did. I'm sorry Xiarra. I love you so much honey."

Pinilit niya itong inalis sa bewang niya at nang magtagumpay siya ay hinawakan niya ang pisngi nito at pinahiran ang mga luha nito. Umiwas pa ito nang tingin sa kaniya na tila ba ngayon lang nahiya sa ginawa.

"Look at me hon." tawag niya sa pansin nito.


Tumingin ito sa kaniya at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa pisngi nito.

"Mahal din kita. Hindi ko man matanggap sa sarili ko na.. na-nakabuntis ka at nilihim mo saakin iyon ay hindi pa rin naman magbabago na mahal na mahal kita." humikbi siya dahil sa luhang sunod-sunod na pumatak sa pisngi niya matapos maalala ang dahilan kung bakit sila nandito sa sitwasyong ito.


Tumayo ito at hinawakan nang mahigpit ang kamay niya.

"I'm sorry, hindi mo ba talaga ako mapapatawad kaya binalak mong iwan ako? Paano na ko? Paano na tayo?" namumula na nang sobra ang mga mata nito.

"Hindi naman kasi talaga madaling tanggapin ang ganoon diba? Paano kung ako ang nagpabuntis sa iba. Ano sa tingin mo ang gagawin mo?" hindi niya napigilang sumbatan ito.

Nakita niya ang pagdilim nang mukha nito at ang pagtagis nang mga ngipin nito dahil sa inis.

"Darn it! Don't you dare." gigil na ani nito pero nanatili pa rin namang magaan ang pagkakahawak nito sa kamay niya kahit halata ang gigil sa mukha nito.

"Diba mahirap tanggapin? Iyon ang nararamdaman ko ngayon Phoenix. Masakit para saakin ang malamang niloko ako nang taong mahal na mahal ko." pilit niyang pag papaintindi dito.

"Please Hon don't leave me. I'll do anything to prove to you that Stephanie was not pregnant with my child. That child in her womb was not mine. Please Hon.. Stay with me please." kitang kita sa mukha nito ang pagsusumamo.

Tuluyan na nga gumuho ang pader na pilit niyang binubuo para sa kanilang dalawa. Hindi niya kaya. Aminado siyang hindi niya ito kayang mawala sa kaniya.

Kung sinasabi nito na hindi ito ang ama nang pinagdadala ni Stephanie. Siguro ay iyon muna ang paniniwalaan niya.

Hindi niya pala kayang mawala sa kaniya si Phoenix. At tanga man kung sasabihin pero hindi niya ito pakakawalan kahit na anong mangyari. Tama si Paula. Asawa niya si Phoenix. Mas may karapatan siya dito kumpara sa kung sino man. Kung magkatotoo man na anak talaga ni Phoenix ang bata ay susuportahan nila ito. Handa siyang ituring na parang tunay na anak ang bata. Kahit pa anak ito ni Phoenix sa iba. Mahal niya ang asawa at kahit na pagiging selfish man ang gagawin niya. Hindi niya hahayaang mapunta ang lalaking minamahal kay Stephanie.

















Owned By HimWhere stories live. Discover now