But instead of heading straight home, nag-isip ako ng lugar na may kalayuan na puwede kong puntahan para mag-isip-isip. Ayokong umuwi. The idea of going home feels suffocating and draining.

Parang wala na akong lakas para harapin pa ang pamilya ko ngayong araw. Hindi naman nila ako parating tinatanong tungkol sa school pero ayokong isaalang-alang ang tiyansang tanungin nila ako ngayong araw.

Baka kapag sinabi nilang kulang pa ang lahat ng pagsisikap ko, hindi ko kayaning itago ang lahat ng sakit at galit. Pagod ako. Ayokong mag-isip. Ayokong makipag-usap.

I just feel so empty. 

Sa puntong mga ganito ako napapa-isip kung bakit ko nga ba pinasok ang program na 'to. I feel so regretful. Thinking about the other programs that I could've taken makes me feel more broken. I could've been that person. I could've been this kind of student. I could've been happier.

Happier.

The word happy reminds me of Jadon. 

Pumangalumbaba ako sa lamesa ng cafe sa tapat ng St. Agatha University, namumuo ang mga luha pero ayaw isipin ang pag-iyak. Tumatanaw ako sa labas ng bintana ng cafe kung saan nakatabi ang table na pinili ko kanina, nililibang ang sarili sa lahat ng mga naglalakad at abalang mga tao.

Parang may bumabara sa lalamunan ko at hindi nagiging normal ang paghinga ko pero pinipilit kong libangin ang sarili. Ayaw kong umiyak. Pinili ko 'to kaya dapat na manindigan ako, 'di ba? Pinili ko 'to kaya dapat magtiis ako. 

Ito kasi ang una kong binagsak na quiz. Kaya siguro hindi ako sanay. Kaya siguro dismayado ako. Napamura ako sa isipan. Hindi ko rin mapigilang mahiya dahil hindi naman normal para sa akin ang bumabagsak sa quiz. I've always been an achiever because I've always tried to please my parents.

Kinagat ko ang nanginginig na pang-ibabang labi at mabilis na kinuha ang panyo na nasa lamesa ko at sinalo ang naunang patak ng luha na bumagsak.

Kaya ko 'to. Okay ka lang, Aiah. Mag-aaral ka ulit.

I shouldn't think about it anymore. Babawiin ko na lang next time. Kaya pa next time. Babawiin mo sa exam, Aiah. Long quiz lang 'yon. The examination is more important.

Aaralin natin ang lahat ng iminali mo para sa susunod, alam mo na. The tricky questions won't get you anymore.

"Are you okay?"

Gulat akong napalingon sa gilid ng table ko nang may magsalita ro'n at nang makita ko kung sino ang nakatayo ro'n, parang huminto ang puso ko sa pagkabigla.

Si Jadon.

Napa-awang ang mga labi ko at hindi ko sinasadyang napakawalan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan--mabilis ang pagbuhos at hindi ko inasahan.

Jadon's eyes slowly went to my falling tears and I saw the pain in his eyes. Kumuyom ang panga n'ya habang pinagmamasdan ang mga luha ko. 

He looks immaculately beautiful--like a prince in a fairytale. With how his eyelashes fanned as he slowly blinked while staring at my tears, I feel like it was my favorite movie replaying before my eyes. My heart swelled with a feeling of overflowing warmth--the feeling I am craving for for the past year.

"Sorry," I said before I immediately wiped my tears away.

But I couldn't hold my tears anymore. Parang hindi na kayang alalahanin pa ng mga mata ko ang mga luha dahil masyado nang nakuha ni Jadon ang buong sistema ko. 

Nanginig ang mga labi ko at hindi ko napigilan ang mahinang hikbi. Humarap ako sa bintana, sinusubukang itago mula sa mga tao sa cafe ang mga luhang pilit kong pinapatigil. 

War Has Begun (War Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang