"Oh, nakauwi ka na pala." Sabi niya saka siya umayos ng upo at inayos ang pagkakahawak niya kay Andy.

"Dalhin ko muna 'tong si Andy sa room niya, ah? Babalik ako kaagad dito." Sabi niya pagkatayo niya at umalis na habang karga si Andy na mahimbing nang natutulog.

Pagkabalik ni Bliss sa living room ay kaagad ko siyang hinila paupo sa sofa at hinapit ang baywang niya.

Hindi siya nagsalita sa ginawa ko at hinayaan niya lang ako.

"A-ano, magdinner daw tayo bukas sa bahay. Si Kuya Andrei ang nagplano nun dahil gusto niyang makita si Andy." Sabi ni Bliss na ikinahinto ko.

"Si Kuya Andrei? Hindi na siya galit sa akin?" Tanong ko.

Umiling naman si Bliss. "Kale, five years ago na ang nakakalipas at sure akong hindi na galit sa'yo si Kuya Andrei. May pamilya na tayo at alam kong masaya siya para sa ating dalawa." Nakangiti namang sabi ni Bliss.

Gumaan ang loob ko dahil sa sinabi ni Bliss.

"Alam mo bang noon ay alam kong magkakilala na kayo ni Argel? 'Yung dating best friend ng kuya mo?" Bigla kong binanggit na ikinagulat naman ni Bliss.

"Talaga?" She asked.

I nodded. "I called Argel and triggered him na gawin ang balak niya sa'yo makuha ka lang. I know that he likes you and I'm kind of jealous because of that. I'm planning to save you from him para naman ma-inlove ka ulit sa akin and I never thought that moron can did that to you." Pag-amin ko and I sighed.

Hindi naman nakapagsalita kaagad si Bliss sa sinabi ko but she speak after.

"I remember that. Sinabi nga sa akin ni Kuya Argel na may tumawag sa kanya noon at sinabing gawin na nito ang balak niya sa akin dahil 'yon lang raw ang paraan para makuha niya ako." Yumuko siya at pinaglaruan ang mga kamay niya.

I smiled bitterly. "Pati 'yung pagbangga ko kay Ash noong basketball practice namin sa PE, sinadya ko talaga 'yon dahil sa matinding pagseselos ko sa inyong dalawa. I'm not in my usual self when I did that. Talagang nababaliw na ako, right?" I laughed at hinawakan ko ang magkabilang kamay ni Bliss.

"Mommy, I hope that you will learn to love me kahit alam kong inagaw lang kita kay Ash. Mahal na mahal ko kayo ni Andy at gagawin ko ang lahat maging isang mabuting asawa lang para sa'yo." Seryoso kong sabi kay Bliss.

Bliss nodded. "Kale, alam mong masakit pa rin ang nangyari sa atin five years ago. Namatay si Ash nang dahil sa pagtitiwala ko kay Christian. I love Ash at tinanggap kong makasal tayo alang-alang sa anak natin. But it's in the past, ang mahalaga ay 'yung buo tayo ngayon. Masaya ako na kasama ko kayo ni Andy." Tuluyan na siyang umiyak sa sinabi niya.

I cupped her face at pinunasan ang mga luha niya. "I will do everything to protect and love you, Bliss. Gagawin ko ang lahat mabigyan lang ng magandang kinabukasan si Andy. Hinding-hindi ko kayo pababayaan." I sincerely said to her.

Masaya ako na kahit hindi pa ako mahal ni Bliss ay masaya siya sa akin kasama ang anak naming si Andy.

Hindi ko hahayaan na magkahiwalay kami. And I know that my wife is too beautiful and kind kaya hindi ko hahayaang maagaw pa siya sa akin ng ibang lalake.

My love for her was too strong that's why it got me to be the Obsessed Kale.

Pagkatapos naming mag-usap ni Bliss ay nagpunta kami sa veranda ng bahay namin para magpahangin. I hugged her back habang nakatanaw naman siya sa kalangitan.

"Bliss?" Mahinang sabi ko.

"Hmm?" Humarap siya sa akin.

"I love you."

"I love you too..."

Tila natigilan ako sa sinabi niya at halos hindi pa mai-process ng utak ko ang sinabi niya.

Did she just say I love you to me?

"T-tama ba ako ng pagkakarinig? M-mahal mo ako?" Nauutal ko pang tanong habang nakatingin sa magandang mukha ni Bliss.

Tumango siya. "I love you, Kale. Sa panahong naging magkasama tayo ay natutunan ko na ring mahalin ka ulit. I see your efforts para lang sa amin ni Andy kaya ito na rin siguro ang tamang panahon para ibigay ko ang puso ko sa'yo. I know that Ash will be happy with us in heaven at kailangan ko na siyang palayain sa puso ko." She said at muli siyang napaluha.

I hugged her again at hindi ko na rin mapigilang umiyak pa.

This is what I called; tears of joy. Tanging si Bliss lang ang nakakapagpaiyak sa akin nang ganito. I really love her and I don't have any regrets to marry and forced her to be mine.

We are only 21 years old but I can promise to her na magiging isang mabuting asawa ako sa kanya at mabuting ama naman Andy. Bliss and Andy are my happiness at kung mawawala sila sa buhay ko ay hindi ko na alam ang mangyayari pa sa akin.

"I really love you so much, Bliss. Kapag nakuha ka pa sa akin ng iba ay mangyayari ulit ang ginawa kong pambubugbog noon kay Lucas." Banta ko pa dahilan para kumalas sa pagkakayakap sa akin si Bliss at inirapan ako.

"Nagpunta na nga si Lucas sa amerika para maka move-on sa akin tapos iniisip mo pang mambugbog ulit kagaya ng ginawa mo noon sa kanya? Yesha is now happy with Loen, too kaya tumigil ka na, Kale, ha? When you'd got jealous, don't physically hurt people." Nakasimangot niyang sabi na tinawanan ko nalang.

Niyakap ko ulit si Bliss patalikod at ipinatong ang chin ko sa balikat niya.

"You know how dangerous am I kapag nagagalit, right? Lalo na kung aagawin ka sa akin ng ibang lalake. I did everything to get you at hindi ako makakapayag na maagaw ka pa ulit sa akin ng iba. I'm unbeatable and I can do stupid and crazy things again kung mawawala kayo sa akin ni Andy." Mariin kong sabi.

I can't change my personality. I'm still the Kale Marco who's selfish when it comes to Bliss. Ayoko nang may ibang lalakeng kaagaw at kahati sa atensyon ni Bliss.

She's only mine. I can kill if someone wants to steal her away from me.

She just nodded on what I said.

"Mommy? Daddy?"

Napakalas naman kami ng pagkakayakap ni Bliss nang makita namin si Andy na nasa harapan na pala namin habang kinukusot nito ang mga mata niya at halatang kakagising lang.

Binuhat ko naman siya at nginitian. "How's my baby boy? Did you sleep well?" Tanong ko kay Andy.

He nodded. "Yes, Daddy. What are you doing here with Mommy?" He asked innocently.

"We're just talking, Andy. Are you hungry?" Tanong naman ni Bliss saka kami nilapitan ni Andy.

Andy nodded again while pouting.

"Okay, let's go downstairs. Naghanda na ako ng dinner natin. Let's eat." Masayang sabi ni Bliss sa anak namin.

Hinawakan ko naman ang kamay ni Bliss habang buhat ko pa rin si Andy at sabay na kaming naglakad pababa sa dining area.

I'm so happy that Bliss already love me. Hindi ko aakalain na darating ang araw na mamahalin niya rin ako katulad nalang noong una niya akong makilala at minahal.

I'm very thankful to Ash for saving my life para lang makasama ko pa ang mag-ina ko nang pang habangbuhay.

I love Bliss and our son, Andy and I will never let them go.

THE END.

Obsessed KaleWhere stories live. Discover now