CHAPTER 2

16 2 1
                                    

"Dito muna tayo Maps hintayin natin lumapit si Pipey..." Nakangiting sambit ni Chelsie kay Marian.

"S-Sige Chel, upo m-muna tayo doon.." Tukoy ni Marian sa upuan sa di kalayuan.

Tumango naman si Chelsie at saka hinila si Marian palapit doon. Nagpatuloy din kasi ang paglalaro ng basketball ng tinutukoy niyang sila Pipey na kakikilala niya lang kahapon at balak niyang ipakilala ang kanyang kaibigang si Marian upang kahit papaano ay may kaibigan din itong lalaki at masanay sa mga tao.

"Pansin ko Maps, bakit ba nauutal ka? Hilig mong mautal ah kakaibang talent 'yan.." Sambit ni Chelsie pagkaupo nila sa upuan.

Naglumikot ang mga mata ni Marian at hindi makatingin sa kaibigan. Napahawak siya sa laylayan ng dress niya bago sumagot.

"A-Ahm, h-hindi talent 'to Chel." Mahinang anas ni Marian.

Napalingon naman sakanya si Chel. Bakas ang pagtataka sa mukha ng kanyang kaibigan..

"Kung hindi talent, ano? Ang galing mo kasing mautal akala ko tale--"

"P-P-Pa-Passion ko 'to Chelsie.."

Natigilan si Chelsie sa sagot ng kaibigan at napatitig dito. Napakurap siya ng ilang beses bago humagalpak ng tawa.

"Ha? HAHAHAHAHAHAHAHHA! Tanginang passion 'yan kakaiba ah, pwede kana sa mars Maps.."

"E-Eh?" Bigla nalang naisambit ni Marian at wala sa sariling napatingin sa direksyon ng mga naglalaro.

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang tapos na maglaro ang mga ito at naglalakad palapit sa direksyon nila. Lumipat ang tingin niya sa isang lalaki na magulo ang basang buhok at matiim na nakatitig sakanya.

Natataranta siyang muling tumingin sa kaibigan niyang si Chelsie na nakangiting kumakaway sa mga paparating at hindi man lang siya pinansin.

"C-Chelsie u-uwi na tayo..." Mahina niyang saad ngunit hindi siya nito narinig mabilis na tumayo para salubungin ang dalawang lalaki.

"Yos! Pipey! Galing natin maglaro ng basketball ah!" Malakas na saad ni Chelsie.

Napahalakhak naman ang isa sa dalawang lalaki at nakipag apir kay Chelsie samantalang 'yung isa ay seryoso lang ang ekspresyon ng mukha at hindi pa rin inaalis ang tingin sakanya kaya nakaramdam ng matinding kaba at hiya si Marian.

Agad naman iyon napansin ni Chelsie.

"Omygas Maps dito ka! Ipapakilala kita sakanila halika dali~" Saad ni Chelsie at hinila si Marian palapit.

Wala ng nagawa si Marian kundi magpahatak habang nakatungo at di makatingin sa isang lalaking ramdam niyang nakatitig pa rin sakanya.

"Ito nga pala 'yung kinekwento ko kahapon sainyo, siya si Maria--"

"Marian Apongol Vinegar Tyty... i know Chelsie, i know..."

Nabigla si Marian nang marinig ang baritonong boses na iyon. Tila nagdala ng kakaibang elektrisita sa kanyang katawan ang boses na iyon kaya wala sa sariling inangat niya ang tingin.

Nagsalubong ang tingin nila.

"Nayswan! Kabisado mo agad Yos? Sana all kinakabisado ang pangalan, ikaw Pipey kabisado mo ba pangalan ko?" Singit ni Chelsie.

Tumawa lang ang lalaking nagngangalang Pipey samantalang tumango ang tinawag niyang Yos at muling tumingin kay Marian.

"Sino namang hindi makakabisado sa napakagandang pangalan niya? Kakaibang pangalan huh, i like it.." He smirked at her.

Umiwas ng tingin si Marian dahil hindi niya matagalan ang tingin nito sakanya.

"Bumabanat tropa mo Pipey! ah by the way Maps ito nga pala si Pipey Villondog Liego at ito si Yosayad Taragis Meralco!" Masayang pakilala ni Chelsie sa mga ito.

Mahina namang napatango si Marian. Kumindat sakanya si Pipey samantalang si Yos naman ay nakita ang pagkindat sakanya ni Pipey.

"Stop winking at her Villondog or i'll snatch your eyeball." Iritadong sambit ni Yos kay Pipey.

Napahalakhak naman si Pipey at saka inakbayan ang iritadong si Yos.

"Relax pre! I like her kaya.."

"Shut up, anjan si Chelsie.." Sagot ni Yos na iritado pa rin.

Umiling si Pipey at tumingin kay Chelsie na natahimik na nakatingin kay Yos.

"But Chelsie like you pre hindi ako," Saad ni Pipey at tinulak si Yos palapit kay Chelsie pagkatapos ay lumapit sakanya.

Bahagyang napaatras si Marian sa sobrang lapit sakanya ni Pipey. Si Yos naman ay akmang lalapit sakanila pero pinigilan siya ni Chelsie.

"Do you wanna build a snowman?" Biglang kanta sakanya ni Pipey na ikinangiwi ni Marian.

"H-Hindi.. a-ayoko sa snow tsaka a-ayoko din sa kanta... na 'yan."
Nagalangang sagot ni Marian.

Napahinto naman si Pipey at napatingin sakanya

"Kung ganun ay ayaw mo rin sa movie na Frozen? Kay Elsa?" Tanong ni Pipey.

Tumango naman si Marian at saglit na napakagat ng ibabang labi.

"O-Oo ayaw ko kay E-Elsa... masyadong oa." Sagot ni Marian.

Napatango din si Pipey at tumingin kay Yos na hindi makalapit dahil kinukulit ni Chelsie. Hindi niya pinansin ang masamang tingin sakanya ni Yos at nginisihan ito.

"Alam mo ba anak ako nung sikat na writer noon si Gwew Diamond? Yung--

"Y-Yung best condense w-writer? Kilala ko siya... paborito siyang author ng mama ko..." Putol ni Marian sa sinasabi ni Pipey.

Napapalakpak naman sa tuwa si Pipey sa narinig.

"Talaga? Alam mo hindi niya natuloy 'yung story niya ng siyam na buwan kasi binuntis agad ni papa, kinidnap niya kasi non si mama at dinala sa tagu-tagu island para lang magtwerk hanggang sa maalala siya ni mama, nakalimutan niya kasi si papa nung kabataan nila kaya ganun.." Mahabang kwento ni Pipey.

"A-Ano bang pangalan ng... papa mo?" Tanong naman ni Marian.

Ngumiti ng napakalawak si Pipey bago sumagot.

"Radlegs Liego!" Proud na sagot ni Pipey.

Hindi na sumagot si Marian at tumango nalang. Napatingin siya sa direksyon ng kaibigan niyang si Chelsie kasama si Yos at nakita niya kung paano kinukulit ng kaibigan niya si Yos na nakatingin lang sakanila ng masama.

Naramdaman niya ang pagtabi sakanya ni Pipey kaya napalingon siya dito. Nakatingin ito sakanya at nakangiti.

"Akala ko hindi mo ako papansinin kanina dahil napansin kong mahiyain ka.." Mahinang saad ni Pipey sakanya.

"Yes I'm shy but I'm not.. s-snowber!" She cutielity pout at him.

Pipey chuckled and pinch her cheeks. "Marian Apongol Vinegar Tyty cutie...."

When The Meypol Leafs FallWhere stories live. Discover now