Chapter 10

2 1 0
                                    

IRITA

"Palagi na sila magkasama, 'no?" hindi ko pinansin si Chesa dahil abala ako sa pagtingin ng mga sapatos dito sa Department Store.

"Ang sungit ng kaibigan ni Hazel. Parang kakatayin tayo sa tingin."

Huminga ako nang malalim nang dumapo ulit ang tingin ko sa ankle boots na kanina ko pa binabalik-balikan. Bilhin ko kaya?

Humarap ako kay Chesa pagkakuha ko sa boots. "Ano ba problema mo dyan? Hindi na bago sa'kin na ayaw mo kay Vanessa."

Umirap siya sa hangin. "Nakita ko kasi si Vanessa kanina. Tatanungin ko sana kung saan nagpunta si Hazel at Pacifico. Aba! Inirapan lang ako sabay alis!"

Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung paano natatagalan ni Hazel si Vanessa. Tahimik siya at mabait, samantalang ang kaibigan niya ay ubod ng sungit. Opposite attracts nga siguro, kahit sa pagkakaibigan.

Hindi kalayuan ay may nakita akong bulto ng pamilyar na lalaki. Sa tabi niya ay si Hazel. Masyado silang nag-eenjoy sa usapan kaya hindi napansin ni Pacifico 'yong sales lady na pasalubong sa kanila. Ayon, nagbanggaan.

"Ayan na hinahanap mo. Mukhang nag-date lang," kumunot ang noo ko nang mahalata ang pait sa sarili kong boses.

Date. Mahina akong suminghal na hindi na narinig ni Chesa dahil mabilis siyang naglakad sa tabi ni Pacifico.

"Saan ka ba galing?" Hinampas niya si Pacifico sa braso na gulat ang mukha. "Nakalimutan mo ata na dala mo 'yong mga binili kong damit!"

"Ay, sorry," inabot ni Pacifico 'yong dalawang paper bag. "Mauuna ka nga pala umuwi sa'min."

Muling umirap si Chesa at tuluyan nang umalis. Kahit kailan talaga. Bagay sila ni Vanessa. Parehas din masungit.

Humarap ako kay Hazel at kinausap tungkol sa boots na minamatahan ko. Tipid lang ang mga sagot niya at halatang nahihiya pa. Hindi ko na iyon inalintana.

"Bilhin ko ba? Pero sayang naman kung—"

"Hazel, tara na!"

Lumingon kaming tatlo sa bagong dating na si Vanessa. Masungit itong tumingin sa akin bago hilahin papalayo si Hazel na hindi man lang nagpaalam o tumingin pabalik bago umalis. Hanggang sa hindi na namin sila makita.

Ano 'yon? Nakaramdam ako ng irita na hindi ko alam kung saan nanggaling. Nirolyo ko ang mata at ibinalik ang boots sa shoe rack.

"Bakit kanina pa mahaba nguso mo dyan?"

Hindi ko pinansin si Pacifico at nagsimulang maglakad kahit hindi ko alam kung saan pupunta. Naramdaman kong sumunod siya.

"Kayo na ba ni Hazel?" agad kong tinikom ang bibig. Dapat sa isip ko lang 'yon!

Matagal siyang hindi sumagot kaya nilingon ko si Pacifico. Tila nahihiya at namumula ang pisngi niya. Nanliit ang mata ko.

"Er...hindi pa—" nanlaki ang mata niya. "—la, hindi pala."

Umirap ako at mabilis na naglakad. Lalo akong nainis kay Hazel, at hindi ko alam kung bakit.

Tingin, LuwalhatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon