Chapter 7

4 1 0
                                    

REGALO

"Maligayang pasko!" bati ko at nagmano kay tito at tita bago akapin si Pacifico.

"Merry Christmas," bulong ko sa kanya bago ako humiwalay. Nakapaskil ang gwapong ngiti niya sa mukha bago iabot sa akin ang isang regalo.

"Merry Christmas din. Nasaan regalo ko?" tinignan niya ako, mukhang naghahanap ng nakatagong regalo.

"Ang tanda mo na, naghahanap ka pa ng regalo?" tinaas ko 'yong binigay niya. "Salamat dito!"

"Ang duga!" pagmamaktol niya na may kasamang pagsimangot pa. "Binigyan kita tapos ako, hindi?"

Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa kusina kung nasaan 'yong mga pagkain. Ang pamilyang Fabrejas naman ngayon ang pumunta sa bahay namin para ipagdiwang ang pasko. Kaya't heto kami, parang may party sa bahay. Maraming kamag-anak ang pumupunta kaya halos mapuno na ng tao ang bahay namin.

Kumukuha ako ng spaghetti nang sumulpot sa tabi ko si Pacifico habang nakangiting hawak ang cellphone.

"Si Hazel ba 'yan?" hindi na ako nagtangkang sumilip. Ang tinutukoy ko ay 'yong nabangga niyang babae at binilhan ng pagkain. Ilang beses na namin silang nahuli ni Chesa na magkasama.

"Er...oo?" tinabi na niya 'yong phone. "Sarap talaga ng spaghetti niyo."

"Gusto mo ba?" nakangising tanong ko.

"Itong spaghetti? Mahal ko 'to."

"Baliw, hindi. Si Hazel!"

"Hindi 'no." Kumuha siya ng plastic cup at nilagyan ng Sprite. "Tulad mo kay Joaquin, magaan siya kausapin."

"Sus," hinawakan ko siya sa pulso at hinila papalabas ng kusina. "Tara sa terrace. May ipapakita ako sa'yo."

Umakyat kami papuntang terrace. Nang nakarating kami roon ay sinalubong kami ng malamig na hangin. Sa isang banda ay may apat na upuan at isang lamesa kung nasaan 'yong gitara ko.

"Anong gagawin natin?" nagtatakang tanong niya nang pinaupo ko siya sa isa sa mga upuan. Naupo ako sa harap niya at inalis sa case 'yong electric guitar.

"Regalo ko sa'yo," uminit ang pisngi ko habang inaayos ang gitara at 'yong amplifier. "Hindi ako biniyayaan ng magandang boses, kaya tutugtugan na lang kita ng isa sa paborito mong kanta."

Hinanda ko sa phone 'yong kanta na sasabayan ko. Sumugal ako ng huling sulyap sa kanya para lang makitang seryoso siyang nakatingin sa'kin. Mahina akong umubo bago tugtugin ang One Night Stand ng FourPlay MNL.

Binalot kami ng katahimikan nang magsimula akong tumugtog. Naririnig din namin ang tawanan at usapan ng mga tao sa ibaba pero nangingibabaw ang tugtog ng gitara. Paminsan-minsa'y binubulong ko ang lyrics.

Sobrang gulo. Saan ba 'ko tinamaan? Sa alak o sa'yo?

Nag-focus lang ako sa gitara kahit kinakabahan ako sa titig niya. Madalas ay sarili ko lang ang tinutugtugan ko, bihira lang sa harap ng ibang tao. Nang matapos ang kanta ay alinlangin akong tumingin sa kanya na nakatulala sa'kin.

"Ano? Ayos ba?" kinamot ko ang ilong. "Kinakabahan kasi ako kaya may ilang mali."

"Ang galing!" uminit ang pisngi ko. "Salamat, Luwalhati. Grabe, ang bilis ng tibok ng puso ko!"

'Di ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya.

"Tugtugan mo ulit ako, sige na?"

Kita ko sa mata niya ang pagkasabik. Kaya bukal sa puso ko ulit siyang tinugtugan.

Tingin, LuwalhatiWhere stories live. Discover now