Para lang sayo, Mahal ko

7 0 0
                                    

Mahal ko,
8 buwan na tayong magkasalo
Sa sakit at saya ng relasyong ito
Sa palakasang tawa at iyak na ating nadarama

Ni minsan sa ating pagtatalo
Naisipan na nating lumayo
Lumayo sa isat isa at nagbabasakaling lumago
Lumago at maging masaya

Ngunit hindi!
Hindi tayo pumayag
At pinilit paring tumawag
Naghahangad na mapatawad ang isat isa

Kahit may mga away man
Na isng linggo pa lilipas bago matapos
Tinitiis ang dami ng luha na nagastos
Sa tissue na pamahid na ta tag-otso pesos per piraso

Naalala ko pa na Nagsimula tayo sa isang plataporma
na puno ng mga sawi
Naghahangad na may pimili
Kahit man lng sa kontratang pang isang linggong pagsisisi

Ngunit may ikaw,
Dumating sa buhay ko na nagpaniwala
Na may pag asa pa sa mundong puno ng mga masasama
Na nag silbing anghel na humatak sa akin pataas at hindi pababa

Ikaw ang gumising sa aking pagkatulog
Sa panaginip kung saan akoy isang laruan
Na palaging sinisira matapos pakinabangan
Hinatak, tinulak, at sinaksak sa likuran

Hindi man ako ang iyong prince charming
Binalik mo naman ako sa ating Dios
Ang Dios na ang kahirapan koy tinapos
At binalik ako sa tamang ayos

At Ikaw,ikaw ang nagsilbing liwanag sa aking buhay
Ang ilaw na nagsilbing gabay
Sa tamang landas na aking tatahakin
Ang daan kung saan makakamit ng ligaya na ating inaasam

At ngayon, hinihiling ko sa panginoon
Na pagtubayan ang ating pag iisang dibdib
Na umabot hanggang kamatayan ang ating pag ibig
At tayo'y maging masaya sa panghabang buhay

Tanggapin mo ang tulang ito
Lahat ng salitang nabigkas ko
Ay galing sa kinailaliman ng aking puso
Inaalay ang buhay ko hanggang sa katapusan ng mundo

At pangako na laging ang puso koy para sayo
Uubusin ang oras at pagod ko sayo
Hanggang sa libingan ko man ay nangangako
Para lang sayo mahal kong Blessed.



Free Verse Compilation Where stories live. Discover now