"Tao po." I said and the girl looked at me.

Ngumiti ako sakaniya nang pagka tamis tamis at ngumiti rin ito sa akin pabalik. Mabilis niyang pinatay ang hose atsaka siya lumapit sa may gate. She opened the gate for me.

"Sino po sila?"

"Ryoga nga pala." Mabait na sabi ko.

"Ano pong pakay nila?"

Her eyes twinkled and I think she likes me. Ghorl, may asawa't mga anak na ako. Pass na!

"May nakatira ba rito na lalaki? Mataas tapos medyo moreno. Gwapo rin pero mas gwapo ako syempre."

"Ah, si Alexus ba? Siya lang naman ang kasama kong nakatira rito."

Alexus pa nga. Akala ko ba hindi niya gamit ang pangalan niya?

"Oo, 'yun nga."

"Wala siya rito e. Umalis at nagtrabaho. Ka ano ano mo pala siya?"

"Kapatid ko." I said and she looked surprised.

Well, kagulat gulat naman talaga kapag sinasabi kong kapatid ko si Red e. Bukod sa hindi ko siya kamukha e napakalayo ng kagwapuhan ko sakaniya.

"Anong oras siya darating?" I asked when she didn't answer at nakatulala lamang ito sa akin. Titig na titig siya sa gwapo kong mukha. I moved towards her at napaatras ito.

"S-sa makalawa pa siya darating e."

"Bakit? Ang tagal naman."

"Sumama kasi siyang mangisda kina Mang Ador."

Tumango tango na lamang ako. So mangingisda na pala siya ngayon? Wala na talaga siyang yaman. Magkano kaya laman ng wallet niya? Bibigyan ko siya ng abuloy. Kawawa naman at baka wala na siyang pangkain.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" I asked dahil nangangawit na ako rito sa labas. Ang init pa!

"S-sorry. Pasok ka."



I stayed in her house at nakipag usap ako sakaniya. Dalawa lang talaga pala silang nakatira rito at wala silang nakakasama na iba. Wala kayang nangyayari sakanila? Bahay bahayan sila ganon. Maganda pa man din 'yung babae at mukha namang mabait.



Umuwi ako sa hotel kung saan kami nagpabook ni Brandon nang palagay ko'y tama na ang mga impormasyon na nakuha ko. Humiga ako sa kama at inistalk ang facebook account ni Reginy gamit ang account ni Brandon. I saw some photos of her and my sons.

"Ang laki na ni Ivan. Tangina. Kamukhang kamukha ko talaga ang anak ko." Tumatawa na sabi ko habang tinitignan ang itsura ni Cole.

Hindi ko inakala na magiging kamukha ko siya nang ganito. Kasi si Ivan, mix ang mukha namin ni Reginy e. Si Cole, para kaming pinagbiyak na bunga. Nakakaproud nga naman ang sperm ko talaga. Magilas!

Nahinto ang pagstalk ko nang biglang mag ring ang cellphone ko. It's Raine who is calling. Miss niya na yata ako? Baklang 'to. Ilang araw palang kaming 'di nagkikita ah.







"Man?" Sagot ko sakaniya.

"Bumalik ka muna rito." Kinakabahan na sabi niya.

"Bakit?" Tanong ko at napaupo ako sa kama dahil sa tono ng boses niya. I don't like it.

"Luke's heart beat stopped for a minute."

"Ano?!" Gulat na tanong ko at sakto namang lumabas si Brandon sa CR. "Is he okay now?!"

"Yes. He is fine again."

"Sige sige. Babalik kami riyan ngayon din."

I ended the call and looked at Brandon.

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now