"Naku hindi po. K-Kaibigan ko lang po si Sir Ravanni,Aling Isay." Nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Naku Bella huh? Ilang buwan kang nawala at pag-uwi mo may kasama ka nang makisig na binata." Mapang-asar na sabi nito sa akin kaya lalo akong nahiya.

"Nagkakamali po kayo. Ahh- ipapakiusap ko l-lang po sana sa inyo na baka po p-pwede nyong tingnan tingnan ang kotse ni Sir doon." Nahihiyang sabi ko sa kanya dahil kung hindi ko agad sasabihin ang pakay ko ay baka hindi na kami makaalis dito at makipagkwentuhan na lang kami kay Aling Isay.

"Aba ay syempre naman. Huwag kang mag-alala at papatingnan tingnan ko 'yan kila Bert."

"Maraming salamat po Aling Isay. Sige po tutuloy na po muna kami."

"Ay sya sige siguradong sabik na sabik na sa iyo si Mareng Odette dahil ilang beses ka na nyang kinukwento sa akin." Natatawang sabi nito sa akin at ngumiti na lang ako sa kanya at nag-paalam ulit. Dumeretso naman na kami ni Sir Ravanni papasok doon sa amin. Hindi naman 'yon kalayuan at may dadaanan lang kami na maliit na maggahan at pagkatapos noon ay matatanaw na ang bahay namin.

"Sir Ravanni pasensyana po kayo sa lugar namin-"

"It's fine. Mukhang mababait ang mga tao sayo dito at hindi sila mga mukhang katulad ng sa tinitirhan mo sa bed space." Sabi nya sa akin at hindi na lang ako umimik sa kanya dahil totoo naman. Mas safe dito kumpara doon sa tinutuluyan ko sa Maynila. Ilang minuto pa ay nakarating na kami pero ni wala akong narinig na reklamo kay Sir Ravanni. Napangiti ako dahil doon.

"Nanay si Ate Bella!" Rinig kong sigaw ni Delaney at mabilis 'tong lumapit sa akin. Niyakap ko naman agad sya ng mahigpit.

"Namiss mo ba si Ate?"

"Opo sobra po. Miss na miss na miss na miss na po kita." Sabi naman nito sa akin saka ito tumingin sa kasama ko.

"Ate sino po sya?"

"Bella? Ikaw na ba 'yan?" Rinig kong tanong ni Nanay at lumapit ito sa amin. Nagmano naman agad ako sa kanya at nagulat ako nang bigla akong gayahin ni Sir Ravanni.

"Magandang hapon po." Magalang na bati ni Sir Ravanni kay Nanay.

"Hali kayo lumanhik muna kayo at mukhang mahaba ang mapapag-usapan namin ng binatang nasa tabi mo." Sabi sa akin ni Nanay at umuna na ito papasok ng bahay. Napatingin naman ako kay Sir Ravanni at halatang nahihiya sya kila Nanay.

"Sir Ravanni huwag po kayong mahiya." Nakangiting sabi ko sa kanya at niyaya na sya papasok doon sa bahay namin. Pinagbuksan namin kami ni Delaney ng maliit naming gate na gawa sa kahoy dahil madami kaming dala dala.

"Sir pasensya na po kayo sa bahay namin ah? Maupo muna po kayo dyan ikukuha ko po muna kayo ng maiinom." Sabi ko sa kanya at pinaupo sya doon sa upuan namin na gawa sa kawayan. Tumango naman sya sa akin pero halos mapanganga ako ng tanggalin nya ang sapatos at medyas nya at iwan 'yon sa may terrace namin bago sya pumasok sa bahay namin.

"Sir Ravanni huwag nyo na po tanggalin ang sapatos nyo." Sabi ko sa kanya dahil hindi tiles ang sahig namin at nilagyan lang 'yon ng linoleum at medyo may butlig butlig 'yon dahil sa semento. Nakita ko naman na tumingin sya sa paa ko na walang suot na sapatos at saka sya ngumiti.

"It's fine." Sagot nya lang sa akin pero umiling na lang ako sa kanya at kumuha ng isang tsinelas na pambahay at inilagay 'yon sa may paa nya.

"Isuot nyo po 'yan para hindi malamigan ang paa nyo at hindi masaktan ang talampakan nyo. Medyo magaspang po ang sahig namin."

"No, okay lang talaga. Take this ikaw na lang ang mag-suot."

"Meron po akong pambahay dito na sa akin." Sabi ko sa kanya at saka ako dumeretso sa kuhanan ng tsinelas namin na nadoon lang din at nagsuot na rin ng pambahay na tsinelas.

"Ikukuha ko lang po kayo meryenda." Sabi ko sa kanya at aangal pa sana sya nang pumasok na ako sa loob at dumeretso sa kusina at nagtimpla ng juice at kumuha ng ilang biscuit doon sa timba namin.

"Sino ang binatang kasama mo Bella? Nobyo mo ba sya?" Biglang sulpot ni Nanay kaya nagulat ako sa kanya.

"Ginulat nyo naman po ako Nay! S-Saka hindi ko po s-sya nobyo."

"Kung ganon eh bat mo isinama dito?"

"Sumama lang po sya sa akin dahil....d-dahil gusto nya daw po magbakasyon dito sa probinsya natin." Pagdadahilan ko kay Nanay dahil wala na akong maisip na dahilan.

"Talaga lang huh? Pwede mo naman sabihin sa amin kung nobyo mo sya. Ang kaso nga lang ay mukhang anak mayaman. Alam mo naman-"

"Oo po Nay naiintindihan ko po. Huwag po kayo mag-alala dahil hindi na po mauulit ang nangyari noon." Seryosong sabi ko kay Nanay at hinakawan nya lang naman ang kamay ko nang mapansin nya na nag-iba ang ekspresyon ko.

"At isa pa ay bakit biglaan ata ang pag-uwi mo dito?"

"P-Pinagbakasyon po ako ng boss ko kaya po nakauwi ako."

"Ah ganon ba? Sige na mamaya na lang tayo magkwentuhan at dalhan mo muna ng meryenda ang bisita mo. Meron pa dyang Tinapik sa may lamesa." Sabi sa akin ni Nanay at iniwan na ako sa kusina. Dinala ko naman agad ang meryenda sa may terrace at naabutan ko doon si Sir Ravanni na pinagkakaguluhan na ng mga kapatid ko.

"Talaga po kuya? Sa amin po ito lahat?" Tanong ni Kenzo. Hawak nya agad 'yong sapatos na binili ni Sir Ravanni.

"Yes. Para sa inyo ito lahat. Nagustuhan nyo ba?"

"Opo sobra po Kuya?" Tanong namin ni Delaney.

"Ano po n-ngalan nyo?" Uutal utal pa na sabi ni Blaine. Sya ang bunso namin at anim na taon pa lang sya. Natatawa akong tingnan sila. Mukhang nakaksundo nila si Sir Ravanni.

"Tawagin nyo na lang ako na Kuya Ravanni." Sabi ni Sir Ravanni at hinawakan pa ang buhok ni Delaney at nakita ko na kalong na nya si Blaine.

"Ate! Tingnan mo po oh? Sa amin po pala lahat nang dala ni Kuya Ravanni. Ang gaganda po Ate." Masayang sabi sa akin ni Kenzo at ipinakita pa sa akin ang sapatos nya na sinukat na nya ngayon. Ipinatong ko naman muna ang dala ko sa lamesa at ginulo ang buhok nya.

"Nagpasalamat ba kayo sa kanya?" Tanong ko sa kanila at sabay sabay naman sila halos na nag-thank you kay Sir Ravanni.

"Engkyu po ya Rani." Sabi ni Blaine at hinalikan pa nya si Sir Ravanni sa pisngi nito kaya napangiti si Sir Ravanni.

"Sige na maglaro muna kayo. Pagod si Kuya Ravanni at kaylangan nyang kumain muna. Kayo? Nagmeryenda na ba kayo?" Tumango naman sila sa akin.

"Take this. Para sa inyo 'to lahat. Isukat nyo at sabihin nyo sa akin kung nagustuhan nyo." Masayang sabi ni Sir Ravanni sa mga kapatid ko at saka nya tinulungan ang mga ito na ipasok lahat nang pinamili namin sa may sala. Pagbalik nya ay hindi ko na maitago ang ngiti ko. Sa talambuhay ko ngayon ko lang nakita na ganito kasaya ang nga kapatid ko. Habang binubuksan nila ang bawat paper bags ay makikita mo talaga na masayang masaya sila. Ito ang unang beses na nakabili sila ng ganito kadaming damit at sapatos. Gusto kong maging masaya pero nakaramdam ako ng konting kurot sa dibdib ko habang tinitingnan sila. Kung mas naging magaan lang sana ang buhay namin ay mas maiibigay ko pa sa kanila lahat nang pangangailangan nila.

"Bella." Tawag sa akin ni Sir Ravanni at tumabi na sya sa kinauupuan ko. Deretso ko syang tinitigan at ngumiti ako sa kanya. Sobra akong nagpapasalamat dahil naibigay nya ang mga bagay na hindi ko maibigay sa mga kapatid ko. Alam kong isa lamang itong luho pero ang makita ang mga kapatid ko na ganito kasaya ay walang kahit na anong presyo. Okay lang na magtrabaho ako kahit gaano katagal kay Sir Ravanni para mabayaran lahat nang nagastos nya kung ganito naman kasaya ang mga kapatid ko.

"Maraming salamat Sir Ravanni." Sincere na sabi ko sa kanya at saka ko sya binigyan ng napakatamis na ngiti para maiparamdam sa kanya na sobrang saya ko ngayon para sa mga kapatid ko.

















Xyvil_keys

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now