"Ngayon na Victoria! Bilisan mo!"

Muling sambit ng 'kaisipang' 'yun na bahagya kong ikinagitla. Bagaman nag-aalinlangan pa rin ako, sinunod ko na lamang ang mga walang tinig na mga salita.

"Lumiko ka sa kaliwa, patungo sa nakakubling aelda."

Nakakubling selda? Hindi ko man alam kung bakit ako iginigiya ro'n ng 'kaisipan' walang isang kurap ko rin namang sinunod ang direksyon nito.

"Gamitin mo ang pinakamalaki sa mga susing hawak mo." Anito, nang nasa tapat na ako ng nakakandadong selda. Agad ko rin namang sinunod ang sinabi nito.

"Magmadali ka. Buksan mo na ang selda at Gmmigisingin mo na ang iyong kabiyak."

Sino raw?

Natigilan ako sandali. Nag-aalinlangang inaninag kung sino ang nasa loob. Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa, hanggang sa mapadako ako sa bungad ng selda, kung saan idinungaw ko muna ang aking ulo upang sumilip dito.

Unti-unti ko nang naaaninag ang isang lalaking nakadapa. Butas-butas ang bandang likuran ng pang-itaas nito. Puro latay din ang likurang bahagi ng kanyang malalaking braso. Nakakubli ito sa dilim. Nakasubsob ang ulo nito pakaliwa; paharap sa pader.

"Magmadali ka Victoria! Gisingin mo na siya!"

Tinapik-tapik ko ang likuran ng lalaki. Agad naman itong gumalaw at tumagilid paharap sa akin.

"Victoria?!" Nanlalaki ang mata ng lalaking ginising ko.

"N-Nathaniel?!" Gulat na gulat at naiiyak na sambit ko.

"Salamat sa Diyos at ligtas ka!" Hinitak ako nito at niyakap nang mahigpit; gumanti rin naman ako pabalik.

Halos hindi ko na ito makilala. Basag-basag ang mukha nito. Gulo-gulo ang buhok. Tadtad ng mantsa ng dugo at luray-luray na ang damit pang-itaas nito. Napakarumi ng kanyang pantalon. Sa hitsura nga lang ng mga punit nito'y halatang kinaladkad ito at nagpasabit-sabit sa magagaspang na bagay.

"Akala ko hindi na tayo magkikita." Humahagulhol na bulong ko sa kanya, bago ko ibinaon ang mukha ko sa kanyang kaliwang leeg, "Ang sabi kasi nila pinatay ka na nila."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"Ako man halos mawalan na rin ng pag-asa. Hindi ko kasi alam kung saan ka nila dinala at kung ano ang ginawa nila sa 'yo."

"Magmadali kayo!" Muling paalala ng 'kaisipan' sa akin.

Hinila ko si Nathaniel palabas ng selda. Tumakbo kaming dalawa; tumigil, lumiko, dumiretso, nagtago iba pa--na ayon pa rin sa direksyong ibinibigay sa akin ng hindi nakikitang tagapagligtas.

Mabuti na lang na kahit sugatan si Nathaniel, malakas pa rin naman ito; iika-ika ma'y maliksi pa rin naman ang paglalakad at pagtakbo nito.

"Nathaniel," Sa gitna ng aming paglalakad-takbo. "Kailangan nating bumalik sa piitan para pakawalan ang iba pang mga nakakulong do'n. Pero mapanganib. Heto." Iniabot ko sa kanya ang baril na kinuha ko sa g'wardyang napatay ko. Tumango naman si Nathaniel bago nito kinuha ang baril.

LagimNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ