CHAPTER 1

8.8K 149 4
                                    

MEBIMB 2 / CHAPTER 1




[Jayson's POV.]


TATLONG taon na simula ng umalis siya at iwan ako.



Kahit tatlong taon na ay ito parin ako parang tanga na naghihintay sa kanya na bumalik siya pero ito ako at bigo na naman.



Hindi naman pwede na pabayaan ko nalang sarili ko at kompanya ko kaya nagpasya akong magpatuloy muna sa sarili kong buhay. At kalimutan muna ang nangyari sa loob ng tatlong taon na nakalipas.




At ito ako ngayon naging mas matagumpay na negosyante. Kahit na iba't ibang babae na dumaan saakin ay nanatili parin ang nararamdaman ko para sa kanya.




Tinigilan ko narin ang madalas pagpunta sa bar. Dahil dati ay kung papasok ako sa trabaho ay lasing pa ako.




Nung lumilipas kasi ang mga araw ay nakapag isip-isip ako na hindi rin naman nya ako babalikan kapag naging ganito kaya tinigilan ko.




Nagbago ako at tinuon ko ang lahat ng oras ko sa trabaho. Ang hindi lang maalis ay yung mga babaeng gusto makipaglandian saakin.




Minsan may oras ako sa kanila. Minsan wala kapag hindi ko gusto at pagod ako.





Ngayon ay kakatapos ko lang sa trabaho at hindi naman ako pagod ngayon. Siguro ay kailangan ko muna mag chill kaya nag desisyon ako  na dadaan muna sa isang club na lagi ko pinupuntahan.




Doon ako lagi nakikita ng mga babaeng gusto lumandi saakin. Hindi ko naman sila masaway ay hinahayaan ko nalang sila na kausapin ako.




Minsan kapag wala akong trabaho na gagawin sa condo ay pumupunta talaga ako dito para makapagrelax. Kapag uuwi ako sa condo ay makakapag isip lang ako doon at maalala ko lang kung paano nya ako kadali na iwanan.




_______________________




[Jessica's POV.]




Naku!

itong lalaking talaga to! palagi nalang umiinom at nakikipagflirt! tsk

ganyan ba ang nagagawa pag'inlove?

tsk

kaya ayaw kong magpakatanga sa love eh! tsk.

nandito lang ako sa may malapit na

table nila.

hinihintay syang malasing upang maiuwi ko na ito sa condo ko, este, sa condo NYA!

at

mailayo dun sa lintang grabreng makakapit sa kanya!

yuck, ankapal pa ng make'up! tsk,

at ang damit? dyosko! kita na ang kaluluwa!

at

talagang kumandong pa itong bruhang to ha!

ingudngud ko kayong dalawa eh!

kaya di ko nalang muna sila tinignan at umin0m nalang din ako dun ng akin!

makalipas ng ilang oras e'nilingon ko na sila.

pero,

ang mga walang hiyang to!

dito pa talaga nag'memake'out?

My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK TWO UNDER EDITING!!]Where stories live. Discover now