CHAPTER 40.

944 21 1
                                    

*Jane POV*






Isang buwan na pala simula nang malaman ni Jayson yung totoo..
Gusto ko naman sabihin sa kanya ang totoo kaso nag iisip pa ako kung paano ko ipapaliwanag sa kanya..
Dahil alam ko magagalit sya..
Pero wala eh,,
Sya na mismo nakarinig..
At hanggang ngayon hindi parin nagpaparamdam sa amin si Jayson..




Alam ko naman kung nasaan sya..
Dahil sinabi sa akin ni Nicole yun..
Na nasa ibang bansa ito,,
Umuwi sa mga parents nya..
Gusto nya raw kasi lumayo at mag isip..
Mag pahinga..




Pero bakit sa malayo??
Ayaw nya ba kame makita ng anak nya??
Kung ako lang ayaw nya makita,,
kahit magpakita nalang sya sa anak  namin..
Gusto na sya makita ni Jm..
Ang anak namin..



Gusto ko rin sya makita at makausap..
Gusto ko magpaliwanag sa kanya..
Gusto ko malaman nya na mahal ko sya hanggang ngayon at sya lang..
Sya lang mahal ko..




Tsaka ok na yung anak namin na si JM..
Nakalabas na ito ng Hospital pero hindi pa sya nakakalakad..
Nasasaktan sya sa tuwing tatayo ito at gustong mag laro..




Minsan naaawa ako sa anak ko,,
Alam ko kasing gustong gusto nya na mag laro tulad ng ginagawa nya dati tulad ng takbuhan kaso hindi nya na ito magawa..
Habang buhay na sya maglalakad dahil hindi na sya pwede tumakbo ulit..



Minsan tahimik lang ito sa loob ng kwarto nya..
Hindi na rin naglalaro..
Mas gugustuhin nya nalang manood ng mga movies na cartoons..



Kung gusto nya man maglaro,
Hahanapin nya muna si Jayson..
Kahit lahat na kame dito sa bahay nag yayaya sa kanya, ayaw nya saamin..



Tsaka nasabi ko narin sa anak ko na si Jayson talaga yung totoong Daddy nya..
Nang malaman nya yun mas natuwa pa sya dahil Daddy nya si Jayson..



Mas gugustuhin kong maaga nya malaman,
Ang hirap na kaya magpaliwanag kung malaki na yung anak mo..



Tsaka nalaman ko rin pala kung sino yung blood donor sa anak ko..
Pagkatapos kasi ng operasyon ng anak ko pagkabukas dumalaw yung doctor ng anak ko at hinanap si Jayson yung tatay raw ng anak ko.



Hindi ko nga alam bakit nasabi yun ng doctor dahil hindi ko naman nasabi na si Jayson yung tatay ng anak ko,,.
pero nagulat ako nang sabihin nya saamin na si Jayson nag bigay ng dugo sa anak ko..



Tinanong ko sya paano nya nalaman na tatay yun ng anak ko,
Mas nagulat pa ako sa sinabi ng doctor kasi inutusan raw sya ni Jayson na i'pa match raw ng dugo nila ng anak ko,
Nag positive naman raw ito..



So iniisip ko,
Doon palang alam na nya?
Hindi sya nagalit dun,
Sabi kasi ng doctor nang malaman raw ni Jayson na anak nya yung anak ko mukhang masayang masaya raw ito bago umalis opisina nya..


Pero bakit galit na galit sya nung pumasok sya sa kwarto ng anak ko?
Hindi kaya narinig nya yung napag usapan namin?
O di kaya narinig nya yung sinabi ko?


Hayysss..
Napabuntung hininga ako ng malalim..
Andito kasi ako ngayon sa balcony ng kwarto ko nakaupo, nagpapahangin at nakatingin sa kawalan..


Nag iisip ako kung mag kikita kame  ni Jayson paano ko sya kakausapin?
Paano kung galit parin sya?
Papakinggan nya ba ako?
Papansinin?
Yan ang mga katanungan sa isipan ko at hanggang ngayon hindi parin nasasagot..



Well,,
kasalanan ko naman bakit sya nagalit eh..
Kasalanan ko..
Nasaktan ko na naman sya..
Lagi ko nalang sya nasasaktan..



My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK TWO UNDER EDITING!!]Where stories live. Discover now