CHAPTER 33.

687 23 0
                                    

*Someone POV*

Pagkatapos syang lumabas sa opisina diret diretso itong lumabas ng kompanya at sumakay sa kanyang sasakyan..

"Saan po tayo Sir,," Tanong ng kanyang driver sa kanya..

"Sa Bahay.. Kailangan ko magpahinga.." Sagot nya rito at agad naman itong pinaandar ang sasakyan at umalis sila..

Habang nasa byahe sila iniisip nyang
'Tama ba yung ginawa nya? Tama paba yung mga ginagawa nya? Tama paba?'
Yan lang tangi tumatakbo sa kanyang isipan sa loob ng byahe..

Nang makarating sila ng bahay hindi naman sya agad lumabas ng sasakyan kasi napaisip naman sya.

'Tama ba talaga to?
Alam kong nasasaktan ko na si Jane sa ginagawa ko, pero ayoko naman madamay ang apo ko.
Ayokong masaktan ko pati apo ko.'

Huminga muna sya ng malalim saka lumabas ng sasakyan..

Nakita nya pang umalis sila Jane at ang kanyang apo pero kasama na neto si Mike..

"Mukhang masaya naman sila,,
Kaya hindi ko sila nasasaktan.. Tama.." Sabi nito sa kanyang sarili at diret diretsong pumasok ng bahay at pumasok ng kanyang kwarto..

-----

'3 days ko ng napapansin parang laging magkasama sila Jane at Mike pati apo ko kung lalabas papuntang park pero bakit parang ang lungkot parin nila titignan?' Tanong nito sa kanyang sarili habang nasa kwarto..

'Di kaya tinupad nya yung sinabi ko sa kanya? Hindi na ba sya nagpakita sa anak ko at apo?' Tanong ulit nito sa kanyang sarili

'Mabuti naman..' Salita nito ulit..

Pababa na sana sya ng hagdan ng marinig nya ang usapan nila Mike at Jane..

Lagi nyang naririnig na lagi hinahanap ng kanyang apo itong si Jayson kaya lagi nalang si Mike ang sumasama..

Narinig nya na hindi sasama si Jane kila Mike at sa anak nito sa pamamasyal sa park..
Kaya nagtataka sya kung bakit?
Nakikita nyang parang malungkot yung mga mata ni Jane..

'Malungkot ba sya dahil hindi nya nakikita si Jayson?' Tanong nito sa kanyang sarili..

Kaya agad itong pumasok pabalik sa kanyang kwarto ng makita nya si jane na paakyat ng hagdan..

Nagtungo sya sa kanyang kama at umupo ito..

"Akala ko magiging ok na lahat pag lumayo sya sayo Jane anak? At sa apo ko.. Pero bakit ang laki ng epekto nya sa inyo ng apo ko?" Sabi nito sa kanyang sarili..

Napabuntong hininga sya ng malalim at binuksan yung drawer nya..
May kinuha sya dito isang sobre..

Ang sobre na yun ay isang sulat na matagal na dapat binuksan at binabasa..
At matagal na rin nya tinatago sa kanyang anak..

Huminga ulit sya ng malalim at binuksan ang isang sulat..

Isang sulat na galing sa kanyang asawa at anak..
Ang ina at ate ni Jane..

Habang binabasa nya ito..
Bigla sya napaiyak..
Napahagulgul..
Di alam ang gagawin..
Sinisisi nya ang kanyang sarili..

"S-sorry..
D-diko alam.. Hindi..
S-sorry.."
Yun lang ang tangi nyang sinasabi habang umiiyak at niyayakap ang isang sulat na nagpaiyak sa kanya..






*Jane POV*




*engkkk*

Biglang bumukas ang pinto kaya nagulat ako napatingin dito..

My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK TWO UNDER EDITING!!]Where stories live. Discover now