Iyon na ang pinakahuling salitang binitawan niya bago kami tuluyang talikuran. Masakit man para sa amin ay wala na kaming nagawa kundi tanggapin ang desisyon niya. Mahirap man, ako na ang tumatayong haligi sa pamilya namin. Walang kasiguraduhan na magiging maayos agad ang lahat pero kakakayanin ko. Pipilitin ko.

"Ms. Ratio, can I talk to you for a moment?"

Natigil ako sa pagsisilid ng mga gamit ko sa bag at sinalubong ang tingin ng Professor ko sa Business Logic. Ngumiti ito nang tipid, inaabangan ang sagot ko. Bumuntong hininga ako at dahan-dahang tumango.

"Sige, Ma'am..."

She gave me a small smile, nodding her head. "Sa faculty room na lang tayo mag-usap."

Matahimik akong sumunod sa kaniya sa paglalakad. Nakasalubong ko pa ang mga kaibigan ko na mayroong nag-aalalang tingin sa akin. Sinenyasan ko sila na mauna na sila sa canteen at hindi na sila muling nilingon pa.

Kaming dalawa lang ni Ma'am ang tao sa faculty room nang makarating kami roon. Marahil ay abala na ang ibang guro sa pagkain ng lunch. Mrs. Flores locked the door and went to her designated table. Binuksan niya ang laptop at sinenyasan akong lumapit sa kaniya.

"Regarding your grades..." panimula niya.

"Ano pong mayro'n, Ma'am?" tanong ko, kahit nagkakaroon na ako ng ideya kung anong sasabihin niya sa akin.

She heaved a sigh and fix her eyeglasses. "Gusto kong itanong kung may mga pinagkakaabalahan ka ba this past few days... or past few weeks perhaps?"

"Napapansin ko kasi ang pagbaba ng grades mo. Mababa ang mga quizzes, activities, and even your performances. Madalas pa ay late ka kung magpasa kaya nagkakaroon ng deduction..." dagdag pa niya.

Napalunok ako at nahihiyang nagkamot sa ulo. "Uhm... pasensya na, Ma'am. Ang hirap po kasing pagsabayin ng pag-aaral at pagtra-trabaho p-pero babawi na lang po ako. Kaya pa naman pong bawiin 'di ba?"

Nakangiti siyang tumango sa akin. "Oo naman, 'nak. Kayang kaya mo 'yan! But now that I know your reason, I can give you a consideration naman. As you see, hindi ka lang sa subject ko nanganganib. I suggest na kausapin mo rin ang iba mong Professors..."

Marami pa siyang pinaalala sa akin bago ako tuluyang magpaalam sa kaniya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong nagpakawala ng buntong hininga habang naglalakad ako papunta sa canteen. Aminado naman akong hindi ko gusto ang kursong kinuha ko pero ayaw ko namang bumagsak. Ito lang ang naiisip kong paraan para makaahon kami sa kahirapan. Kapag naka-graduate ako, mas malaki at mas magandang oportunidad ang naghihintay sa 'kin. Kapag nangyari 'yon, hindi na kailangan ni Nanay mamasukan bilang kasambahay at tuloy-tuloy nang makakapag-aral ang mga kapatid ko.

"Kaya mo 'yan, Elo! Ikaw pa ba? Ang ganda ganda mo kaya!" sabi ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin.

I winked, flipped my hair then laughed.

"Mabuti na lang mabait 'yong si Mrs. Flores n'yo kasi kung sa ibang Professors 'yon, hindi ka kakausapin! Hahayaan ka lang tapos pagkakita mo sa card mo... boom bagsak!" halakhak ni Reyster.

Napaismid ako at bahagyang lumayo sa kaniya nang tumalsik sa mukha ko ang kinakain niyang polboron, pero ang pagtawa'y napalitan ng sunud-sunod na pag-ubo na may kasama pang paghampas sa dibdib, nasamid yata.

"Okay ka lang?" nag-aalala kong tanong ngunit sinaman niya 'ko ng tingin.

"Try mong kumain ng polboron, Mahal, tapos kapag nasamid ka at halos mamatay ka na kakaubo, tatanungin din kita kung okay ka lang..." sarkastikong tugon niya.

Natawa ako at pinagpatuloy na lang ang paggawa ng reviewer ko sa lahat ng subjects. Isang linggo na lang kasi ay midterm examination na. Kakaunti lang ang notes ko sa notebook dahil bukod sa nakakatamad magsulat ay madalas talaga akong tulog sa klase. Mabuti na lang ay mayroon akong anghel at masisipag na mga kaibigan.

"Dito ako kakain ng hapunan, ha? Wala na naman si Mommy sa bahay," saad ni Reyster.

"Bakit? Nasaan ba si Tita?" I asked.

Lumabi naman siya at nagkibit balikat. "I don't know. Siguro kasama niya palagi 'yong mga amiga niya."

Magtatanong pa sana kaso bigla siyang tumayo mula sa prenteng pagkakaupo sa sofa na parang iniiwasan ang usapan. "Ako na lang ang magluluto ng hapunan, tol. Magfocus ka na lang dyan." Hindi na niya 'ko hinintay na makasagot pa at agad nang tumalikod papunta sa kusina. Isinama pa niya si Albert para may kausap at makakatulong niya sa paghahain sa mesa.

Lumipas ang araw at mas lalo akong naging abala sa pag-aaral. Nakausap ko na rin ang iba kong Profs, ang iba'y hindi ako pinagbigyan habang ang iba naman ay binigyan ako ng ilang activities para mahatak ang grades ko. Ginagawa ko ang mga iyon kasabay ng pagre-review. Sinabihan ko rin si Reyster na huwag muna kaming magkita o huwag muna siyang pumunta sa amin dahil sa tuwing nariyan siya ay na-di-distract ako. Alam ko namang maiintindihan ako no'n.

Nakaka-stress. Nakaka-frustrate. Alam kong maganda ang kurso ko pero kahit anong gawin ko... hindi ko siya ma-appreciate. Ni hindi ako masaya at parang ginagawa ko lang ang lahat ng ito para pumasa.

"Presentation tier, the top-most-level application is the user interface. The main function of the—"

"Ate, nagluto ka na ng ulam?"

Naputol ako sa pagbabasa nang bumukas ang pinto at pumasok si Eunice na gumegewang ang lakad, lasing yata. Dumiretso ito sa kusina at naghalungkat ng pagkain sa lamesa, nang makitang wala pang nakahandang pagkain ay pabagsak niyang ibinagsak ang takip ng kaldero.

Padabog siyang bumalik sa sala kung nasaan ako, hindi maipinta ang kaniyang mukha.

"Bakit wala pang pagkain? Anong oras na, ah. Gutom na ako at saka maya maya lang uuwi na si Nanay tapos wala pa siyang maaabutang pagkain dito! Bakit hindi ka nagluto, Ate? SI Albert? Ano ba naman kayo..." maktol niya.

"Edi ikaw ang magluto," tamad kong sagot a mula sa binabasa ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "At saan ka ba galing? Lasing ka ba?" Kumunot ang noo ko.

"Psh! Eh ano naman ngayon sa 'yo?" Umingos siya, pinagtaasan ako ng kilay at kapagkuwan ay umiwas ng tingin sa akin. "Makatulog na nga lang! Malas na buhay 'to!" aniya, walang pasabing tumalikod at pumasok sa kwarto.

Napabuntong hininga na lang ako. Mariin kong ipinikit ang mga mata at hinilot ang sentido. Niligpit ko ang mga notebook at papel na nagkalat sa lamesa. Akmang tatayo na ako para pumuntang kusina at magluto nang bumukas muli ang pinto.

My lips parted when Reyster came in with a wide smile plastered on his face.

"A-Anong... hindi ba't sinabi ko na huwag muna—" I was cut off when he gave me a peck on my lips. Ibinaba niya ang hood ng suot niyang itim na jacket at itinaas ang paper bag na hawak niya.

"Sorry, hindi ko kasi matiis. Alam kong hindi pa kayo kumakain kaya nagdala ako ng pagkain para sa inyo... para sa 'yo." Ngumisi siya, kinuha ang kamay ko at iginiya ako patungong kusina.

Pinaupo niya ako sa bangko at hindi na ako umapela pa nang siya na mismo ang naghain ng pagkaing dala niya. Pagkatapos no'n ay tinawag na niya ang mga kapatid ko para ayaing kumain, pero tanging si Alber at Marie lang ang kasama niya.

"Hindi na raw kakain si Eunice," sabi niya sa 'kin bago umupo sa tabi ko.

"Pagkatapos ba nito, uuwi ka na?" tanong ko habang pinagsasandok niya 'ko ng kanin at ulam.

He took a quick glance at me before nodding his head. "Hmm... gusto ko sana ay dito lang ako pero kung 'yon ang gusto mo, sige aalis na ako pagkatapos kumain. I really just want to make sure na hindi ka nagpapalipas ng pagkain. Ayaw ko namang pinapabayaan mo ang sarili mo."

I sighed, defeated. "Sige na, magstay ka na rito. Dinadaan mo pa ako sa mga pa-sweet mo."

"Yes!" he shouted then laughed. Masaya siyang tumango at itinaas ang isang kamay na animo'y nanunumpa. "Promise, behave lang ako. Hindi kita guguluhin."

Nakangisi ko lang siyang tinitigan bago marahang umiling at nagpatuloy sa pagkain. 

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon