Chapter 4: Ariel's Circle

Start from the beginning
                                    

"What did you say?" madiin na tanong ni Tito Ralph habang nakatingin ng diretso kay Tito John. "Do you want me to show you how this old man works? Do you want to see your shares become flat zero?"

"Woah! Sige, Ralph, gawin mo. Sinabihan ka niyang matanda eh," sabi ni daddy.

"Narinig ko rin yun, Ralph. Tinawag ka niyang matanda," dagdag din ni Tito Mike.

Napatingin ang lahat kay Tito Sander dahil siya nalang ang hindi pa nagsalita. Tito nodded his head saka sinabing, "I don't mind celebrating that flat zero in advance at the same time with my children's celebration." Tinaas ni Tito Sander ang wine na hawak niya as a sign of cheers.

"Grabe kayo sakin ngayong gabi. Sige, pagkaisahan niyo lang ako. Kasalanan mo to, Gen, eh." Natawa silang lahat nung mukhang nalugi si Tito John.

Napailing nalang ako dahil sa kakulitan nila. Umalis muna ako para puntahan ang mga kaibigan ko na nasa backyard.

Napangiti ako nung makita silang lahat na nandito at may mga kanya-kanyang grupo. Ang mga lalake ay naglalaro ng basketball sa court na nandito sa likod.

Ang mga naglalaro ng basketball ay sina Genoah at Rage na mga anak nina Tita Gen and Tito Ralph. Sina Levi and Kiel na mga anak nina Tita Lee and Tito Sander. Saka sina Johnny at Jaren na mga anak nina Tita Pat and Tito John.

"Sali ako," sabi ng kapatid ko sa kanila. "Laro muna ako, ate."

Tumango ako kay Archie.

Dumiretso ako kung nasaan ang mga babae. Nakaupo sila around the table at nagtatawanan habang naglalaro ng UNO cards. Yan ang paborito nilang laro.

"Hi, Ate Ariel!" Bati nila sa akin.

"Hi," nakangiting bati ko rin sa kanila saka umupo sa tabi nina Jodie and Jewel.

"Gusto mong sumali?"

Umiling ako. "I prefer to watch them," sabi ko sabay turo sa mga nagba-basketball.

After a while, Janica spoke. "Ate, sabi ni Ate Savi ay may manliligaw ka raw. Totoo ba yun? Anong pangalan niya?"

Napakunot ang noo ko at napatingin agad kay Savi. She gave me an apologetic smile and showed me her fingers with a peace sign. "Oops. Sorry. It slipped out of my mouth," rason pa niya. Napailing nalang ako dahil kilala ko yang pinsan ko. She could not control her mouth sometimes.

"Hindi ko manliligaw si Daryl. We only met twice. We're just acquaintances," paliwanag ko sa kanila sabay kuha ng tortilla chips na nasa mesa and I dipped it in the guacamole before I munched it in my mouth.

"Ay, akala ko pa naman manliligaw mo siya, Ate Ariel," sabi ni Jeliza.

Umiling lang ako bilang sagot.

"I think he likes Ate Ariel because I saw how he looked at her. Ayaw lang talaga niya bigyan ng chance si Kuya Daryl na manligaw," sabi ni Savi.

"At alam niyo kung bakit," sagot ko agad na kinatahimik nilang lahat. I knew that they didn't like it everytime I reminded them about my condition. I sighed deeply and changed the topic. "Hindi ba sila nahihirapan na maglaro sa suot nila?"

"Halata na sanay na sila maglaro ng basketball habang naka-long sleeves and slacks. They always do that almost every gatherings," sagot ni Jodie.

"GO, RAGE!!! WOOOH!!! TALUNIN MO ANG MGA KAPATID KO!!!"

Nagulat kami nung biglang tumayo si Savi saka nagpalakpak at tumatalon pa habang chini-cheer si Rage nung hawak na nito ang bola. Napatingin kami sa laro at nung nakita ko na nag-shoot ang tinira ni Rage, biglang lumakas ang mga palakpak ni Savi saka sumigaw ng ubod ng lakas.

"YEHEY!!! ANG GALING MO, RAGE!!! SAVI HERE IS SO PROUD OF YOU!!!"

"Ano ba yan, Savi. Ang ingay mo naman."

Hindi nakinig si Savi sa reklamo ni Jewel sa kanya at todo cheer pa rin siya. Mukhang wala siyang pakialam basta maka-cheer lang siya kay Rage eh.

"Hindi pa kayo nasanay," sabi ni Jodie. "Ano pa bang bago? Ganyan na yang si Savi simula pa noon. Fetus pa lang ata siya ay mahal na niya si Rage eh. Yan ata ang mission niyan sa buhay, ang maging stalker ni Rage," biro ni Jodie na kinatawa namin.

"Excuse me. I am not his stalker. I am his soulmate." Narinig pala niya ang sinabi ni Jodie pero mukhang hindi naman siya na-offend kasi busy siya sa kakanuod sa mga lalake na nagba-basketball.

"I see. Soulmate na hindi tinadhana," Jewel joked that made Savi looked at her.

"Correction. Hindi 'pa' tinadhana. Darating din ang araw na magugustuhan niya rin ako. Sabi nga ng future mother in law ko, kapag may tiyaga, may nilaga."

"Wow, persistent."

Natawa kami dahil sa kumbinsido talaga si Savi na si Rage ang makakatuluyan niya eh mukhang ayaw naman sa kanya nung isa.

"Of course. Anak kasi ako ng mommy ko."

"Anak ka nga ni Tita Lee pero kung magsalita ka at gumalaw ay parang mas anak ka pa ni Tita Gen eh," pambabara ni Jewel kay Savi na kinatawa ulit namin.

"I am not surprised. Tambay ba naman 'yan lagi sa bahay ni Tita Gen," sabi ni Jodie.

Our parents were so close with each other that's why we all grew up together. We saw each other almost every week since we were babies. Ganyan ka-close ang mga parents namin kaya lumaki kaming lahat na close rin sa isa't-isa to a point na parang magkakapatid na ang mga turingan namin. We knew each other very well.

"Kulang nalang nga ay magpaalam na siya sa daddy niya na doon na siya titira eh," singit ni Jeliza.

Napailing nalang ako dahil nag-aasaran na naman sila. Ang maganda sa kanila ay hindi sila napipikon mag-asaran. Nauuwi lang lagi sa tawanan ang mga biruan nila.

Natatawa nalang ako dahil sa mga biro nila. Kaya gusto kong kasama sila lagi eh. Lagi akong tumatawa. They helped me forget the things I was so worried about.

Whenever I am with them, I feel like I am a normal person without any medical problems. I am so grateful and blessed to have them in my life.

Aside from my family, my friends are real blessings to me. I just hope that I could spend more time with them.

I silently prayed that my cancer would never come back.

27 February 2021
Miss Kae 💋

In the Midst (Daughters Series 1)Where stories live. Discover now