Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Papa at medyo gumaan din ang pakiramdam ko dahil hindi na ako nahirapan sa pagpapaalam sa kanila.

"Wala naman magkakagusto dyan kay ate, masyadong seryoso sa buhay. Ang sungit sungit pa!" Panloloko pa ni Adrian sa akin.

"Ha Ha Ha." Sarkastikong tumawa ako dahil sa sinabi nya.

"Tigilan nyo na yan, kumain na lang tayo at nang makapagpahinga na pare pareho." Pang-aawat ni Mama sa pagbibiruan namin ng kapatid ko.

Kinabukasan ay hindi ako pumasok dahil hindi naman ako kailangan doon. Napag-usapan na din naman namin itong magkaklase. Nainip akong mag-isa sa bahay dahil nasa trabaho si Mama at Papa, si Adrian naman ay nasa school. Naglinis na lang ako ng bahay pampalipas oras. Nang sumapit ang tanghali ay nakatulog ako dahil sa pagod. Nagising na lang ako sa pagdating ni Mama. Habang nagluluto ng hapunan si Mama ay naligo na ako at nagbihis ng semi formal na damit.

"Mag-iingat ka doon anak, wag masyado magpapagabi. Sino ang kasama mo pag-uwi?" Tanong ni Papa habang kumakain kami.

"Sasabay na lang po ako kay Selene. Magpapasundo po yun sa Daddy nya."

Mayroong sasakyan ang pamilya nina Selene pero kahit ganoon ay minsan lang sya magpasundo dahil mas gusto daw nya na magcommute. Kapag ginagabi lang sya nagpapasundo, tuwing may group project o research dahil inaabot kami ng gabi kapag ganoon.

"Alis na po ako Ma, Pa." Pagpaalam ko sa kanila.

"Sige. Ingat ka! Ihahatid ka ng Papa mo sa sakayan. Mag-enjoy ka anak." Seryosong tugon ni Mama.

Nang makarating ako sa school nag-aantay na si Selene sa may gate at sabay kaming pumasok sa hall. Hiwalay ang upuan ng mga lalaki sa mga babae pero by year level at section pa din kaya hindi mahirap mahanap kung saan kami pupunta. Malapit sa stage ang pwesto namin,masayang masaya ang mga estudyante dahil ito ang unang party sa school year na ito.

Sinimulan ang program sa pananalita ng principal at ng student council president, nagpasalamat sa pagiging tagumpay ng unang gawain ngayong taon. May intermission ang dance troupe ng school at sumunod ay ang music club na habang tumutugtog ay nagsasayawan na ang mga estudyante.

I remember the times we spent together all those drives,
We had a million questions all about our lives,
And when we got to New York everything felt right,
I wish you were here with me
Tonight..

Nakapikit na pagkanta ni Harvey at ramdam na ramdam ang kanta, at dahil sumasayaw na ang iba ay kunti na lang kami na natira sa upuan.

I remember the days we spent together, were not enough
And it used to feel like dreaming,
Except we always woke up
Never thought not having you here now would hurt so much..

Pagmulat nya ng mata ay nagtama ang paningin namin at walang alinlangan ngumiti.

Tonight I'm fallin' and I can't get up
I need your loving hands to come and pick me up,
And every night I miss you I can't just look up, and all the stars are holding.. You holding.. You holding me tonight.

"Sayaw tayo Ysabel," hindi ko namalayan na lumapit na si Kent sa akin.

"S-sige." Kinakabahan sagot ko na nagpangiti sa kanya. Sya ang magiging first dance ko.

Tahimik lang ako habang sumasayaw kami. Ako lang ang ata ang naawkward sa aming dalawa, sanay kasi syang makihalubilo sa ibang tao. Hindi naman ako mahiyain, hindi lang talaga ako sanay na ganito kalapit sa ibang tao maliban sa mga kaibigan ko.

"Balik klase na naman tayo sa lunes." Panimula nya sa usapan.

"Oo nga eh!"

"Kung kelan na naman mauulit ang mga ganitong event." Sagot nya. Nakakahiya na wala ako masabi sa kanya, hindi naman kasi ako palasalita na tao. Pag tinanong ay saka lang sasagot. Boring, sabi nga nila.

"U-upo na tayo." Sambit ko dahil napansin ko na kunti na lang ang nasa dancefloor. Tumango na lang sya bilang sagot.

Hindi na halos makaupo si Selene kakasayaw, minsan ay grupo sila na sumasayaw. Niyayaya nya ako pero ayoko dahil hindi nga ako mahilig sa ganyan. Lumipas ang ilang oras at palagay ko ay malapit nang matapos ang party. Masaya ang lahat, nakikisayaw at nakikihalubilo din ang mga teacher sa mga estudyante.

"Maraming Salamat sa inyong lahat na umaattend at Congratulations sa ating lahat sa tagumpay ng ating gawain. Magsaya na ang lahat dahil huling tatlong tugtog na lang tayo! Maraming Salamat muli." Mahabang sinabi ng Principal.

Nagsimulang tumunog ang malumanay na musika at kanya kanyang lapit ang mga lalaki sa mga babae upang sumayaw. Nakita kong papalapit si Niko sa banda namin. Kinukurot kurot na ako ni Selene sa kilig pero sa huli ay hindi naman sya ang niyaya ni Niko. Nakasimangot tuloy si Selene hanggang sa matapos ang tugtog. Hindi na din sya sumama sa mga nagyayaya sa kanya na sumayaw.

"Allanah.."

Pag-angat ko ng tingin ay nakalahad ang kamay ni Harvey sa akin, napatingin ako sa stage dahil akala ko ay tutugtog pa sila pero nakapag-ayos na pala sila. Niyayaya nya akong sumayaw, alam ko. Tumingin ako kay Selene, nag-aalangan kung sasama kay Harvey dahil maiiwan sya dito na nagmumukmok, pero sa huli ay sumama na din dahil last dance ko na ito ngayon.

Hawak nya ang kamay ko papunta sa dancefloor at tumigil nang nasa pwesto na, pinalibot nya ang kamay nya sa baywang ko at nilagay ko ang kamay ko sa kanyang balikat. Ang bilis ng tibok ng puso ko, pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ng nakatitig na sya na mas lalong nagpakaba sa akin.

Im tripping of words
You've got my head spinning I don't know what to go from here.
'Coz its you and me
And all of the people with nothing to do, nothing to lose
And its you and me and all other people, and I dont know why,
I can't keep my eyes off of you.

"Sino kasama mo pag-uwi?" Nakangiting tanong nya.

"Sasabay ako kay Selene."

"Oh? Sabay pala tayo. Kay Selene din ako sasabay." Natatawang sagot nya. Napakamasayahin naman nito.

All Of The StarsWhere stories live. Discover now