Call me possessive or what but I will fight for my husband. Isusuko ko lang sya pag nakita na mismo ng mga mata ko na niloloko nya ako. My love and my trust for him are stronger.

"You should learn how to kill your insecurities. My love for you is pure and unchangable. When I met you, I promised myseld to keep you myself forever..." He softly said while sniffing my neck.

"I love you..." I lightly answered.

"I love you more, baby. So much more..." He murmured as he captured my lips for a sweet kiss.

Nalalasing na tinitigan ko ang gwapo nyang mukha. He's perfectly handsome.

I was about to kiss him more when I heard coughs inside the room.

"Ahem! Pasensya na po sa abala pero pinagbabawal po ang SPG sa loob ng opisina. Bukod po sa naantala ang trabaho ay nang-iinggit pa kayo ng isang dyosa." Sabi ni Nicole na ngayon ay nakasilip ang ulo sa pinto.

Nahihiyang tatayo na sana ako pero hindi ako pinayagan ng asawa ko. He holds me tightly para hindi ako makawala sa lap nya.

"Ate..." Tawag ni Nicole sa akin.

Nilingon ko sya na ngayon ay seryoso ang mukha.

"Noon po bang nagpaulan ng swerte ay nasa bubong kayo ng bahay nyo at may hawak na malaking balde?" Nakaingos na tanong nya sa amin.

Napahalakhak kami ni Kayden sa sinabi nya. "Bakit mo naman nasabi?" Natatawang tanong ko.

"Kasi po bukod sa napaka gwapo at napaka hot ni sir Kayden ay talagang mahal na mahal nya kayo. Iilan nalang ngayon ang lalaking katulad nya dahil karamihan sa mga lalake ngayon ay mas pinipiling mag ibang landas." Sagot nya.

"Kaya sir Kayden, kung dumating man ang panahon at marealize mong ako talaga ang mahal mo, I'll wait for you." Malagkit syang tumitig sa asawa ko.

Umakyat ang dugo ko sa ginawa nya at tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang mukha ni Kayden. Noong nakaraang gabi ay umamin sa akin ang malantod na baklang to na crush daw nya ang ama ng mga batang inaalagaan nya. Noong una ay hindi ko pa maintindihan pero nong marinig kung tinatawag nyang anak si Kier at Xhyren ay doon ko pa narealize ang lahat.

"Nicole! Tumigil ka, ha. Si Josh ang landiin mo hindi si Kayden!" Babala ko sa kanya.

"Kimiladoo lang naman ate. Ikaw talaga warfreak. Alam ko namang chimay lang ang tingin nyo sa beauty ko. Hindi ko aagawin ang jowawiz mo dahil may Josh naman akesh!" Hindi ko maintindihang sabi nya.

"Nicole, dapat ding tigilan mo ang pagsasalita ng alien langguage mo pag nasa harap ka ng mga bata. Baka hindi mommy at daddy ang maging first words nila kundi yang mga salita mo." Sermon ni Kayden sa kanya.

Nangingiting tumango naman sya sa sinabi ng asawa ko. Parang kinikilig pa sya sa reaksyon nya. "Opo, sir. Concern po pala kayo sa akin." Nahihiyang sabi nya sabay hawi sa imaginary hair nya.

"Bumalik ka muna sa loob, Nicole. May sasabihin pa ako sa ate mo." Utos ni Kayden sa kanya na agad agad naman nyang sinunod. Napa face palm nalang ako dahil sa bilis ng kilos nya. Pag ako kasi ang nag uutos sa kanya ay may mga reklamo akong natatanggap minsan. Pero pag si Kayden ang mag uutos sa kanya ay para syang kidlat kung kumilos.

"Mukhang makakadagdag din sa sakit ng ulo mo si Nicole." Iiling iling na sabi ni Kayden habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"Tama ka. Masyado din syang madaldal kaya minsan ay nagtatalo sila ni Kayla kahit sa mga pinapanuod nilang drama sa TV." Sang-ayon ko sa kanya.

"But he's also kind and caring. Diba?"

Humarap ako sa kanya at tumango sa sinabi nya. Tama sya. Kahit ganyan si Nicole minsan ay sobrang nagpapasalamat ako sa ginagawa nya.

When Forever Ends With YouWhere stories live. Discover now