Habang nagmamaneho ang driver nila Kale at nasa tabi ko siya ay napapansin ko ang matatalim na tingin nito kay Christian na nasa likod ng kotse.

"I have a bad feeling about that guy." Mariin niyang sabi sa akin.

"Bakit naman? Christian is a nice guy at siya ang tumulong sa akin nung dinukot mo ako at napadpad sa bayan ng San Alfonso." Sabi ko dahilan para matahimik siya.

I sighed at itinuon nalang ang tingin ko sa daan.

I'm still thinking of Ash, Sana balang araw ay matanggap niya itong naging desisyon ko. It's for his sake at alam ko sa sarili ko na hindi ko na siya pwedeng paasahin pa sa wala. I'm already pregnant and commited with Kale.

I'm very sorry, Ash.

Makalipas ang ilang oras ay narating na rin namin ang airport. Nauna nang pumasok mula sa loob ng airport ang parents ko, si Kuya Andrei at si Tita Josephine kasama si Klauss. Si Kale na ang nagbitbit ng mga dala kong maleta habang si Christian naman ay inalalayan akong makalabas mula sa loob ng kotse.

"Thanks, Christian." Nakangiting sabi ko kay Christian.

Nginitian niya lang ako ng tipid at inayos ang suot niyang backpack.

Nang mapansin ni Kale ang ginawa ni Christian ay kaagad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Bigla namang umiwas ng tingin si Christian at sinundan nalang kami ni Kale.

Habang naglalakad kami papasok sa loob ng airport ay nagulat nalang ako nang may tumawag sa pangalan ko kaya huminto ako sa paglalakad.

"Bliss!"

Pagkalingon ko ay si Ash iyon na tumatakbo papalapit sa akin. Nang makalapit na siya ay kaagad niya akong niyakap nang mahigpit. Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko dahil sa ginawa niya.

"I will miss you, Bliss." Bulong niya sa tenga ko.

Iniharap naman niya ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.

"H-hindi ka galit sa akin?" Naiiyak kong tanong kay Ash.

Umiling siya at nginitian ako. His smile is a broken one. Nasaktan ko siya at alam kong mahal niya ako pero may mga bagay talaga na kahit anong gawin namin ay hindi na maibabalik pa sa dati.

Maybe this is not Ash and I's destiny but I know that someday there's a bright side that will come to us.

"I understand your decision, Bliss. I know you love me but maybe.. hanggang dito nalang tayo. Don't worry, I'm still your bestfriend and goodluck sa kasal niyo ni.. Kale." He said at tumingin siya kay Kale.

"Don't worry, Ash. I will take care of Bliss and our baby." Seryoso namang sabi ni Kale.

Napayuko lang doon si Ash at tumango ito pagkatapos.

"That's good. Pinapaubaya ko na si Bliss sa'yo pero sa oras na makita kong sinaktan mo siya, ako ulit ang makakalaban mo, Kale. You know how much I love her at pwede ko siyang bawiin sa'yo kahit na kailan ko gusto." Pagbabanta ni Ash na ikinangiti ni Kale.

"It will never happen. Mamamatay muna ako bago mo makuha sa akin si Bliss." Nakangising sabi niya.

Hindi na sumagot si Ash doon at muli siyang bumaling sa akin.

"Take care, Bliss. I will always love you-"

Nagulat nalang kami nang biglang may nagpaputok ng baril at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Christian na tinutukan si Kale ng baril.

Halos magkagulo na rin ang mga taong nandito sa labas ng airport dahil sa ginawa ni Christian.

I can't believe that this is happening right now.

"Nagsama-sama na pala ang mga karibal ko dito, oh? Maganda 'to para sabay-sabay ko na kayong patayin." Nakangising sabi ni Christian habang nakatingin ito kina Kale at Ash.

"Put your gun down." Madiin namang sabi ni Kale at akmang lalapitan niya si Christian nang mas lalong itinutok ni Christian ang baril sa kanya.

"Lalapit ka o papatayin na kita kaagad, Kale?" Sigaw ni Christian kay Kale.

Hindi ako makapaniwala. Papaanong nagawa ni Christian ang bagay na ito?

"Christian, ano bang nangyayari sa'yo? Bakit balak mong patayin si Kale?" Naiiyak kong tanong kay Christian.

Bigla naman siyang tumawa ng malakas.

"Bliss, hindi ko hahayaang makasal kayo ng hayop na 'to! Alam mo bang mahal kita? Pero 'yang mga paepal na lalakeng kasama mo ang sagabal sa ating dalawa!" Sigaw ni Christian na mas lalo ko pang ikinatakot.

Nagtiwala ako kay Christian. Hindi ko alam na ganito pala siya. Parang hindi siya ang Christian na una kong nakilala. Nag-aapoy ang mga mata niya sa galit at parang wala na rin siya sa katinuan.

Baliw na siya.

Nakita ko naman na papalapit sa amin sila Mama, Papa, Kuya Andrei at Tita Josephine kasama si Klauss at nagulat sila nang makita ang ginagawa ni Christian.

"Christian, nagtiwala kami sa'yo. Pinag-aral kita tapos ganito ang igaganti mo sa amin?" May panghihinayang na sabi ni Papa habang umiiyak naman si Mama sa tabi niya.

Tumawa ulit si Christian. "Tito Gil, pinagbubuti ko po ang pag-aaral ko para balang araw ay maipagmalaki niyo ako at maging kami ni Bliss pero ang ipakasal niyo siya sa Kale na 'yan? Hindi ko 'yon matanggap!" Sabi niya at tinitigan nito ng masama si Kale.

"Isa ka rin palang masamang damo katulad ni Kale, e. Ang lakas naman ng loob mong mag-eskandalo dito at balak mo pang patayin ang lalakeng 'yan." Sabi ni Kuya Andrei ng mariin kay Christian.

"Christian, ibaba mo na 'yang baril mo, please? Let's talk. Huwag 'yung ganito," Naiiyak kong pakiusap.

Umiling lang si Christian sa sinabi ko at nagulat nalang ako nang umiyak siya.

"Bliss, alam mo bang pangalawang beses na akong nagkagusto sa isang babae pero sa'yo ko lang naramdaman 'tong sobrang pagmamahal na nararamdaman ko? Kung hindi dahil sa'yo ay hindi ako makakapag-aral ng kolehiyo. Simula nang makilala kita ay mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko para sa'yo. Bukod kay Inay Felicia ay ikaw lang ang taong nagmalasakit sa akin nang ganito. Hindi ko lang matanggap na may iba ka palang mahal at ngayon ay magpapakasal ka sa isang lalakeng binuntis ka. Hindi ko 'yon matanggap!" Nahihibang na niyang sabi.

Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman ni Christian. Lumalim ang pagmamahal niya at mukhang obsessed na siya sa akin.

Bakit ba nangyayari ito? Bakit palagi nalang may gulong nangyayari sa buhay ko?

"Why can't you accept that Bliss can't love you back? Tignan mo ako, alam kong ako ang mahal ni Bliss pero nagpapaubaya na ako dahil mahal ko siya at gusto ko siyang sumaya kasama ang magiging anak nila ni Kale. If you love her, Christian ay hayaan mo siyang tanggapin ang naging desisyon niya." Malumanay namang sabi ni Ash dahilan para mapahinto doon si Christian pero 'di kalaunan ay ngumisi lang ito.

"Hindi! Hindi ako papayag na maikasal si Bliss sa Kale na 'yan! Hindi ako kasing martyr katulad mo, Ash. Papatayin ko si Kale!" Sigaw ni Christian at mas lalo pa niyang itinutok ang baril niya kay Kale.

"Do you think na kapag napatay mo ako ay magiging kayo na ni Bliss? That's impossible!" Kale chuckled na tila hindi natatakot dahilan para magalit doon si Christian.

"Gusto mo talagang mamatay, ha? Pwes, magpaalam ka na!" Galit na galit na sabi ni Christian at ipinutok na niya ang baril na hawak niya dahilan para mapahiyaw ako sa takot.

Pero laking gulat ko nalang nang biglang sumangga sa harapan ni Kale si Ash na natamaan ng bala sa dibdib at kaagad siyang humandusay sa sahig. Maraming dugo ang lumabas sa dibdib niya na ikinahagulgol ko na ng iyak.

Lumakas pa lalo ang iyak ko habang ang mga taong nakakakita naman sa pangyayari pati na rin sila Mama, Papa, Kuya Andrei at Tita Josephine ay gulat na gulat rin at halos hindi malaman ang gagawin.

"Ash!" Sigaw ko habang umiiyak.

This can't be. Hindi pwedeng mamatay si Ash.

Hindi pwede!

---
Next is Epilogue.

Obsessed KaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon