My jaw dropped when I saw the thing that he was holding. And I was unable to make eye contact with him the moment he lifted his hand to give me back the green notebook. My diary notebook. Halos baliktarin ko na ang buong bahay namin mahanap lang ang notebook na ito tapos na sa kaniya lang pala.
"W-where d-did you found this?" I ask nervously.
"It doesn't matter," bahagya siyang lumapit sakin. "what matters are the things written on that notebook of yours, baby." Nakagat ko ang aking labi nang ibulong niya ang mga salitang iyon sa mismong tainga ko.
"Y-you r-read it?"
"Hmmmm," tumatango pang aniya. At sa sandaling iyon ay hiniling ko na sana ay may biglang may lumabas na malaking bula at tangayin ako paalis sa kahihiyang kinasasadlakan ko ngayon.
"You're a tsismoso, you know that? Hindi ka dapat nagbabasa ng mga notes na hindi naman ikaw ang owner!" nagtatapang-tapangan kong sumbat na sinuklian niya lang ng ngisi.
"Para naman sa akin yung mga nakasulat doon, I have all the rights to read it." hinawakan niya ang medyo nanginginig kong kamay at dinala sa kaniyang labi upang dampian ng isang mabining halik. "I like you, Geleane."
Kasabay nang pagbigkas niya ng mga salitang iyon ay siya ring pagbagsak ng napakalakas na ulan. Nagsitakbuhan ang lahat upang sumilong maliban sa aming dalawa. Narito pa rin kami sa gitna ng field at ninanamnam ang pakiramdam ng bawat pagdampi ng tubig ulan sa aming basa ng katawan. Bahagya pa akong napatalon nang maramdaman ko ang pagpulupot ng kaniyang braso sa aking maliit na baywang.
"I like you, Geleane." muling bulong niya habang mahigpit na nakayakap sa akin.
"I love you, Rain." I said in a low voice, just enough for him to hear me. And as ecpected, he didn't say reply, he smiled at me then hug me a little bit tighter this time. Amoy na amoy ko ang pagdampi ng malamig at mabango niyang hininga na sa aking pisngi.
He kiss me on the cheeks pagkatapos ay inutusan niya akong tumingin sa building na nasa harap namin. The administration building of Ford Academy. It is a three-storey building made of glass walls, there are four pieces of a one-hundred inches TV attached to the glass wall for live broadcast during school events. And it feels like heaven dahil hindi na nakasulat ang pangalan ko roon dahil nanalo ako sa quiz bee o sa sports.
Sunod-sunod ang pagpatak ng aking mga luha nang mabasa ko ang mga salitang nakasulat sa apat na monitor sa aming harapan. I still can't believe it, akala ko kasi ay matatagalan pa bago ko marinig ang mga salitang iyon sa kaniya. I thought hanggang panaginip na lang ang mga salitang yun mula sa kaniya, pero hindi pala. Hindi man nanggaling sa kaniyang bibig ang unang beses niyang pagbanggit ng mga salitang iyon ay masaya na ako. Dahil alam ko at ramdam ko ang sincerity niya, sa higpit ng yakap niya sa akin ay alam kong totoo ang kung ano man ang nakasulat sa mga monitor na iyon.
"I love You, Geleane." bulong niya sa akin na mas lalong nagpatulo ng aking mga luha, tears of joy this time. Tiningala ko siya at bahagya akong nanigas sa aking kinatatayuan nang hulihin ng mga labi niya ang aking mga labi. "I love You," sambit niya habang magkahinang pa rin ang aming mga labi.
"Simula ngayon, gusto ko na itong araw na'to ang lagi mong iisipin sa tuwing umuulan." Umawang ang mga labi ko dahil sa sinabi niya. May alam ba siya? "Dahil katulad ng Rain na nakatayo ngayon sa harapan mo, palagi ka nang pangingitiin ng mga ulan na paparating."
I smiled at him. I'm so happy, hindi lang dahil kasama ko ang lalaking mahal ko kundi dahil nagawa ko na ang isang bagay na kinatatakutan ko, ang maligo sa ulan. It's been three years na siguro since the last time na nagtampisaw ako sa malamig at masarap na dulot ng ulan. Ang huling araw na naranasan ko ang maging masaya sa piling ng ulan at ang unang beses na pinangarap ko na sana hindi na ito muling pumatak.
YOU ARE READING
For All The Firsts I've Done With You(Editing Soon)
Teen FictionYou are my first in everything Rain Jackson. And thank you for giving me the best first among my firsts. ---Geleane Cape ****** Falling in love in a very young age is a typical scenario in schools nowadays, and Geleane Cape is not an exception to...
Chapter 14:
Start from the beginning
