Tumahimik na lamang ako at nakinig. Hindi naman nakaka-boring kasi one is to one ang ratio ng hologram. Kahit malayo si professor Steel ay nauunawaan ko naman ang mga sinasabi niya dahil lumalabas ang lahat ng robotic parts sa mismong hologram na naka install sa desk ko. Amazing right? 'Hell yeah- its a different generation -kaya hindi na ako dapat pang magtaka sa mga nakikita ko. Masasanay din ako.'

Ipinaliwanag ni Professor Steel ang lahat ng dapat naming malaman tungkol sa robot. Lumalabas din sa hologram sa bawat table namin ang mga sample parts at kung paano ito gawin. Naunawaan ko agad kung ano ang kahalagahan ng bawat parts. Mabilis ako sa pag memorya kaya hindi ako masyadong nahirapan.

***
"Whoaa that's a tiring one- nakakapagod din pala." Sabi ko kay Dylan. Nasa labas na kami ng 11th prism.

"Human Body is really weak" Maikling tugon ni Dylan. Naku ilang beses ko na ba ito napakinggan mula pa kay deadliest compass. Parang lagi nila nire-remind na mahina ang mga Human Bottles at hindi enough para sa mundo. 'Well- pang HUMAN WORLD lang kami kaya pang HUMAN WORLD din ang katawan namin.' Protesta ng isip ko.

"Good bye Airish- see you around- I guess." Humawak pa ulet sa batok niya si Dylan na para bang medyo nahihiya sa akin. Naku ha. Wag masyado magpa-cute saken.

"Yea- thank you for your company- ." Sagot ko na lamang kay Dylan. I want to see him again din naman.

***

"ULrich- gusto ko dumaan sa Symbolica- gusto kong kumuha ng isang libro na babasahin." Sabi ko kay ULrich. I'm excited to visit Symbolica again kahit malayo ang lalakarin ko pabalik.

"Sige Airish."

Matapos ang mahabang paglalakad ay narating ko ulet ang Symbolica. Napansin ko na napakarami pa palang establishment na magaganda dahil nailibot ko ang aking mga mata sa paglalakad ko papunta sa Symbolica. Kanina kasi ay lage ako nagmamadali papunta sa mga rooms na tinuturo ni ULrich. Namamangha talaga ako sa mga estruktura. Kakaiba at elegante. Ibang-iba talaga ito sa mundo ng mga tao. May mga estruktura na complex ang design. May mga ekstruktura din naman na simple pero ang lakas ng dating.

Bumukas ang parang stainless door ng Symbolica. Stainless door ito pero nagbabaga nang apoy? Pinaghalong Stainless at Bakal? Oh baka mali lang description ko, pero iba talaga yung components nito. Ganon ang itsura kaya nakakatakot hawakan. Hindi naman siya mainit dahil ang kalahati nito ay Crystal Ice. It reminds me of 'Living amidst bridges of ice and fire' Ano nga ba ang ibig ipahiwatig nito? Hindi rin naman malamig so its so WEIRD. I rolled my eyes- sanay na ako sa mga kababalaghan dito sa University na ito.

Dumiretso ako sa loob at muling nagniningning sa tuwa ang mga mata ko. Napakaraming aklat! Whoaaa- alam mo yung taong malakas ang appetite kumain? Yung nagniningning yung mga mata kapag nakakakita ng masasarap na pagkain? Ganoon itsura ko ngayon.

Naappreciate ng bongga yung interior dahil relax na yung feelings ko - wala na kasi akong class today at sabi ni ULrich ay pwede na daw ako bumalik sa Golden League Dormitory para matulog.

Bakit naman ako matutulog agad? Eh may time pa naman ako magbasa diba?

Kukuha muna ako ng isang libro saka ako uuwi sa dormitory. Napangiti na lamang ako sa sarili at nagsimula ng maghanap ng libro na magugustuhan ko. Syempre nasa Pulang Liwanag ako- hindi sa Puting liwanag na puro lamang LUCID DREAMS and HAPPILY EVER AFTER ang aklat. I like the BRUTAL TRUTH na mga stories. My Adrenaline rush kapag ganito nababasa kong libro.

Nakuha ng isang libro ang atensyon ko. I took it off from the shelve and read the title. Kadalasan talaga binabasa ko muna title bago ako magdecide kung ipagpapatuloy kong basahin.

Elixir UniversityWhere stories live. Discover now