🏴☠️
Mystyryyy
Deadliest_Compass
🏳 Elixir University: The Masquerade Masks 🏳
-XII-
Meeting the Prince of Fire League
Bumalik ako sa Mind Class namin with Professor Plax - unfortunately- the class is over. Wow huh first class ko dito sa Elixir University tapos ganto pa ginawa ko.
"Its okay Airish, better rush to 4th prism-" Utos ni ULrich.
"My next class?"
"-Yes and it will start in a few minutes- your running out of time again."
"Geez, Am I always going to be like this!?" Taranta na ako habang sinusunod ang instruction na sinasabi sa akin ni ULrich. Damn! Ayoko mahuli dahil wala akong sapat na idadahilan.
"Here we are-" Masayang wika ng Mask ko.
Iba ang ayos ng silid. Para siyang planetarium. May mga moving graphics sa cellings at maging sa paligid ng walls. Walang bintana ang spiral room or should I say spiral solo building na napakalaki. Tanging ang pinto lamang ang entrance and exit. Kulong na kulong ang loob at once na isara ang steel door ay siguradong masosophocate ka sa loob. 'Its not suicidal right?'
"No Airish-" Naramdaman ko na natutuwa si ULrich sa monologue ko. "Hindi ka mamatay sa loob kapag pumasok ka- unless may gawin kang Labag."
"O-okay" At humakbang na ako papunta sa loob. May iba ding mga mag-aaral ang nagsisipasok. Magaganda din ang mga designs and outfit nila. The color variation is Gold, Red, Brown, Beige, White, Crystal and some are black. Napansin ko na kokonte lamang ang black. Mas madami ang ibang kulay. Marami ko ring nakikitang colorful na parang pinagsamang iba't-ibang gemstones.
Gumagalaw ang mga celestial bodies - not the real one but the graphics. Grabe talaga parang totoo na. Umupo na ako sa nakita kong vacant seatna medyo mas malayo sa ibang mga mag-aaral. Pinili ko yong bandang likuran. Sige loner na ako pero mas gusto ko naman talaga na may sarili akong mundo at laging mag-isa.
Whoaaa! biglang may medyo matandang lalaki na nasa kalagitnaan ng edad nito, ang iniuwal mula sa floor. Ganda ng entrance! Parang sa concert lang ng BlackPink at BTS. Yung iniangat sila ng mga device na naka bury sa stage. Napaka astig talaga dito. I love this place na pala!
"Its too early to say that Airish- you don't know what is behind the curtain of every beautiful things you'll see here-" Babala ni ULrich. Tumahimik na lamang ako at napaisip sa sinabi niya. Mukha naman kasing hindi harmful ang University na ito pero as what my mask said- mapanganib ang lugar na ito. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Deadliest Compass 'Isa lamang ang parehas- at iyon ay tanging mapapanganib na lugar lamang ang destinasyon ng direksyon na itinuturo namin' Yan ang nabanggit sa akin ni compass bago ako mapunta dito. Dapat ko nang asahan ang mga kakila-kilabot na maaaring mangyari at maaari kong masaksihan. I need to be extra careful hindi lamang sa kilos at pagdidisisyon ko kundi maging sa pananalita ko; dahil ang isang salita na ipinagbabawal ay maaaring dahilan ng katapusan ko. Nagsisimula nang matakot ang mga kalamnan ko.
The door shut closed. May kakaiba na namang professor na nakatayo sa round and elevated stage na para sa kanya lamang. Nakapalibot ang lahat ng mga mag-aaral sa kaniya. Medyo parang karayom na ang tingin ko sa kanya dahil sa subrang laki ng room tapos ang layo niya. Room ba ang tawag nila dito? Eh pagkalaki-laki. Alam nyo yung Philippine Arena sa Bocaue Bulacan? Parang medeo ganon yata kalaki- its difficult to estimate the area because some part of this place is dark. I couldn't compare is completely from the establishments I saw in Human World. Pero I bet hindi siguro nagkakalayo ang sukat. Marahil ay mas malawak lang ang Philippine Arena dito dahil isa lang naman itong classroom. Philippine Arena is really huge. Its Marvelous.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Elixir University
Mistério / Suspense🏳🏛🏳 ELIXIR UNIVERSITY ☠ The Masquerade Masks ☠ [Book 1] Unibersidad na kung saan ang salitang 'Patawad' ay mariing IPINAGBABAWAL. Sa paaralang ito, ang pangalang 'Shadow X' ay kinatatakutan ng lahat. Nananahan sa Misteryosong Henerasyon na HINDI...
