🏴☠️
🏳 Elixir University:
The Masquerade Masks 🏳
-IX-
Eight Leagues Dormitories
[Location: M-GEN]
Mysterious Generation
Napakalawak ng Harden at halos dalawang oras at kalahati din akong nag walking marathon upang maabot ang isa na namang mataas na pader.
Tiningala ko ito at nakasulat ang Ancient Writings na nangangahulugang 'Elixir University'. Paano ko nalaman? Iyon kasi ang sabi ni ULrich.
Nakita ko din ang salitang may katumbas na kahulugan sa tagalog na "Ang Unibersidad na kung saan ang salitang 'Patawad' ay mariing IPINAGBABAWAL."
"Bakit bawal dito humingi ng tawad? Eh diba kailangan natin iyon kung nakagagawa tayo ng pagkakamali?"
"Alam ko na ang salitang iyon ang karaniwang sinasabi sa inyo sa Human World, pero iba kasi dito Airish. Mas gugustuhin mo na lamang sumunod sa One Ultimate Rule ng Unibersidad na ito kaysa matanggap mo ang parusa." Sabi ni ULrich.
"Ano ba ang parusa kung sakaling magawa ko ito?"
Tumahimik na lamang muli si ULrich, nararamdaman ko na naman ang lungkot niya, siguro dahil may connection na ang aming mga puso?
Hindi na ako nagpumilit na malaman ang parusa dahil sa tuwing tumatahimik si ULrich ay kinakabahan ako at tila ba nararamdaman ko na brutal ang parusa. Ayoko na itong mapakinggan kaya iniba ko na ang topic.
"Marami ba ditong pogi?" Pagbibirong tanong ko na lamang kay ULrich. Para pakalmahin siya.
"Anong ibig mo sabihin ng pogi? Actually hindi ko alam ang standard ng mga tao sa facial feature dahil lahat naman ng human bottles ay nakasuot ng mask at tanging ang mask lamang nila ang nakakaalam ng tunay nilang mga itsura. Hindi rin kasi mukha ang pangunahing pinahahalagahan sa unibersidad na ito dahil hindi naman iyon ang ipinunta ng mga human bottles -inimbitahan ang mga human bottles upang lumago ang kaalaman sa mga bagay na magiging kapa-ki-pakinabang sa mundo ng mga tao." Mahabang paliwanag ni ULrich. Medyo napahiya ako doon ah.
"Pero kung ang ibig mong sabihin ay matatalino at talentado, marami noon dito sa MU. Kung Piece of art naman ang physical feature ay marami ka ring makikita sa Red Empire League, sa Wild Snow League at sa Elixir league."
"Piece of Art?"
"Iyon ang tawag sa mga League na mayroong kakaibang ganda. Maaring ang kanilang mga mata, labi, katawan, o anupamang masasabi mong kaakit-akit."
"ah yun pala ang ibig sabihin niyon"
"Pero makikilala mo rin ang mga sikat na individual sa loob at labas ng University."
"Loob at labas?"
"Oo- dahil may pamayanan din, nasa gitna lamang ng Mysterious Generation ang Elixir University kaya ibig sabihin ay may mga naninirahan din sa palibot ng Unibersidad na talagang dito ipinanganak at naninirahan sa Mysterious Generation. Bawal mong makita ang ilan sa kanila pero maaari mo namang masilayan ang iba rin sa kanila depende sa kanilang position. May mga pribadong personel kasi na hindi marapat makita ng mga Human Bottles for security purposes. Maging kaming mga mask ay hindi parin sila nakikita."
"Ahmmm"
"Huwag kang mag-alala , simula pa lamang ito ng iyong journey. Unti-onti mong mauunawaan ang kalakaran sa loob- kaya pumasok ka na sa Elixir University (EU)."
"Si-sige-"
Pumasok na ako sa loob ng paaralan na may weird na pader. Bakit weird? Kasi ang kalahating pader nito ay napapalibutan ng yelo at ang kalahati naman ay nagliliyad na apoy. Oh diba parang yung bridge lang kanina. I wonder if the fire is forever. Walang forever Airish, Ay hindi pala forever- eternity.
YOU ARE READING
Elixir University
Mystery / Thriller🏳🏛🏳 ELIXIR UNIVERSITY ☠ The Masquerade Masks ☠ [Book 1] Unibersidad na kung saan ang salitang 'Patawad' ay mariing IPINAGBABAWAL. Sa paaralang ito, ang pangalang 'Shadow X' ay kinatatakutan ng lahat. Nananahan sa Misteryosong Henerasyon na HINDI...
