🏴☠️
🏳️Elixir University:
The Masquerade Masks 🏳️
-IV-
Nakatanggap ng Imbitasyon si Airish
Pagod akong umuwi matapos ang part time job ko as a math tutor. Naisip ko sanang tanungin na lamang si Saih kung ano ang pangalan ng kapatid niya. Para e-check ko na lang sana sa social media, kaso magmumukhang stalker naman ako kung gagawin ko iyon.
Si Saih na rin namang ang nagsabi na hindi mahilig magpapicture ang kuya niya. Baka konte lang din ang post noon.
I expect na may family picture si Saih sa phone niya, pero mukhang wala rin dahil ang picture frame pa ang hinanap niya noong tanungin ko siya to see some photo of her missing brother. I did not ask his name because its awkward to ask such thing, lalo na at kakikilala lang namin sa isa't-isa. We're not even that close. Kaya larawan na lamang ang tinanong ko.
Kung sasabihin ni Saih voluntarily yung name, edi mas mabuti. Its like killing two birds in one shot. At doon tayo sa play safe. Yung hindi mukhang stalker.
Sa totoo lang, medyo hindi talaga maayos ang pakiramdam ko. Agad akong tumungo sa aking silid. Binaba ang bag sa sahig at dumiretso sa CR. Naghilamos lamang ako at lumabas na din.
I could say na masama na talaga ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung lalagnatin ako ngayon. Ilang araw na din kasi akong puyat. Ako ang gumawa ng mga projects ng tinu-tor-an ko and hindi ko rin alam kung bakit hindi ako kumportable nitong mga nakaraang linggo. Para kasing may bumabagabag sa isip ko na hindi ko mawari.
Agad naman ako nagpalit ng pajamas at lumugmok na sa aking maliit, yet comfy na higaan.
Nagising ako bago maghating gabi. Naramdaman ko na mainit ang aking katawan.
Natanaw ko sa orasan na malapit nang mag-alas onse ng gabi. Seven minutes more before the clock strikes to 11 sharp. Nilalagnat na nga yata ako.
Gusto ko sanang bumangon para uminom ng gamot pero angbigat ng pakiramdam ko. Literal na nakakatamad tumayo. Tulog na din si mama sa kabilang kwarto kaya hindi ko na ginustong gisingin o abalahin pa siya. Maaga pa trabaho niya bukas.
Hindi rin kasi ako nasanay na magpaalaga sa mama ko kapag may sakit ako. Nasanay ako ng maging independent sa murang edad.
Ipipikit ko na sanang muli ang aking mga mata nang biglang may naaninag akong mahiwagang liwanag sa ibabaw ng aking mesa, ngunit hindi ko na ito sinubukan pang titigan at usisain. Subrang inaantok na rin ako. Pinapaypayan na nang hangin ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
"Halika.." naririnig ko ang isang tinig mula sa isang napakagandang compass. Mahiwaga ito at lumulutang ng higit na mataas kaysa saakin.
"Ahmp ako ba?" Tanong ko ng may pag aalinglangan kung ako nga ang kinakausap niya. Lumingon-lingon din ako para tignan kung may iba pang tao ngunit ako lamang ang nasa gitna ng isang madilim at malawak na lugar. Tanging ang liwanag at ningning lamang ng compass ang nagbibigay ng tanglaw sa aking dinadaanan.
Hindi sumagot ang compass.
"Sino ka? Saan mo ako dadalhin?" Nagtatakang tanong ko.
"Sa lugar kong saan ka nararapat-Ngunit hindi mo mararating ang lugar na iyon kung hindi bukal sa iyong puso ang pagtanggap sa imbitasyon. " Patuloy parin itong nakalutang sa harapan ko. "Nararapat na bukal sa iyong kalooban ang pagtungo. Ito ay kung gugustuhun mong marating iyon-" Wika nito. Bakit angganda ng boses? Bakit parang napaka-friendly ng boses. Malamig sa puso at maganda sa pandinig -ang maliit na tinig na nanggagaling sa compass.
YOU ARE READING
Elixir University
Mystery / Thriller🏳🏛🏳 ELIXIR UNIVERSITY ☠ The Masquerade Masks ☠ [Book 1] Unibersidad na kung saan ang salitang 'Patawad' ay mariing IPINAGBABAWAL. Sa paaralang ito, ang pangalang 'Shadow X' ay kinatatakutan ng lahat. Nananahan sa Misteryosong Henerasyon na HINDI...
