"I'll buy that all." Sabi lang ni Sir Ravanni at iniabot nya ng gold card. Hindi 'yon inabot ng sales lady kaya napakunot ang noo ni Sir Ravanni. May problema ba?

"Wala po ba kayong ibang card Sir? Your card is to high-"

"I have no cash here and what I have is only this. Magkano ba lahat 'yan?" Tanong nya kaya inayos lahat ngsales lady ang mga damit at tiningnan kung magkano lahat 'yon.

"Total of Php 187.746 Sir." Napatayo ako nang sabihin ng sales lady ang presyo ng mga damit.

"A-Ano? Php 187.746 'to lahat?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila kaya napalayo sa akin ng konti ang mga sales lady dahil sa pagkagulat sa inasta ko. Kasi naman napakalaking halaga non. Nawindang na nga ako sa mga nagastos ni Sir Damon noong sya ang kasama ko pero mas nawindang ako sa halaga ng pinamili ni Sir Damon. Siguradong lubog ako sa utang nito. Halos kinakalkula ko na agad kung ilang taon ko 'yon mababayaran.

"I don't have any cards here miss so just accept this." Sabi lang ni Sir Ravanni at iniabot lang nya ang card nya at mukhang nagdadalawang isip naman ito kung tatanggapin ito ng sales lady. Hinawakan ko naman ang braso nya at pinigilan sya saka sya binigyan ng tingin na nagsasabing wag na lang nyang bilhin. Pero hinila nya lang pabalik ang braso nya sa akin at iniabot ang card doon sa sales lady.

"Sir Ravanni ang mamahal po ng damit. Wala naman pong paggagamitan nyan ang mga kapatid k-"

"I don't hear anything. Bingi ako." Sabi nya lang sa akin at saka sya lumapit doon sa cashier at nakipag-usap na doon. Ilang minuto din bago sya nakabalik. Napansin ko naman na wala syang dala kaya bahagya akong nakahinga doon ng maluwag.

"Buti naman Sir hindi nyo po kinuha. Grabe po ang mamahal po ng mga dami-"

"Dadalhin na lang nila sa kotse ko lahat dahil hindi natin 'yon kayang bitbitin lahat. Let's go to the shoes store. Oh, over there." Sabi nya at hinila naman nya ako sa mga sapatos. Ganito ba talaga ang mayayaman? Hindi nila iniisip ang mga presyo ng bibilhin nila? Wala na ba silang pagkagastusan kaya ginagawa nya ang lahat nang 'to? At si Sir Dqmon kaya? Ganito rin kaya sya?

"What's the size of your brothers?" Tanong nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya ng nagtataka. Huwag nya sabihin na bibilhan nya rin ang mga kapatid ko ng sapatos?

"Their size Bella." Seryosong sabi nya sa akin pero sa halip na makipagtalo ako ay sinabi ko na lang sa kanya. Ano ba ang naiisip nya at pinag-aaksayahan nya ng pera ang pamilya ko? Sobrang dami na ng napamili nya sa mga damit pa lang.

"Naglalaro ba ng sports ang mga kapatid mong lalaki?" Tanong nya sa akin saka nya hinawakan ang isang sapatos doon.

"Opo Sir, m-mahilig po sila magbasketbal-"

"Excuse me Miss." Tawag nya sa sales lady at lumapit naman agad ito sa amin. Tinanong nya kung may size noon para kina Kenzo. Nakakahiya na talaga pero nang makikipagtalo nanaman ako sa kanya ay sinamaan na nya ako ng tingin.

"Your sisters? Are they wearing heels or they prefer flats like you?"

"Actually Sir mas gusto nila ng stinelas-"

"Nevermind just give me their sizes."

"Pero Sir-"

"Sizes please." Seryosong sabi nya sa akin kaya napipilitan akong sinabi na lang sa kanya ang sizes ng mga kapatid kong babae. Hay naku mukhang mababaon na talaga ako sa utang nito.

Pagkatapos namin doon ay sa wakas hindi na ulit kami pumasok sa mga boutique. Dumeretso na kami sa parking lot at doon namin nakita ang mga lalaki na may hawak ng mga paper bag na laman ang mga pinamili naming damit. Hindi ko na halos 'yon mabilang isama mo pa ang malalaking paper bags ng mga sapatos. Napatampal na lang ako sa noo ko dahil sa kahihiyan. Paano ko 'to ngayon mababayaran? Baka tumanda na ako sa pagbabayad ng utang sa kanilang dalawa ni Sir Damon.

"Tell to the managers of this establishment to clean this area, costumers like us is encountering some mosquitoes here." Sabi sa kanila ni Sir Ravanni kaya napatingin naman ako sa kanya. Ano?

"Just put it there." Sabi lang nito at pinatunog ang kotse nya at binuksan na nila ang likudan at backseat ng kotse para ipasok lahat nang pinamili namin. Halos hindi 'yon magkasya sa dami. Pagkatapos noon ay nagbigay pa ng bayad si Sir Ravanni sa mga staffs bago sya pumasok sa driver's seat.

"Sir Ravanni tatapatin ko na po kayo, matatagalan po ako na mabayaran kayo sa mga pinamil-"

"Sinisingil ba kita?" Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa seryosong pagkakasabi nya at deretso syang nakatingin sa akin.

"P-Po?"

"Ang sabi ko, sinisingil ba kita?"

"Hindi po per-"

"Then don't think about it. This cents won't hit me that hard Bella." Napanganga ako sa sinabi nya. Cents lang ang tawag nya sa halaga ng pinamili namin? Ano pa ang piso sa kanya? Million?

"Matulog ka muna, I'll wake you up later kapag nandoon na tayo." Sabi nya sa akin at inayos pa ang seatbelt ko at may inilagay sya sa leeg ko para di ako mangalay. Sa pagkakaalam ko ito 'yong ginagamit kapagnagtatravel ng malayo. At sa tingin ko ay kanya 'yon dahil naamoy ko pa doon ang pabango nya. Napatingin naman ako sa kanya at may pinipindot sya doon sa may dashboard ng kotse nya. Siguro ay route para di sya maligaw. Napatawa naman ako doon sa naisip ko. As if naman na maliligaw kami eh kasama nya ako.

"Why are you laughing?" Pinigil ko na mapangiti dahil sa pagpansin nya sa akin. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa headrest at hinawakan ang seatbelt ko. Grabe ang saya talaga sumakay sa kotse. Ilang oras din ang byahe at dito ako sakay. Napamulat naman ako nang marinig ko ang bahagya nyang pagtawa. Nakita ko pa ang multo ng ngiti sa labi nya at iiling iling na nagdrive. Halata na ba na nasasano ako sa kotse nya? Kung oo sorry na excited lang talaga ako kaya pagbigyan nyo na ako.

At dahil nahihiya rin naman ako makipag-usap kay Sir Ravanni pinili ko na lang talaga na umidlip. Baka sakaling mapapanaginipan ko kung paano ako yayaman para makabayad sa lahat nang pagkakautang ko sa kanila ni Sir Damon. At isa pa, excited na rin ako umuwi. Makikita ko na sina Nanay at ang mga kapatid ko. Sobra ko silang namimiss. Pagdating ko yayakapin ko agad sila ng mahigpit at i-kkiss sa pisngi.




















xyvil_keys

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon