Napayuko siya dahil sa sinabi nito.

"But this is what I needed to do Paula. Kawawa naman ang bata." kahit na naiinis siya kay Stephanie ay hindi naman kakayanin nang konsensiya niya na lumaki ang anak nito na walang nakukuhang atensiyon sa ama.

Siguro naman ngayong umalis siya ay matututonan din ni Phoenix na mahalin ang sariling anak.

"Naaawa ka sa bata sa sarili mo hindi? Pwede naman niyang ibigay ang kailangan nang anak niya kahit na hindi niya panagutan ang ina nito. Kasal kayo Girl, mas may karapatan ka higit pa man kanino."

Huminga siya nang malalim.


"I want to breath." natulala siya sa pader na nasa harapan. "Gusto kong may mapagmalaki sa buhay ko nang hindi umaasa sa kahit na kanino. Buong buhay ko umaasa ako sa mga taong nasa paligid ko. Kay Nanay, sa pamilya ni Phoenix, at lalo na kay Phoenix. Ngayong nangyari ito n-na nakabuntis siya nang ibang babae. Siguro ito na ang sign na hindi talaga kami para sa isa't isa. Ayokong makagulo. Kung ano man ang mangyayari sa naging desisyon ko. Saka ko nalang iyon haharapin. Sa ngayon gusto ko munang gawin kung ano sa tingin kong tama."


Naramdaman niyang umupo sa tabi ang kaibigan.

"Hindi solusyon ang pagtakbo sa problema. Pero kung iyan ang gusto mong gawin. Sige susuportahan kita. Kaibigan mo ako at nandito lang ako."
Pilit siyang ngumiti dito. Mabuti nalang may isang taong nakakaintindi sa kaniya. Handa siyang suportahan sa kung ano mang desisyon ang gawin niya.

"Salamat." ani niya dito. Wala man siyang maraming kaibigan. Meron naman siyang nakilala na itinuturing siyang parang kapatid, at iyon ang labis niyang ipinagpapasalamat.

Inaya na siyang matulog nang kaibigan. Halos madaling araw na din at kailangan na nilang mamahinga. Kailangan niyang ipahinga ang utak sa dami nang mga bumabagabag sa kaniya. Mamaya pagising niya ay tyaka niya nalang iisipin ang gagawin.

Nakatulog naman siya, hindi nga lang sapat. Nananakit ang ulo niya nang magising. Hinihilot niya ang sintido habang papunta nang kusina.

Napatigil siya at tumingin sa cellphone na basta niya na lang hinablot pagkagising. Titingnan niya sana ang oras dahil alam niyang tanghali na ngunit una niyang  napansin ang tatlong missed calls galing kay Phoenix at dalawang text na rin.

Bigla siya kinabahan at naalala ang nangyari kagabi.

Hindi niya man buksan ang text nito ay nakasisiguro siya na tungkol ito sa pag alis niya.

Kilala niya si Phoenix, hindi basta-bastang nagtetext ang asawa kahit pa importante ang sasabihin nito. Isang tawag lang ay sapat na at kapag hindi niya nasagot makikita niya nalang itong nasa harapan niya na makalipas ang ilang minuto.

Siguradong alam na nitong wala siya sa bahay nila.

Nanginginig ang kamay na binuksan niya ang mga mensahe nito.

'Come back here!' unang mensahe nito.

Huminga siya nang malalim bago binasa ang isa pa.

'I'll fvking find you wherever you are and when I got you, be ready for your fvcking punishments for disobeying me.'

Kahit na wala ito sa harapan niya ay tila naririnig niya sa isip niya ang malamig nitong boses. Mas lalo siyang natakot dahil sa punishments na sinasabi nito.

Hindi. Hindi siya nito dapat na mahanap. Sinulyapan niya ang orasan sa cellphone niya at nalamang Ten am na pala.

Natatarantang dumiretso siya sa kusina at doon ay nakita niya si Paula. Mukhang bago din itong gising katulad niya pero naghahanda na ito nang kakainin nila.

Tumikhim siya para mapansin nang kaibigan niya ang kaniyang presensya. Nakatalikod kasi ito sa kaniya at nakaharap sa kalan habang nagigisa nang kamatis.

Humarap ito sa kaniya at ngumiti.

"Gising ka na pala Beshie. Wait lang maupo ka na diyan at malapit na ding maluto itong ginagawa ko. Okay lang ba sayo ang itlog na may kamatis? Alam mo namang ito lang ang alam kong lutoin diba?" tumawa pa ito bago muling bumaling sa niluluto.

"Kailangan ko nang umalis." ani niya dito na siya muling ikinabaling nito sa kaniya. Nakakunot na ang noo nito sa pagkakataong iyon.

"Ha? Akala ko ba mamayang hapon ka pa aalis papunta sa probinsiya namin." nagtatakang ani nito.

"Siguradong hinahanap na ako ni Phoenix at kahit hindi niya alam kung saan ka nakatira ay maaring alam niya na na sayo ako nakituloy. Ayokong madamay ka sa problema namin. Kaya kailangan ko nang umalis." paliwanag niya dito.

Lumungkot ang mukha nito at nakaiintinding tumango nalang sa kaniya. Walang ganang pinatay nito ang kalan bago lumapit sa kung saan siya nakatayo.

"Sige. Ngayon na lang kita ihahatid saamin-" pinutol niya ang sasabihin nito.

"Sa ibang lugar nalang ako pupunta Paula. Wag kang mag alala. Tatawagan kita pag nakarating ako sa kung saan mang lugar na alam kong hindi ako mahahanap ni Phoenix." ani niya dito.

"Ano ba naman iyan Beshie.. Diba napag usapan na natin na saamin ka pupunta? Malayo ang probinsiya namin. Siguradong di ka niya makikita doon." malungkot na ani nito.

"Oo nga pero ayokong madamay ka dito lalo na ang pamilya mo. Wag ka nang mag-alala okay? Kaya ko ang sarili ko." pilit siyang ngumiti dito na ikinabuntong hininga nalang nang kaibigan.

Wala na rin itong nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa kaniya. Bakas man sa mukha nito ang pagtutol ay nirespeto nalang nito ang desisyon niya.

Sinabi na lang nito na ito na daw ang bahalang kumuha nang masasakyan niyang taxi na hindi niya naman tinutulan pa.

Naiiyak na tiningnan lang siya nito bago nagpasiyang tulungan siya sa pag ayos nang gamit niya.

Maya-maya pa ay dumating na rin ang taxi na kinuha nito. Isang malungkot na ngiti ang binigay sa kaniya nang kaibigan bago si nag paalam sa isa't isa. Nangako naman siya na bibisitahin ito kapag naging maayos na ang lahat.

Habang nagbabiyahe patungo sa Terminal nang bus na sasakyan niya, hindi niya maiwasang isipin ang mga nangyari.

Kung ano na nga bang mangyayari ngayon na iniwan niya ang asawa. Siguradong galit ito sa kaniya. Umalis siya nang walang paalam at basta na lang itong iniwan nang hindi pinakikinggan ang paliwanag nito.

Pero paano niya nga ba mapakikinggan ang mga paliwanag nito kung mismong ang asawa ay hindi naman nagsasabi o nagpapaliwanag sa kaniya.

Para bang wala itong pakialam sa lahat nang nangyari at ang gusto nito ay manatili lang siya sa tabi nito sa kabila nang nangyari. Pero hindi niya matanggap. Hindi niya kayang tanggapin na nakabuntis nang iba ang asawa. Oo nga at gusto niyang panagutan nito ang ginawa, pero ang manatili sa tabi nito sa kabila nang kaalamang nagtaksil ito sa kaniya ang hindi niya magagawa.

The truth is she was selfish. She couldn't bear seeing Phoenix being happy while carrying the child in his arms and Stephanie was looking at them happily like they are a complete family and she was the only hindrance in the picture.

Anong laban niya. Asawa lang siya at anak ni Phoenix ang bata.

Mukhang wala din naman nang balak si Phoenix na sabihin sa pamilya nito na kasal sila. Ano nang mangyayari pag nagkataon? Baka isang araw magising na lang siya na hihiwalayan na nito at tuluyan nang magpapakasal kay Stephanie. Wala nang mas isasakit pa sa umasang ipaglalaban ka nang taong mahal mo kahit na halata namang hindi nito gagawin. Kaya nga habang maaga pa. Siya na lang ang lalayo. Balang araw darating din ang oras na kakayanin niya na itong harapin at makipaghiwalay dito na siyang nararapat.












Owned By HimHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin