CHAPTER THIRTEEN: Dance the Night Away

170 10 6
                                    

CHAPTER THIRTEENDance the Night Away

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER THIRTEEN
Dance the Night Away

--

Pagpasok pa lang ni Jungkook sa bahay ay agad siyang padabog na naglakad paakyat sa kwarto niya.  Saktong pagsalampak niya sa kama ay bumukas ang pinto niya at umalingawngaw ang boses ng kapatid niyang si Taehyun na mukhang inabangan ang pagdating niya.

"So, you really went on with your plan?" pambungad nito bago umupo sa kama ni Jungkook at kinuha ang unan na nakatakip sa mukha ni Jungkook matapos ang ilang segundo na hindi ito sumasagot. "Holy shit--"

"Watch your mouth, Taehyun." pagbabanta ni Jungkook sa kapatid na agad na napatakip ng bibig.

"Kuya, nakipag-away ka na naman ba? Bakit puro pasa at sugat ka?" gulat na tanong ni Taehyun habang hindi maalis ang tingin sa mukha ni Jungkook na napairap lang.

"Hindi ako nakipag-away, nakipaglaro ako."  sarkastikong tugon naman nito na kung sa normal na araw lang ay malamang napatulan na ni Taehyun.

Gustuhin man niyang kutusan ang nakatatandang kapatid ay hindi niya magawa dahil bukod sa mas matanda ito sa kaniya, nangibabaw ang pag-aalala niya matapos makita hitsura nito na puno na naman ng sugat gaya noong araw na napag-alaman niyang nakipag-break si Jimin kay Jungkook. 

Agad na nagtungo si Taehyun sa banyo ng kapatid niya at bumalik nang may bitbit na first aid kit saka sapilitan na pinaupo ang kuya niya.

"Kuya, hindi naman sa nangingialam ako pero ano bang nangyari at nagkakaganiyan ka na naman?" mahinang tanong ni Taehyun bago nilapat ang ice pack sa pisngi ni Jungkook na puno ng pasa. "Kilala kita at paniguradong may nangyaring hindi maganda para manghamon ka na naman ng away."

Mahinang napadaing si Jungkook nang bahagyang diinan ng kapatid ang ice pack sa pisngi niya. "I was pissed."

"And why's that?" pahabol na tanong ni Taehyun bago dahan-dahang ginamot ang sugat ni Jungkook sa gilid ng labi niya gamit ang ointment.

"Tinuloy ko ang plano ko at nagsimula iyon kanina." pagkwento ni Jungkook. "Pero mas apektado pa yata ang ibang tao kaysa kay Jimin. Noong nagkausap kami kanina, sinabi niyang masaya raw siya para sa amin ni Taehyung. What the fvck."

"Hmm. Ano namang sinabi ni kuya Taehyung?"

"Ha?"

"Wala bang reaksyon si Kuya Taehyung sa mga pinaggagagawa mo kanina? E 'di ba no boyfriend since birth siya?" pagpapaalala ni Taehyun saka sinulyapan ang kuya niya para tingnan ang reaksyon nito. "Paano siya nag-react noong hinalikan mo siya sa noo?"

"Taehyun, how the fvck did you know about that?" hindi makapaniwalang tanong ni Jungkook na bahagyang napalayo at kunot-noong tiningnan ang kapatid. 

"Malamang sa social media, kuya." kaswal na sagot ni Taehyun bago niligpit ang mga ginamit niya sa first aid kit. "Ano pa ang ibang nangyari ngayong araw?" tanong nito bago naglakad patungo sa banyo upang ibalik ang kit. 

Strawberries and Cigarettes | TaeKookWhere stories live. Discover now