"Yes. It is eternity" Ang sagot ni ULrich. Oo nga pala nababasa din niya ang laman ng isip ko tulad ni deadliest compass. Maybe this happens to every human bottle at sa specific mask nila.

"Ilang taon na ang Mysterious Generation?"

"Matagal na.. libong taon na."

"Ganoon din ba ang Elixir University?"

"Hindi, Ngayong 21st Century lamang ito nagsimula dahil sa isang pangyayari."

"Ano ang pangyayaring iyon?"

Tumahimik na lamang si ULrich.

Feel ko talaga kailangan kong bawasan yung mapagtanong kong isipan. Pero ano ang magagwa ko eh subrang na cur-curious ako sa Elixir University at ang dami-daming terminolohiya na ngayon ko lamang napakinggan.

"Ahmm don't worry. Maybe later ko na lamang aalamin." Sabi ko na lamang kay ULrich nang akmang magsasalita ito.

"As you wish Airish." Tugon na lamang niya.

Ang lawak-lawak pa ng lalakarin bago makapunta sa mga establishment.

"Airish sa kaliwa."

"Ah saan tayo pupunta?"

"Sa dormitory muna para maayos mo ang sarili mo."

"Hindi ba muna sa registral?"

"Walang ganon dito sa Elixir University. Hindi na kailangang gawin iyon-"

"Bakit?" Oo nga pala , nasa mysterious generation ako at wala sa mundo ng mga tao.

"Lahat ng tungkol sayo ay nakasulat na sa Mystery Book at the very moment na tinanggap mo ako bilang iyong Masquerade Mask."

"You mean lahat ng tungkol sa akin ay meron silang kopya?" Gulat na tanong ko. Mga CIA ba sila? I think mas higit pa sila doon dahil hindi sila mga pangkaraniwang tao. "Mystery Book? Ano pala iyon?" Tanong ko.

"Nandoon lahat nakasulat ang mga pangalan ng lahat ng pinadalhan ng imbitasyon, gayon din ang mga nakatanggap pero tumanggi, ganon din ang mga nakapasok sa EU ngunit -' "Ngunit inalisan ng buhay-" Paliwanag ni ULrich. So totoo pala na may inaalisan dito ng buhay. Dahil lang ba sa pagsabi ng SORRY? My gulay ampalaya pinakbet.

"Maraming dahilan para maalisan ng buhay- pero hindi naman ikaw mapapahamak dito kung hindi ka lalabag-" "Huwag kang mag-alala, kasama mo ako dito-"

Natahimik na lamang ako dahil iniisip ko na wala ng urungan ito. Ngayon pa ba ako susuko kung kailan nandito na ako? No way! Lets face my current situation with toughness.

"Whaaa-" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang naglalakihang dormitoryo na nasa kaliwang bahagi ng school. Nasa outer space ba ako? I think wala naman pero shit angganda.

"Welcome to Golden Arrows residence." Monotomy na boses ni ULrich. Parang hindi siya proud sa lugar na tinuro niya. Siguro sanay na siya makakita ng ganito kagandang lugar. Ilang taon na kaya siya dito? Kasi parang boring lang yung damdamin na pinapakita niya sa tono niya. She doesn't sound excited at all. Teka hindi ko nga alam kung babae o lalaki si ULrich.

"We don't have gender since we are just a mask-" Pagwawasto nito. Shems Oo nga pala nababasa niya ang monologue ko.

"So-so-"

"Airish stop! Don't even think to say the forbidden WORD!" Pag-aalalang sigaw nito.

Putek muntik na ako doon ah. Muntik ko na mabanggit ang FORBIDDEN WORD. Kakapasok ko lang tapos ma-lalabag ko agad ang ULTIMATE RULE ng EU.

Elixir UniversityOù les histoires vivent. Découvrez maintenant