Napaupo na lang ako dahil sa mga nararamdaman ko. Masakit ang ulo ko, pero mas masakit 'yong nararamdaman ko sa dibdib ko.

Alam kong nahihirapan si Jen sa mga nangyayari at alam ko na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siyang tanggapin na wala na ang kuya niya.

Hindi ko ginustong saktan sina Jen at Tita Mommy. I would never hurt them intentionally. I loved both of them dahil pamilya ko sila. Pero paano naman ako? Hanggang kailan ko hahayaan na masaktan ang sarili ko para lang sa kasiyahan nila?

Hanggang kailan ako magtitiis?

Buong buhay ko ang pangarap ko lang ay magkaroon ng sariling pamilya. 'Yon lang, sobrang sapat na para sa 'kin. Hindi ako naghangad ng mas magandang buhay o mas magandang trabaho o yumaman. Dahil ang tanging gusto ko lang ay magkaroon ng pamilya. Na makakasama kong kumain sa araw-araw. 'Yong mapag-sasabihan ko tungkol sa nangyari sa araw ko. 'Yong alam kong nasa tabi ko lang at handang suportahan ako.

Just thinking about losing my family—again—I felt like my heart was getting stabbed thousand times. Sobrang sakit pero alam kong mas makakabuti 'to para sa lahat.

I knew leaving them was the hardest thing to do, but I neeedd to regain myself. I needed to love myself again. I needed to be whole again... dahil pakiramdam ko, sobrang wasak na wasak na ako. When Nate died, I lost half of myself, and it took me a year before I got to fix it. At ngayon na buo at handa na ako uli, saka namang unti-unti na naman akong nawawasak.

Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos o maligo kahit na amoy-alak pa rin ako. I packed all my stuff in my luggage bags. I looked at my room one last time before heading out. I wrote a good-bye letter for them and put it on the dining table.

Alam kong mali na sinabi ko kay Jen na kapatid niya si Arlo. Kaya hahayaan ko na lang na si Tita Mommy na ang bahalang magsabi lahat kay Jen kapag nakauwi na siya. Alam kong kailangan marinig mismo ni Jen sa nanay niya ang buong kuwento dahil wala akong karapatang pangunahan siya dahil hindi ko naman 'yon kuwento.

Sana lang ay maintindihan ni Jen lahat. Sana rin matanggap niya sa tamang panahon na hinding-hindi ko makakalimutan ang kuya niya kahit na nag mahal ako ng iba.

Sobrang bigat sa pakiramdam that I couldn't stop crying hanggang makasakay ako sa Grab na na-book ko. I looked like a mess. I felt so weak, but I knew that I have to be stronger.

I am all alone now.

I only have myself and I have to do this alone.

###

Six months later...

I groaned when I heard my phone ringing. I reached for my phone while my eyes were still closed.

Sino ba 'tong tumatawag na 'to?! Ang aga-aga pa!

"Hello?" I lazily said

"Are you still sleeping?'

"Yes, duh!" I rolled my eyes kahit na nakapikit ako. Ang aga namang mambulabog ng taong 'to!

"It's nine already! Bangon ka na diyan. We'll be in your apartment in ten minutes. See you!" sabi ni Parsley bago mabilis na ibinaba ang tawag.

Wala akong nagawa dahil alam kong paparating na sila ni Herb kaya bumangon na agad ako at mabilis na naligo. Napuyat ako kagabi dahil nanood ako ng maraming videos sa YT kung paano mape-perfect 'yong strawberry cheesecake.

Baking was a unique activity that had the potential to combine both creative expression and social connections, according to my psychiatrist. Baking could also promote a happier and more energetic lifestyle. It could also aid in the reduction of stress and anxiety.

Out of Sight, Out of Mind (Empire #1)Where stories live. Discover now