Lumipas ang ilang araw na natutulog lamang si Reginy sa kwarto ko. Binabantayan ko siya araw araw at hindi ko na siya iniiwan na mag isa. Natatakot kasi ako sa kung anong maaring gawin ni Red sakaniya kapag wala ako. Sometimes Red comes here to check on her at hinahayaan ko na lamang siya at pinapanood. Wala naman siyang ginagawang masama e.

"Ang tagal mo namang gumising." Inip na sabi ko habang pinaglalaruan ang buhok niya.

Magkatabi kami ngayon sa kama habang magkayakap kaming dalawa. Ewan ko ba, I am starting to like this kind of position. Gustong gusto kong nakayakap siya sa akin habang nararamdaman ang init na nagmumula sa katawan niya.

I looked at her face at inalis ko ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha niya. I stared at her and she really looks so beautiful. Bigla akong napangiwi at napairap nang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Nagugustuhan na yata kita? Sheeet." Kinakabahan na sabi ko. "Karibal ko na ba si Ryoga nito? Karibal ko na ba ang sarili ko?"

Napatingin ako sa mapulang labi niya at bigla akong napalunok. 'Di ba nandidiri ako sakaniya? Pero bakit ngayon parang gusto ko siyang halikan?

Pinikit ko ang mga mata ko at unti unti kong inilapit ang labi ko sakaniya. Parang huminto ang pag ikot ng mundo ko nang magdikit ang mga labi namin. Ang lambot talaga! I started moving my lips and I hugged her tightly. Kusang dumilat ang mga mata ko nang maramdaman kong gumalaw ang mga labi niya. I moved right away and looked at her face.

"G-gising ka na?" Tanong ko atsaka siya tumango.

Sleeping beauty lang ang peg. Nagising matapos halikan. Sana pala noong mga nakaraang araw ko na siya hinalikan para mas napaaga ang gising niya. Atat na atat na ako sa pagmulat niya para maiuwi ko na siya e. Hindi lang kami makaalis dahil natatakot ako na hindi siya magising at kung magising man siya ay may mangyaring masama sa memorya niya. Mas maganda nang nandirito kami kasama si Red para kapag may kung ano man ay agad ko siyang masasabihan at agad niya itong magagawan ng paraan.

"May masakit ba sa'yo?"

"W-wala."

"Ah. Mabuti naman kung ganon. Nagugutom ka ba? Tara kumain muna tayo sa baba."

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko atsaka ko siya inalalayan na umupo. Napahawak siya sa ulo niya at bigla akong nakaramdam nang pag aalala.

"Ano? Okay ka lang ba talaga? Sabi mo walang masakit sa'yo?"

"N-nasusuka ako." She said at mabilis siyang tumakbo papuntang CR.

Sinundan ko siya at naabutan ko siyang nakaharap at nakayuko habang nagsusuka sa bowl. Lumapit ako at hinagod ko ang likuran niya. Panay lamang ang suka niya at ako naman ay kinakabahan lang.

Nagsuka ba siya dahil sa kiss ko? Ayaw niya yata sa laway ko? Pero laway lang din naman 'to ni Ryoga ah.

Nang matapos siya ay nagmumog siya sa may sink. Hinilamusan niya rin ang mukha niya atsaka ko siya tinulungang punasan ito. Inalalayan ko siya palabas ng CR at humiga ulit ito sa may kama.

"Nagugutom ako. Gusto ko ng manga na may mayonnaise."

"Huh?"

"Please, dalhan mo 'ko nun."

Saan ako hahanap ng manga sa lugar na 'to?!

"Pwede iba nalang. Baka walang mangga e."

"Kukuhanan mo 'ko o hindi?!" Galit na sigaw niya na nagpamulagat sa mga mata kong maganda.

"Sabi ko nga maghahanap ako sa paligid e. Pagbalik ko, uuwi na tayo. Iuuwi na kita sa kuya mo."

"T-talaga? Aalis na tayo rito? Tutulungan mo 'ko?" She sat on the bed at para siyang maiiyak ulit.

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now