(Teka lang baby girl, kakain lang ako. Kumain ka na ba?)

 

“Hindi, kakain palang. Ibaba ko muna ‘to?”

(Wag. Gusto kong marinig ka lang.)

“Huh? Pa’no ka kakain?”

(Basta baby girl. Wag mong ibababa. Gusto ko nadidinig lang kita. Okay? Kakain lang ako sandali.)

“Baliw, sige ako din maghahanda na ng makakain.”

Ganun lang kami hanggang sa matapos kami kumain. Nag-uusap lang ng kung anu-ano. Sobrang gumaan talaga ang pakiramdam ko sa pag-uusap namin. Lahat ng sakit nawala. Lahat ng pag-aalala nawala.






“Sige na Lharby. Salamat sa tawag ah.”

(Sige babye.)

“Bye.” ibaba ko na sana,

(Denise?)

“Uh?”

(Mahal kita.) napangiti ako sa sinabi niya.

“S-salamat.”

*toot* *toot* *toot*

Ibinaba ko na. Tinignan ko ang singsing na ibinigay niya sa’kin... Mahal nga talaga ako ni Lharby... Hindi naman talaga siya  mahirap mahalin. Pero sa tuwing naiisip ko ang kinabibilangan niyang grupo... at ang nangyari kila mommy... Masakit.

_____

 

(Divina’s Point of View)

Pababa na sana ako ng kotse ko ng may nakita akong isang pares ng mga paa. Pag-angat ko ng ulo ko, si Papa Lhrabs.

“Hi Papa Lharbs. My morning is so good because of you. *__*”

“Papasok ka na ba?” tanong niya, tumingin ako sa wrist watch ko.

“20 minutes pa naman bago ang klase ko. Bakit? Aayain mo ‘ko mag-date?” natawa siya sa sinabi ko

“Sira, hindi. Gusto lang sana kitang kausapin tungkol sa nakaraan ni Denise.” nag-umpisa na kaming maglakad

The Double Personality GangsterWhere stories live. Discover now