"4 po, nandito na ako," sabi niya sabay tingin ng masama kay Aya, "di ba, Aya? Dapat nakauwi na ako by 4??"

Napilitang ngumiti si Aya, nakatingin kasi sa kanya si Tita Dana, "ah, opo. By 4, nandito na kami. Hehehe," sabay subo ng pancake. Ang sungit kasing tignan ni Tita Dana niya tapos nakaka intimidate kasi kahit matanda na, ang ganda pa din!

"Pupunta kayo kila Drake, diba?" tanong naman ni daddy Andy.

"Yes, dad," sabi ni Alys.

"Sige, sige. Ingat kayo dun, Alys. Sabihin mo dun pumunta siya dito minsan," sabi ni daddy Andy.

"Sige po," sabi ni Alys. And with that, tumayo na sila ni Aya at nagpunta kila Drake.

**

Alys' Point of View

=____=

Kailan kaya ako magkakaroon ng alone time? Simula ng nakilala ko si Drake, hindi na natahimik ang buhay ko, pati na ang puso ko. Leche talaga oh!!

Pagdating namin sa bahay nila, ang daming tao. Well, expected naman since 3 weeks before the wedding na lang eh! Siguro tuwang tuwa si Tita Katrina ngayon. Sino ba ang hindi matutuwa pag si Tito Steve ang papakasalan? Kung siguro mas matanda ako, si Tito Steve ang makacrush-an ko :'))

"Alys, Aya!" sabi ni Tito Steve pagdating namin sa bahay nila.

Binaba ko muna yung gamit ko sa upuan, "sorry po at late. Nagbreakfast pa po kami eh."

"Nako, okay lang. Sige, dun kayo sa receiving area at nandun yung designers na magsusukat," sabi niya.

Nagsimula na akong maglakad tapos nakita ko si Aya na nakaupo lang dun kaya tinanong ko siya, "oh? Hindi ka ba magpapasukat?"

Umiling siya, "sige na, mauna ka na. Sunod na lang ako," tapos ngumiti siya. Nako, ang creepy ng ngiti na yan ha!!

**

Aya's Point of View

"Hehehe," sabi ko habang tinitignan maglakad palayo si Alys, "nasan na si Drake, tito?" tanong ko kay Tito Steve.

"Nasa taas. Ayaw bumaba at ang daming tao. Allergic sa tao yun eh."

Tumango tango ako at nag isip ng plano. Isang bagay na natuklasan ko: attracted si Alys sa abs ni Drake!!

Paano ko nalaman? Kasi nga, nung naliligo si Alys, nagkalikot ako ng laptop niya.. At may nakita akong kaduda dudang folder.. At binuksan ko siya, at binuksan. Leche na yan!! Nakailang pindot ako bago ko narating yung pinakadulo!!

At ang tumambad sa akin? Picture ni Drake na topless. Opo, tama kayo ng hinala.. manyak si Alys. Pa tweetums effect lang yung si besh pero ang totoo, attracted siya sa abs ni Drake!!

Kaya ngayon, eto ang plano ko.. Bahahaha

"Tito Steve, pababain mo naman si Drake oh?"

"Bakit? Hirap pilitin bumaba eh," sabi niya.

Nagpacute naman ako at nagpout. AT HINDI TALAGA SIYA BAGAY SA AKIN! PWE! "Sige na, please?"

Nagkamot naman ng batok si Tito Steve, "oo na. Sige, akyat muna ako."

*Evil grin*

After ilang minuto, bumaba na si Drake. Ayos! Naka white shirt siya OuO

Lumapit ako at binulungan ko si Tito Steve, "pasukatan mo na si Drake, bilis!"

"Tss," sabi ni Drake. Yun lang naman kasi ang alam niyang sabihin eh!!

Naglakad na si Drake papunta sa receiving area. Nakita namin si Besh na feeling prinsesa habang kinukuhanan ng measurement. Palibasa at designer ang nanay kaya feel na feel nitong babaeng 'to!

Lumapit na kami sa mga designer at pinasukatan si Drake. Tamang tama at may dumating na maid na may dalang juice *u*

"Ayy, sorry!" sabi ko habang natapunan or rather tinapunan ko ng juice si Drake =)))

"Tss," sabi ni Drake habang tinignan yung itsura niyang basang basa. Oh em! I love you na talaga, white shirt! See through lang ang peg! Waging wagi si Alys nito! Sight na sight yung abs ng boyfriend niya!

"Nako, tsk. Napaka careless mo talaga, Aya!" sabi ko sa sarili ko, "pano ba yan? Kailangan na ding sukatan ni Drake pero basa ka na. Nakakahiya naman kung magpapalit ka pa kasi nandun pa sa taas yung kwarto mo. At nakakahiya din naman na paghintayin yung mga designer na ito.. So ang maganda talagang gawin ay maghubad ka na lang para tipid sa oras," napakaganda kong suggestion!

Oh, ano? Aarte ka pa ba, Drake?

**

Alys' Point of View

*gulp*

Oh, abs~

>.>

Pinipilit kong huwag tumingin ngunit bakit? Sa tuwing ako'y lumalayo ikaw ay nang aakit? Ayy, bakit ba napapakanta na ako?? Oh noes! This is bad!!

Tinignan ko ng masama si Aya. If i know, siya na naman ang may pakana nito!! Nakita kaya ng mga singkit kong mata ang mga pangyayari! Napaka slow motion ng pagkakatapon ng juice ha!! Pati dun talaga sa abs naka sentro!! Grrrr

"Sir, talikod po muna," sabi nung designer habang sinusukatan. Aba't! Isang makiring babae!! Kailangan bang nahahawakan niya yung biceps pag susukatan yung sa arms?? Nakakaloka!! Dapat si mommy na lang ang nagsusukat dito eh!!

At ngayon, nakaharap sa akin ang sexy back ni Drake. Jusko. Ano bang klaseng torture 'to?

Pagkatapos ng mala R18 na scene, pinagpapawisan ako! Inabutan naman ng maid nila si Drake ng towel. 

"Oh, san ka pupunta?" sabi ni Tito Steve kay Drake.

Bigla namang tinuro ni Drake yung towel sa katawan niya tapos, "you want me to eat looking like this?"

"At bakit naman hindi?? Ang macho mo kaya, anak!"

O___________O

"Tss," sabi ni Drake, "what a pimp," tapos naglakad na siya paakyat.

**

After that, nagsimula na naman kaming magpractice para sa kasal.

"Assemble!" sigaw nung organizer.

Pumila naman na kami. Partners kasi kami ni sungit ngayon syempre kasi alam ni Tito Steve na boyfriend ko siya pwe!

"Tss," sabi niya.

"Tss ka din!!"

Nagsimula na kaming maglakad. Kainis! Bakit ba kailangang naka kapit ako sa kanya pag naglalakad?? Nakakakuryente kaya!!

Pagkatapos naming magpractice nung sa paglakad sa altar, yung ibang gagawin naman. Gusto kasi ni Tito Steve organized lahat. OC pala siya?

Lumapit si Aya dun sa organizer, "pwede po bang practisin din yung sa paglalagay ng garter? Si Drake po tsaka si Alys?"

O________________O

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon