Side Story 1

331 20 1
                                    

A/n : Hindi po ito chapter ng story kong ito. Kung baga side story lang po ito pero may kinalaman pa rin po sa Kaito's Case: In the year 2025. Xoxo.

_

There are the 12 districts.

They are the foundation of the earth.

They are the heroes.

But..

Beneath those faces of the legends, they started as the wicked. Here comes the District 6. Also known as the Serpente Famiglia.

The District 6: The City Of Betrayal

Year 2018. Makabago na ang panahong ito. Mga bagong teknolohiya. Pero may mga distrito pa rin ang sumusunod sa naka ugaliang kultura. Sa taong din nito nagsimula ang mga iba't ibang salik sa lipunan.

Taong 2000. Ang siyudad ng ika-anim na distrito ay pinamumunuan ng Serpente Famiglia. Ito ay binubuo ng Haring Vendicé at Reyna Iamah. Sila ay nagtataglay ng mapupulang mata na animo'y palaging naghahamon ng away. Subalit kabaliktaran naman ito sa inaasahan. Sila ay mapagmalasakit sa kapwa at hindi maikukubli ang kanilang kabutihan lalo sa mahihirap.

Malapit din sila sa mga karatig kaharian bagama't ang lahi nila ay kakaiba. Sila ay may kakayahang maging isang dambuhalang ahas. Ang palasyo nila ay napaliligiran din ng iba't ibang uri ng ahas. Mula sa pinakamaliksi hanggang sa pinakamakamandag.

Sa ika-dalawang taon ng pagsasama hari at reyna ay sa wakas ay nabiyayaan din sila ng isang napakagandang sanggol. Pinangalangan nila itong Prinsesa Sil. Lumaking napakaganda ng prinsesa. Subalit napakailap nito sa mga tao sa di malamang dahilan. Mas lagi nitong pinipiling mag-isa.

Makalipas lamang ng ilang buwan pagkatapos ng ika-labinganim na kaarawan ng prinsesa ay nagsimula ang Black Death. Maraming pinatay at namatayan sa pamumuno ng mga Reapers. Isa itong grupo ng mga assassin. Walang nakakaalam ng pakay nila. At wala ring makakaligtas sa paningin nila.

Napagalaman ding ang prinsesa ay miyembro ng Reapers. Siya din ang pumatay sa sariling mga magulang. Nagkaroon din ng malawakang pangaalipin at pamumunong diktatoryal.

Upang makatakas sa paghihirap at kamatayan, ang ibang mga pamilya ay sumapi sa Reapers. Tinaraydor nila ang sariling bayan at nagawa na rin nila pumatay ng mga kanilang sariling lahi para lamang sa pansariling kaligtasan. Ang mga natira naman ay mapalad na nakaligtas pagkatapos ng mahabang taong paghihirap.

Nagkaroon ulit ng bagong pagasa. Simula nung araw na pinanganak ang Geass.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kaito's Case: In the year 2025Where stories live. Discover now