Geass 5

255 16 3
                                    

Kaito Voldyck

Pagkatapos kong magbihis ay naisipan ko ng lumabas at magtungo sa meeting place. Naalimpungatan ako sa malamig at makapal na usok na tumama sa mukha ko. Ang usok ay may halong kulay indigo. Faint na ang kulay nito but I'm aware of this one. Malamang bihasa na ang wielder nito. I can tell that this was a high class flame from one of the districts.

Nakakailang hakbang pa lang ako ng may magsalita sa likod ko.

" Sa tingin ko~, di muna matutuloy ang laban na ito~." Walang emosyon ang mukha nito pero mapaglaro naman ang tono ng pananalita nito

Humarap ako sa kanya. Kulay pulang mata at mapupulang buhok. Makikita mo rin sa kanya ang mapanuksong mga ngiti. Di ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

District 6, bulong ko sa sarili ko.

Di dapat ako makasalimuha sa kanila. Masyado silang mapanganib at di mapagkakatiwalaan. Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito. " Walo na lang tayong natitira. Kaito~chan. "

Walo?? Napaharap naman ako sa kanya ng nakakunot ang noo. Napansin ko naman ang hawak niyang letter. Kapareho ito ng natanggap ko kaninang notice. Kung walo na lang kami dahil umalis ang isa, ano naman ang nangyari sa isa? And what the hell! Did he just call me Kaito-chan?? F*cking bastard. He just remind me of my f*ucking brother. Tch!

" Curious, eh~? Well, natagpuan siyang duguan sa floor sa sarili niyang kuwarto. He was also part of the district six. With his injuries imposible ng maka-participate pa siya~", Pagsasalita niya pa habang ginagawang pamaypay ang hawak niyang papel. " The one left~ The other is a victim~ One of us is the peprietor. And the rest will be the victim~" Makahulugang pananalita nito na may halong pakanta.

May duguan? Luminga linga ako sa paligid ko. Bakit walang katao tao dito? Nasaan yung mga i-investigate ng case na ito? The doctors? The victim itself? I saw no one.

"What do you mean?" Naniningkit kong tanong. Nagkibit balikat lang ito. This freak is getting on my nerves. " Ang alam ko lang pinapapunta tayo sa lugar ng pinangyarihan. It was room 2159."

" How can I be so sure?"

Ngumiti lang ito ng pagkatamis tamis sa tanong ko sa kanya. "Because I belong in the District 6." Kaya nga ayaw kong magtiwala kasi district 6 siya =____=

Room 2159? Pupunta ba ako? Maniniwala ba ako sa taong ito? Tinitigan ko ang mga mata nito at pinakiramdaman ang paligid ko. Naramdaman kong may kumakawala sa katawan ko. Mainit ng simula hanggang sa nakasanayan ko na ang temperatura nito. Di rin nakawala ang sakit na naramdaman ko lalo na sa parteng nakaukit ang geass.

" Fermare il tempo" , pagbanggit ko sa mga salita ay kasaba'y nito ang pagtiggil ng oras. Umistaka ang katawan niya at tumigil din sa pagkurap ang mga mata niya. Miski ang paghinga niya ay napatigil din. Tumigil din lahat ng kahit anong pangyayari sa mundo maging sa kasuluksulukan nito. Tumigil din ang lahat ng oras pati ang motion sa bawat parallel worlds. I can stop the time, that even the gods and goddesses aren't capable of.

Ginamit ko ito upang alamin ang katotohanan mula sa kanya. It's impossible to lie in front me. Matapos ko siyang matamang pinagmasdan ay binalik ko na ulit ang oras. Bumalik ang lahat sa dati. Naulinigan ko ulit ang pagtibok ng puso ng kasama ko pati na rin ang lahat ng may buhay sa lugar na ito.

One thing is for sure. I don't feel anything. His heartbeat is normal. He doesn't feel the pressure. He is not lying.

Sa huli, napagpasyahan ko na lang pumunta. Wala namang mawawala eh. Tumalikod na ako at nagsimulang lumayo sa kinaroroonan ko. Lumingon ako sa pinanggalingan ng lalaki sa huling pagkakataon. Ngunit wala na siya na parang bula. Di na ako nagulat. There are worst than this.

Hindi na ito bago sa mga taong may Geass. Idagdag mo pang kabilang siya sa District 6. They can even turn themselves into a snake.

Binilisan ko na lang lakad at umabot din ng trenta minuto ang paglalakad ko. No doubt, magkakasunod lang ang mga rooms ng mga participants. Room 2159. I'm sure ang victim is also the first  participant. Magkakasunod lang ang mga rooms namin. At yung nakausap ko kanina, he is the ninth participant.


Third Point of view

Narating na ni Kaito ang silid. Bago niya pa mahawakan ang malagintong sedura ng pintuan ay agad naman itong nagbukas.

" Kanina ka pa namin hinihintay, K-kaito." Banggit ng babaing unang sumalubong sa kanya. Siya rin yung babaing sumunod sa kanya kahapon. Anong ginagawa niya dito?

Ng makapasok na siya ng tuluyan sa silid agad na napukaw ang pansin niya ang walong taong nakapalibot sa isang maliit at bilog na mesa. Dalawa sa kanila ang lumingon sa gawi niya, bukod sa taga-District 6 na nakausap niya kani-kanina lang. Ang isa ay sa tingin niya ay kasing edad niya lang. Maputla ang kulay niya at mapapansin mo din ang kulay puti niyang buhok. Nakaupo lang ito na parang walang nangyari. Must be a proffesional assasin, komento niya sa loob loob niya. Ang isa naman ay sa tingin ko ay may matanda ng tatlong taon sa akin. Kulay brown ang buhok nito at may maamong mukha ito. A typical boy next door. Tch.

At ang apat naman ay tila di napansin ang presensiya niya. Saka lamang siya mga napansin ng humakbang na siya papalapit sa kanila.

Lumingat naman siya sa kabuuan ng kwarto. Kapareho lang ito ng kanyang kwarto. Napukaw din ng kanyang pansin ang mga nagkalat na kulay indigong usok kapareho ng nasa tapat ng kanyang kwarto.

Mayamaya pa ay may nagsalita na sa palagay niya ay nanggaling sa isa sa mga naka-proggramed na computer-Techno. At di nga siya nagkamali dahil biglang nagflash ang usb na nakapatong sa mesa na ngayon niya lamang napansin. Lumabas ang isang hologram ng isang babaeng may maraming kolorete sa mukha at mga ngiting akala mo'y matagal na kayong magkakilala.

"A pleasant morning to the chosen ones of Ĺa Ğeaße"  matinis na pahayag ng isang babaeng sa tingin niya ay nasa mid-40's.

Ang mga susunod na sinabi nito ay di inaasahan ng mga taong nasa loob ng kwarto na iyon.

A/n: Comment please. Buahaha! Xoxo

Kaito's Case: In the year 2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon