05

16K 639 186
                                    

Gooooodmorning! Enjoy reading po!

__________.

Shane

Its been a week since that night. Vier with his sweetness is still there, hindi naman ata mawawala yun. Mas sumubra na ngayon. Minsan dito na sa apartment ko natutulog, ewan ko ba dun.

Well today is my day off and Vier will take me out again.

Nakatitig lang ako sa mga tulips. Napapangiti nalang ako.

CLICK!

Napatingin naman ako kung saan nanggaling ang tunog na yun.

"Why are you smiling there mon ange?" Nagkibit-balikat lang ako at ngumiti.

"Okay na ba?"

"Yes, come on" inakbayan niya ako. Hinayaan ko na lang, hindi rin naman titigil yan kung tatanggalin ko.

Pagkasakay namin sa kotse ay agad na niyang pinaharurot.

"Let's take a lot of pictures, when we arrive mon ange" tumingin ako sakanya.

"Oo naman!"

"Ang cute naman ng mon ange ko"

"Peste"

"Hahahaha"

_____________.

Ilang oras na byahe ay nakarating na nga kami sa resort na sinasabi niya saakin. Pagkababa ko ay kukunin ko na sana ang mga gamit.

"Just go inside mon ange" ngumiti nalang ako at patakbong pumasok. Dumiretso ako sa dagat.

"Wow" napaawang ang bibig ko. Napakaganda... Ang sarap pa ng hangin.

"Good morning po maam, welcome to Heaven resort" napabaling ako sa nagsalita.

"Hi, thank you" ngumiti naman ako. Nilahad ko ang kamay ko.

"Im Shane Gutierrez, magkadugo tayo wag kang mag-alala" mahina naman kaming natawa.

Tinanggap niya ang kamay ko.

"Louisse Magdanao po. Sorry, unang tingin ko kase sayo parang babae ka eh"

"Ikaw rin naman eh"

"Naku, salamat" sabay kaming naglakad.

"Napakaganda dito Louisse, marami bang pumupunta dito?"

"Ah hehe, hindi po kasi basta-basta itong resort na toh. Hindi ka makakapasok kung hindi ka tumawag para magpabook, maliban nalang po sa may-ari nito at ang mga kaibigan niya"

"Ah, siguro nagpabook si Vier"

"Sinong Vier Shane?"

"Ah, si Javier Lauriel"

"Ah si Sir Javier ba? Hindi niya na kailangang gawin yun" gulat naman akong napatingin sakanya.

"Siya ang may-ari nito?" Natawa naman siya kaya napalabi ako

"Kilala mo naman siguro ang mga kaibigan ni sir noh?"

"Dalawa lang, yung parati niyang nakakabusiness partner, si Mr. Villarde at Mr. Marquez"

"Actually anim yan silang magkakaibigan. Si Sir Angelico Villarde, Sir Samuel Guevehiro, Sir Alexis Boromeo, Sir Jiro Marquez, Sir Javier Lauriel at si Sir Raven Yves. Si Sir Raven po yung may-ari ng resort na ito at yung islang mga karatig nito. Hindi mapaghiwalay yang anim na yan kaya hindi na iba sila sir dito. Kilalang-kilala na namin sila" napatango-tango naman ako.

"Ano-ano ba ang trabaho nila?"

"Kilala mo na naman sila Sir Angelico at Sir Jiro diba?"

"Mr. Villarde and Mr. Marquez? Yes"

Bachelor Series 3: The Insipid Connection [BXB] COMPLETEDWhere stories live. Discover now