20

13.5K 531 48
                                    

GOODMORNING!

________________.

Shane

Sometimes we do reckless things that might result to something worst.

Mabuti nalang at hindi mababaw ang pagmamahal ni Javier saakin. Well, love is everything.

"Mon ange, you sure about this?" Napabuntong hininga ako at nginitian siya.

"Opo, kaya ikaw, pumunta ka na doon sa birthday ng anak ni Angelico" hinaplos-haplos ko ang mukha niya.

May kailangan pa akong harapin.

May punto talaga sa buhay natin na may mga taong hihila sayo pababa, the funny thing there is yung mga taong hindi pa natin inaasahan.

"Okay, I love you. Call and text me" tumango tango lang ako at hinalikan siya sa labi.

"Drive safe okay?" Hinalikan niya na muna ako sa labi ko bago sumakay ulit sa kotse niya.

Kumaway lang ako hanggang sa makalabas siya ng gate.

Napatingin ako sa kotseng kahapon lang binili ni Vier. Tinuruan niya kasi akong magdrive atsaka madali lang naman siyang aralin kasi automatic siya.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang susi sa bulsa ko.

Pumasok at agad na itong pinaandar.

Sana kayanin ko...














Tumigil ako sa address na ibinigay ni Vier saakin. Nag park ako sa tapat nito bago bumaba.

Simpleng bahay lang siya, maliit, pang-isahan lang talaga.

Lumapit ako sa gate at kung sinuswerte ka nga naman oh.

Pumasok ako kasi bukas.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto.

"Sandali lang!" Naghintay ako ng ilang segundo bago ito bumukas.

"Ano po ang sa----S-shane?"

"Eve"

"A-anong ginagawa mo dito? Pasok ka" pumasok naman ako. Isinara niya ang pinto

"Upo ka, ahmn ano ang gusto mo? Juice, sofrdrinks o tubig?"

"Ang makausap ka Eve"  napatitig naman siya saakin bago umiwas ng tingin. Umupo ako at tumingin sakanya.

"Pano mo yun nagawa saakin?"..

"H-ha? Hindi kita maintindihan Shane" seryoso parin akong nakatingin sakanya.

"Dont lie anymore, alam kong ikaw ang may pakana ng mga post na iyon. Talaga namang pumanig ang pagkakataon sayo Eve"

"S-shane"

"Tell me, bakit? Bakit nagawa mo yun saakin. Galit? Pagkasuklam? Ano, hindi ko kasi mahulaan!"

"Dahil sa inggit at selos!" I was taken back ng sumigaw siya habang isa isang  pumatak ang nga luha niya.

"S-simula sa highschool, i-ikaw palagi ang napapansin, yung t-taong gusto ko rin noon, s-sayo nagkagusto! A-at hanggang n-ngayon ganito p-parin. I-ikaw parin ang nakakalamang. A-ang swerte mo nga eh, may taong mahal ka tulad ni Sir Lauriel" napaiwas naman ako ng tingin at pagak na natawa.

"Dahil lang doon? Really?! Doon lang?! Dahil lang doon nagawa mokong ipahiya at pinagmukhang desperada sa harap ng mga tao!?"

"Para sayo madali lang sabihin na ganun lang yun!" Napatitig ako sakanya ng dahan-dahan siyang umupo habang pinupunasan ang luha niya.

Bachelor Series 3: The Insipid Connection [BXB] COMPLETEDDär berättelser lever. Upptäck nu