33

28 10 10
                                    

"Bakit 'di mo sinabi sa 'kin?" Cy asks and smoothly reaches my hand, but his voice sounds so rough, as if he really is mad but he's just holding back his emotion. "'Bat 'di mo sinabi sa 'king mahal mo pa rin ako? Damn..."

"Come on, kanino mo 'yan nalaman?" I ask, my voice weak. Paulit-ulit akong napapapikit sa uri ng tingin na binabato niya sa 'kin. "Look. Sa 'kin ka lang maniwala, kung ano ang lumalabas sa bibig ko, 'yun ang totoo."

He nods silently and lets my hand go. Mas lalo akong nasasaktan. Para kasing binibitawan niya na 'ko. I am about to turn my heels on when his hands stop me from marching. Nakita ko ang pagkurap niya na para bang gusto niya pa akong makausap ng mas matagal.

"Bakit ba big deal sa 'yo?" I ask again, my voice betraying me. Huminga ako nang malalim. "You are right. I loved you. I liked you so much. We were just juvenile that time, but you know what? Masyado pa tayong bata noong mga panahon na 'yon!" Nag-iwas ako ng tingin. "Tapos masyadong masakit... Masakit ang mga nangyari noon. Kaya pakiusap, kalimutan na lang natin."

Na-realize ko lang naman na sa napakaraming taon na lumipas, ito ang unang beses na pinag-usapan namin ang tungkol sa nararamdaman sa isa't isa. Halu-halong emosyon ang sumasakop sa dibdib ko ngayon. Malungkot kasi nga sa tinagal-tagal ay ngayon lang kami nagkausap ng ganito. At masaya dahil narito siya sa harap ko. His eyes are pleading for something.

Hindi rin makakatakas sa 'kin ang paghanga sa mga 'to. So, hindi niya nga ang alam ang nararamdaman ko noon sa kaniya? Sa lahat ng tingin ko noon, wala pa rin siyang kaalam-alam. At ngayon na ganito na siya kung makaakto, mas lalo na 'kong nalilito.

He is going to be married, but he is acting the other way around. Litsi. Mas lalo niya akong pinapahirapan.

"Kung noon mo palang sinabi sa 'kin na gusto mo rin ako, damn, Marynald, hindi sana ako naghirap ng limang tao sa kakaisip kung ano'ng mali sa 'kin at 'di mo 'ko nagawang mahalin."

Nag-iba ang mukha ko matapos niya 'yung isigaw. Dumaan ang kakaibang kaba sa dibdib ko nang maisip na baka isa lang 'tong prank o baka'y gusto niya lang akong mapaamin, pero katuwa-tuwa't umaasa pa rin ako na pawang mga katotohanan lahat ng mga salita niya. Mayamaya pa'y awtomatiko akong napatingin sa mga daliri niya.

Nang 'di mahanap ang isang engagement ring ay mas lalo tuloy akong nalito. Fine. Baka tinago niya lang, dahil gusto niyang malinlang ako, dahil alam niyang masasaktan ako.

"Magkakapamilya ka na, Cy." Malungkot akong napaiwas ng tingin. "Kaya, please, huwag kang umakto na parang hindi."

May sasabihin pa sana 'to nang biglang dumating si Papa na nagsasabing kailangan niya nang kunin si Cy. Walang kibo na lang akong napatango.

Malungkot akong napangiti nang makita siyang may kinakausap na isang magsasaka. Hanggang ngayon, kakaiba pa rin talaga ang epekto niya sa 'kin—parang habambuhay na 'ata talaga akong magiging ganito.

Inaamin kong nakakalito at nakakamangha ang mga salita niya kanina, lalo na 'yung tungkol sa paghanga ko na kung noon ko pa lang sinabi, hindi sana kami magkakahiwalay ng limang taon. Ganoon na ba talaga ako kamisteryosong tao para 'di niya malaman na may gusto ako sa kaniya noon?

Aware na aware ako sa sariling kilos kapag nandiyan siya, tapos hindi niya napansin ang mga 'yun? Subalit 'di ko naman siya masisisi dahil sa mga nangyari noon, himala ngang mapagtuunan pa niya ng pansin ang mga pagpapansin ko.

At isa pa, papaano ako makakaamin kung alam kong ang dami kong kasalanan sa kaniya? Sa mga masasakit na salita at aksyon na nasabi ko, malabong magkaroon pa 'ko ng pag-asa sa dibdib na umamin.

"Inumin mo 'to." Ang lalaking kanina pa naglalaro sa utak ko 'y nasa harapan ko na ngayon.

He hands me out a bottle of mineral water, a slight purse of lips can be seen in his face. "Always keep yourself hydrated," malambing n'yang sabi, kaya walang sali-salita ko na lang na tinanggap ang tubig. I am taken aback, again, when he snatches my left hand and gradually puts it on his belt. Yes, belt. His belt. Pinigilan ko pa lalo ang pamamanhid ng mga tuhod ko.

Three Seconds ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon