25

33 17 7
                                    

Yumuko ako para mapagmasdan ang sariling suot. Tingin ko naman ay bagay sa 'kin 'to, pero gusto ko pa ring makasiguro kaya mas lalo kong tinitigan ang katawan sa full-length mirror.

Less than two minutes ay nag-aalinlangan akong bumaba papunta sa sala at naabutan sina Auntie at Papa na seryosong nag-uusap-usap. Maski presinsya ko ay 'di na nila pinagtuunan pa ng pansin. Basta ay nagpaalam na 'ko. Okay na 'ata 'yun.

Paglabas ko sa gate, naroon na si Cyriel na nakasandal lang sa left part ng gate na nakasarado. Sandaling namayani ang katahimikan, pero agad din siyang napangiti. Nginuso ko na lang ang sariling bibig, nag-iiwas ng tingin.

"Oy, saan ka?" natatawa niyang tanong matapos kong tumalikod. May plano akong bumalik sa loob at magpalit ng panibagong suot. Dahil aminin ko man kasi o hindi, mukha akong overdressed sa tabi niya. Naka-black denim pants lang 'to at white sleeveless. Naisip ko rin na kung makikita ako ni Hershly na ganito ang suot, siguradong pagtatawanan niya ako.

"Mag-sho-shorts na lang ako," 'yun lang at akma na sanang tatalikod nang marahan niya na namang pinirmi ang balikat ko sa harap n'ya. "Baka pagtatawanan ako roon." I let out a shaky laugh.

Isang beses niya 'kong tinaasan ng kilay bago umayos ng tayo nang 'di pa rin tinantanan ang braso ko. "At bakit ka naman pagtatawanan doon?" balik niyang tanong.

"Dahil sa suot ko." I bit the insides of my right cheek.

"Hindi 'yan."

"Pinagtatawanan mo na nga 'ko."

Umawang ang bibig niya sa sinabi ko. Tama naman talaga. Kami pa nga lang dalawa, e', panay na ang ngisi't tawa niya, how more kung naroon na kami sa maraming tao? At knowing Hershly... Nakakatakot. Maganda siya pero dahil sa ugali niya ay zombie na ang tingin ko sa kan'ya.

Bumaba ang mga mata ni Cy sa pulsuhan ko at sa bracelet na medyo sumayaw dahil tinaas niya ang kamay ko sa ere. Na-curious naman ako kung ano'ng balak niyang gawin. Hanggang sa binaba niya na lang 'to at nakangiting binaling ang tingin sa bagay binigay ko sa kaniya.

"Bagay tayo," nag-iimagine kong sabi. Pero nang maramdaman ko ang nagtataka at namamangha niyang tingin ay agad kong binawi ang sariling linya, "bagay ang bracelet na 'tin. Parehong nagniningning kapag gabi."

Matunog akong bumuntong-hininga nang walang kibo siyang tumango. Samantala, akala ko'y magsisimula na kami sa paglalakad pero hinatak niya lang ang braso ko papasok sa gate. Nalilito ko naman siyang pinagtutulak, pero tila wala lang sa kaniya ang lahat. Ano ba naman kasing panama ng mga palo ko sa lakas niya?

"Saan mo 'ko dadalhin?" I asked him. "Baka maubusan na tayo ng pagkain doon. Gutom pa naman ako."

Sandali siyang natigilan at napatingala sa napakaitim na langit at nahihirapang napailing. Ano'ng iniisip niya ngayon? Gusto kong malaman! Hope I could read his thoughts!

"Hindi ka pa nakakakain?" sumbat niya mayamaya sa 'kin. Napahawak tuloy ako sa sariling dibdib. "Dapat kumain ka na muna."

Patuloy pa rin kami sa paglalakad patungo sa mansyon habang magkalapat pa rin ang mga braso namin. "Kumain naman ako," sabi ko at mahinang nagdasal na sana'y nasa k'warto na sina Papa at Auntie.

"Bakit ka gutom?" he fired back, his voice hoarse. Kung ako, overdressed, siya naman ay nag-o-overreacting!

Inirapan ko muna ang hangin bago sumagot, "Kasi nga kaunti lang ang nakain ko, tapos ang pangit kaya kung magbabanat ako sa pagkain tapos dress ang suot ko."

Pakiramdam ko pa'y mas lalong bumabagal ang segundo, tila ilan pang metro ang kailangan naming lakarin.

"Dapat kumain ka muna nang marami," 'yan lang at diskompyado siyang napailing. Napatigil kaming dalawa sa paglalakad dahil hinarang ko kaagad ang sariling katawan sa daan. Mas lalo ko pa siyang tinitigan at saka pinaningkitan ng mata. Nag-iwas naman siya ng tingin, habang ako'y tahimik lang siyang pinagmasdan. Tingin ko pa'y malalim ang iniisip nito, 'di ko nga lang masabi kung ano pero siguradong may kinalaman 'to sa 'kin, sa kung bakit 'di ako kumain nang marami kanina.

Three Seconds ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon