27

23 15 1
                                    

"Kung 'di mo na talaga kaya, p'wede ka namang umabsent na lang," ngumunguyang sabi ni Jake at saka ako binigyan ng panibagong ulam.

Pagod akong napatango at nagsimula na sa pagkain, iniisip kung ano kaya ang haharapin ko kapag nasa school na 'ko. Batid kong mas makapangyarihan pa ang tsismis kaysa sa totoo, kaya malamang ay kung anu-ano na rin ang nagkalat na balita ngayon.

Ni isang beses ay 'di ko na rin tinangka pa na balingan sina Auntie at Papa. 'Di ko alam kung sino ba sa kanila ang kakampi ko. Dahil napakahirap nang magtiwala.

At hinihintay ko na rin ang aksyon na gagawin nila-maski ako'y nalilito kung ano ba talaga ang gagawin nila sa 'kin. Pagod na pagod ako ngayon, dahil bukod sa walang tulog kagabi ay ang bigat-bigat pa ng dibdib ko.

Nanalangin naman ako na mabilis ko na sanang matapos ang sariling pagkain, dahil kanina pa ako hindi makagalaw at makahinga nang maayos knowing na nakatingin silang lahat sa 'kin.

"Marynald," pagtatawag na naman ni Jake. Sa aming apat ay siya lang 'tong panay ang salita. "Pumunta ang mga kaibigan mo rito kanina. Hinahanap ka. "

"Ha? Bakit daw?" mahina kong tugon. Batid kong napatingin sina Auntie at Papa kaya nga mas lalo akong napalunok. Ewan ko't sa sandaling 'to ay bigla akong nagalit sa kanilang dalawa.

"Hinahanap ka nga," Jake mumbled. "Maganda ang isa, a'."

Kung normal lang 'ata ang araw na 'to ay baka tatanungin ko pa siya kung sino ang tinutukoy niya.

"Ano'ng pangalan no'ng naka-long sleeve?" huling hirit niya bago pa ako makatayo. Bagaman alam na alam ko kung sino ang tinutukoy niya, umakto na lang akong walang alam.

Pagtapak ko sa loob ng school, kahit na inaasahan ko na ang ganitong eksena ay nakakaasiwa pa rin sa pakiramdam. Kagaya ng nakasanayan, tumungo na 'ko sa court saka napansin ang apat na nakaupo sa nakalinyang bleachers.

Si Joyce naman ay naka-headset na naman tapos pakanta-kanta pa.

"Tingin-tingin mo r'yan?" natatawang tanong ni Lowelyn sa 'kin. Nagpigil na lang ako ng ngiti. Na-realize ko lang naman kasi na baka maging compatible rin sila ng Jake na 'yun, kahit magkaibigan lang.

E', high school pa kaya si Lowelyn, friend na lang muna. "Huwag mong sabihing irereto mo sa 'kin ang stepbrother mong ungas kasi nagmakaawa siya sa 'yo?" Lowelyn rolled her eyes.

Sa gitna ng kalungkutan dulot ng tinginan ng ibang estudyante ay natawa ako sa sinabi niyang 'yun.

"'Bat mo alam?" ako sabay kibit ng balikat habang umuupo sa tabi niya. Umalis naman sina Ytang at Frency at nagpaaalam na mag-bi-baseball muna sandali hangga't 'di pa nagbi-bell.

"Duh," iritadong tugon ni Lowelyn. "Pusa lang ang 'di makakaintindi kung papaano siya tumingin sa 'kin kanina." Sabay nguso pa nito. "Baka akala niya, tanga at inosente ako. Hello? Baka ipakain ko sa kan'ya mga panty ko!"

Napatakip na lang ako sa sariling bibig para maitago ang napakalakas na tawa.

Friendly si Lowelyn sa mga lalaki, kapag nga may nakasalubong na kahit 'di niya kakilala ay makikipag-hand shake siya sa mga 'to. Kaya nga ang iba ay inakalang may saltik siya. At ngayon, nakakapanibago dahil parang gusto niya nang pumatay ng babaero.

"Pero no doubt, guwapo si Jake," may kasamang pang-aasar sa boses ko. "At Engineering Student pa. Matalino sa math. Nice genes na rin, o', bakit papakawalan pa?"

"Ewws," maarte niyang komento. "Siguradong sasaktan lang ako no'n. Basta. Ayaw ko sa matatalino." Nginiwian niya pa ang sarili.

"Joyce," bumaling naman ako kay Joyce. Wala na kasi siyang suot na headset pero nakatulala naman sa hangin. "May nabingwit na si Lowelyn na brilliant genes."

Three Seconds ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon