20

34 17 6
                                    

Nagpatianod na lang ako sa hila niya. Naka-squat kaming dalawa ngayon at pareho ring tahimik.

Ilang minuto ko siyang tinanaw. Marahan at mahina niyang hinilot ang braso ko. Nakatikom ang mga labi niya na para bang nagtitimpi. Ang 'di ko lang talaga maintindihan ngayon ay kung bakit alalang-alala siya sa simpleng sugat na 'to.

"Ano 'yan?" tinig ni Lowelyn ang nagpalingon sa 'kin. Bagaman gabi na at tanging mga disco light lang ang nagsisilbing ilaw ay halata pa rin ang ngisi sa mukha niya. "Nawala lang kami, may ganito na," dagdag niya, at nang-aasar na tinapik ang balikat ko.

"Nasaan 'yung tatlo,?" pagtutukoy ko kina Joyce, Ytang, at Frency kasi wala na sila sa paningin ko ngayon. "'Di ba magkasama kayo?" 

Hindi ko mapigilang hindi mahiya. Sino ba naman ang hindi? May isang lalaki sa harap ko na seryosong hinihilot ang braso ko. Sino ba naman ang hindi ma-o-awkward? I rolled my eyes.

"May pinuntahan, e'," sagot ni Lowelyn at tumabi sa 'kin, nag-squat na rin para magkausap kami nang maayos. "'Di ko namalayan na mag-isa na lang pala ako," malungkot at nag-iinarte niyang ani pero tumawa rin naman kinalaunan.

"Ano'ng ginagawa niyo?" she wickedly asked.

Napapikit na lang ako. Gusto kong sumagot na maski ako ay walang kaalam-alam kung bakit biglaan na lang bumalik ang lalaking 'to.

"Pinagtitinginan na tuloy kayo ng lahat," she whispered.

Kinakabahan akong naglibot ng tingin dahil sa narinig.

My system got shaken the moment I saw the crowd. May ibang abala sa sariling ginagawa pero karamihan ay nakamasid sa 'min. Halata sa mga mata nila na kanina pa nila kami pinagmamasdan.

"Tumayo ka na nga riyan," sabi ko kay Cy. Masyado na 'yung mahina, pero alam kong sapat naman 'yun para marinig niya. "Nakakahiya na."

Pero nang inangatan niya 'ko ng mukha gamit ang inosenteng tingin, parang biglang tumahimik ang mundo ko. Napatikhim ako at napaayos sa pag-upo.

"Ano?" tanong niya na naman, mga kamay ay nakahawak pa rin sa braso ko. "Ano'ng meron?" Ayan na naman ang inosente niyang pagtaas ng kilay.

"Wala," I scoffed. Nakalimutan ko na ang gusto kong gawin dahil sa pagtitig niya sa 'kin. "Huwag mo na lang akong tingnan." I almost begged. Patango-tango naman siyang napangiti sa sinabi ko.

Naramdaman ko ang pagtayo ni Lowelyn, hahanapin daw niya 'yung tatlo na 'yun. Gumaan naman kahit papaano ang loob ko nang mapansin na kaunti na lang ang napapatingin sa 'min.

Mula naman sa malapit, naroon si Hershly, nasa tabi niya 'yung mga brothers slash bodyguards niya. Agad akong nag-alala nang makita ang isang babae sa tabi niya. Gusto ko tuloy'ng tumayo at pumunta sa direksyon nila. Frency.

Hindi ako p'wedeng magkamali. Memorize ko na ang body shape at height niya. 'Di ako maaaring magkamali.

"Okay na 'yan. 'Di na masakit," sabi ko kay Cy. Gusto ko na kasing tumayo para mapuntahan ko na si Frency. Hindi naman 'to mukhang inaapi roon. Ang pinangangambahan ko lang ay naroon si Hershly. Marinig ko pa nga lang ang pangalan ng babae na 'yan, isa lang nag nasa isip ko -- kaguluhan.

"Teka..." bulong ni Cy at saglit akong binalingan. "Alam ba 'to ng parents mo?"

"Oo. S'yempre," I answered, trying to calm myself down. "Pero huwag mo nga akong tingnan!"

Mahina ko siyang natulak, pero lumapit pa rin naman 'to para ipagpatuloy 'yung ginagawa. Papaano ba naman kasi, pasulyap-sulyap siya sa 'kin kada minuto. Hindi ako komportable roon. Parang feeling ko... Maaari akong mamatay sa pagganon-ganon niya.

Three Seconds ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon