mind vs. heart 2

510 9 5
                                    

<-- paki vote. :)

==============================================================================

alden's pov

hindi ko na kaya.

hindi ko na kayang itago kay thea ang lahat ng mga nalalaman ko.

tinignan ko sya sa mata "panung hindi ako malulungkot thea? sa tingin mo ba mahal ka talaga nya?"

binaba nya yung kamay nya mula sa pagkakahaplos sa mukha ko, ngumiti sya.. "sa tingin ko hindi. hindi ko masasabing hindi nya ko minahal noon pa man pero.. tss.. hindi ko pa rin lubos maisip kung pano'ng pinagpalit nya yung mahigit isang taong pinagsamahan namin sa isang babaeng..."

"..."

"sa isang babaeng ngaun nya lang ulit nakita.. i mean, oo may pinagsamahan YATA sila, pero al,"napatingin sya sakin "kulang pa ba yung isang taon??"

"wag mong isipin yan.."

"mali bang magmahal.."

"ang mali mo lang na nagawa eh nainlove ka sa kenneth na yun.. ang mali lang eh nainlove ka sa isang taong walang ibang mahalaga kundi yung kasiyahan nya.."

ngumiti lang ulit sya kahit alam kong hindi na sya masaya.

***

Mar's pov

Maaga ako bumangon kinabukasan kasi gusto ko agad makita si alden. pag nakita ako ni ken at pinigilan ako, makikipag break ako. wala na kong pakialam kung siraan nya ko sa school, bahala sya. wala naman problema dun eh lilipat na lang ako sa ibang college. magsama sama silang mga plastik sa school na yun.

pagkatapos ko maligo dumiretso agad ako sa swings, 7 palang ng umaga. pagdating ko don.. wala akong nadatnan. lumakad ako sa ibang bahagi dun baka sakaling makita ko sya. nang wala pa rin inikot ko na ang resort. wala, wala akong alden na nakita.

dun ko naisipan na bumalik sa cabin. bukas ang pinto ng kwarto nya at..

di ko namalayang lumalakad na pala ang mga paa ko papasok sa kwarto ni alden. di ako makapaniwala sa nakikita ko...

malinis na ang kwarto, wala nang bags, gadgets o kahit anong bakas na may nag stay nga sa kwarto na yun for the past 2 days. ano'ng ibig sabihin nun? na umalis na sya?

dali dali akong lumabas ng kwarto para hanapin ulit sya. paglabas ko di ko inaasahan ang tumambad sa 'kin..

"M-May?!"

kung manggulo man sya, sana wag muna ngaun.

hindi sya nagsasalita.

"Please, May. wag muna ngaun.. kakausapin kita pag nakita ko na'ng hinahanap ko. wag muna ngaun."

"kung gusto mo pang makita si alden, kausapin mo ko"

"H-HA?"

"minsan ko na ring naramdaman ang maloko mar, at ayokong hayaan na lokohin ka pa ni kuya.."

ako naman ang hindi makapagsalita.

"hindi sa ayoko sau mar, pero mas gusto ko si darlene para kay kuya. pero nakita ko rin na mabuti kang tao. yun nga lang.. mas pinili talaga ni kuya si darlene at.. wala akong magagawa don.."

"alam ko yon.." naiiyak na ko. di ko akalaing darating kami sa ganto.

"gusto kong sabihing.. concerned din ako sau.. sis.."

nilapitan ko sya at niyakap.. umiyak ako sa kanya. hindi pala dapat hinuhusgahan ang isang tao lalo na kung di mo pa talaga sya kilala.

niyakap nya rin ako "wag kana umiyak. sigurado akong ayaw ni alden na nakikita kang ganian."

pinunasan ko ang mga luha ko at humarap sa kania "salamat may" nginitian ko sya

ngumiti din sya sa kin "tara na.. aabutan pa natin sya pag umalis na tayo ngaun"

***

sa labas ng cabin may mga nagpeprepare ng isang program. farewell party siguro yon, walang nagbalita sa kin kahapon. nang palabas na kami ni may sa resort--

"where do you think you are going?" si kenneth, naharang nya kami

"hinayaan lang kitang makasama si darlene. hayaan mo na rin akong makasama si alden."

"need i remind you of what i can do?"

"do whatever you want! and by the way, im breaking up with you!" tinalikuran ko na sya pero hinawakan nya ko ng mahigpit sa braso. "Bitiwan mo ko!"

"you. are. going. to stay!"

"ayoko!"

"bitiwan mo na sya kuya!"

"isa ka pa! sinong maysabi sayong tulungan sya? gusto mo bang mawala sau lahat ng kariwasaang nararanasan mo ngayon?!"

hindi nakasagot si may.

"wag mo sya idamay dito!"

"shut up!"

pinagtitinginan na kami ng ibang tao.

"Hey, hey! What the **** is happening here??!" lumapit na rin si darlene. tinignan nya yung pagkakahawak ni ken sa braso ko.

"you already have me kenneth. pabayaan mo na ang babaeng yan!"

tinignan ako ni kenneth. mukang ayaw nya talaga akong paalisin. dahil nadistract sya ni darlene, inalis ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko at tumakbo. sumunod na rin si may sa kin.

"both of you come back here!" galit si ken pero wala na kong pakialam. magsama sila! "i said come back!!"

alden.. sandali na lang.. wait for me, please..

my loverboy ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon