Ngumiti ako nang matamis. "Siguro pagkakataon na rin namin 'to para magkausap 'no?" Naghahalu-halo na ang kaba, takot, saya at kilig sa dibdib ko. "Salamat sa mga payo niyo. Bye muna!"

Kaagad akong bumaba ng hagdan, pero ganoon nalang ang panlulumo ko nang makitang wala naman siya.

Tama naman ang ginawa niya talaga. Hindi ako 'yung tipo ng tao na dapat hintayin. Napatingin naman ako sa isang stick note sa marble table sa gitna. May isang salita na nakasulat dito.

Garden.

"Pasensya na," unang bati ko. Naka-nap 'to sa isang table kaya napahawak ako sa braso niya para masigurong gising pa 'to. "Are you already sleeping?" Nalungkot na naman akong bigla.

"Cy," I call him again. "Bakit ang guwapo rin ng buhok mo?" Napahalakhak ako bago umawang ang mga labi nang makita ang paligid.

To say that the place is romantic is an understatement. From the splendid scents from candles, and the soothing piano music coming from his phone, to the light red curtains dancing in rythmic pattern is enough to put a genuine smile on my face. Bakit siya ganito?

"You come," he mutters and hurriedly stands up. "Sorry for keeping you wait," his words drastically thud my heart in surprise. "Kumain na tayo." Nakita pa niya ang malungkot na ekspresyon sa mukha ko. He is too good to be true.

"Don't worry, this will be the last," he tells me, leaving me to become tongue-tied. "Gusto lang kitang makasama. Ilang taon na rin simula nang 'di tayo nagkita." With that, I gulp, holding back my tears. What does he mean?

Last na 'to?

"Asshole," sadly, the tears I have been trying to hold back gradually fall down to my cheeks. And that alerts him.

"Okay ka lang?" kinakabahang tanong niya at nag-aalinlangang lumapit sa 'kin.

"'Wag mo na 'kong intindihin," bulong ko na lang at tumalikod. "Pumunta lang naman ako rito para sabihing 'wag mo na 'kong hintayin pa. Umuwi ka na at magpahinga na rin." Wala na akong narinig pa na pag-aalinlangan kaya malungkot akong bumalik sa k'warto.

I can't help but to feel mad at myself. I don't know what's gotten into me for saying those words. I was about to have a dinner with him, but since he said that would be the last, I feel hurt, hopelessly hurt. If that's the case, it's better if we just shouldn't talk anymore. Ano namang silbi pa?

I flick my eyes and sit down on my bed. I stare at the ceiling for a long moment. I stand up nevertheless, and proceed to bathroom. But I am taken aback when after I march towards the dining area, I meet Cy's pleading eyes.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" maldita kong tugon at walang awa siyang tiniris sa hangin. Wala naman siyang naisagot, bagkos ay niyaya na akong kumain nalang. "Ano 'yung sinabi mong last na talaga 'yun? Nagbago ba isip mo, a'?"

"Kumain ka na, honey," pagtatawag na naman ni Papa sa 'kin, may kaba sa sariling ngiti. "Nilalamig na ang pagkain."

"Nawalan na 'ko ng gana," masungit kong usal pero kinalaunan ay umupo rin sa isang upuan na nasa pinakadulo. "Huwag kayong mag-alala, 'di naman ako kakain nang marami ngayon. Umm.. Nagdi-dyeta ako."

Nagsimula na ako sa pagkain at panay talaga ang iwas ko para 'di kami magkatinginan. Ayaw kong magutom nang dahil lang sa kaniya. And at the same point, this is my house. 'Di dapat ako ang mag-adjust. Nakakalito rin sina Papa at Auntie. Bakit nila hinayaang isali ang lalaki na 'to rito? E', kailan pa sila naging close? Kailan pa 'yan nasanay na rito kumain?

Don't tell me habang wala ako rito ay siya na ang tinuring nilang anak? Edi, hindi na pala nila ako kailangan, p'wede na pala akong bumalik sa Maynila nito kung ganoon.

"Ang dilim pala sa labas, 'no?" parang timang kong nasabi. "'Di ba ang init-init naman kahapon, bakit bigla na lang dumilim? May bagyo ba?"

Hindi naman sila nakasagot, parang pinoproseso pa ang narinig. Humalukipkip na lang ako sabay inom ng tubig.

"Alright. Pabago-bago na talaga ang panahon ngayon," iritado kong nasabi sabay baling sa lalaking mukhang wala 'atang balak magsalita. "Paiiyakin ka ng ulan, tapos paaasahin ka naman ng araw."

Hindi ko pa nga natatapos ang pagkain sa plato ay magalang akong tumayo at tinalikuran na silang tatlo. Bumalik ako sa k'warto para kunin ang susi ng sariling sasakyan. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na magpaalam sa kanila dahil wala ako sa mood ngayon.

Ganoon na nga lang ang gulat ko nang maramdaman si Cy na tumayo at papunta pa talaga sa direksyon ko. Paspasan akong naglakad. Tumigil ako sandali, pero nang makitang nagpapatuloy pa rin siya sa paglalakad ay napabuntong-hininga ako at walang ganang bumalik sa kusina.

"Gutom pa pala ako," ani ko na lang at umupo sa kanina kong p'westo. "Bakit nga pala nandito ang tao na 'yun? 'Wag niyong sabihin na hanggang buhay na 'yun makikikain dito?" Nag-slice ako ng beef steak at sinubsob kaagad sa bibig ko.

"He is a great help, honey." Nakangiti pa si Papa.

"Akala ko ba ayaw mo sa kaniya?"

"Let's forget those pasts."

"Sana ganiyan na nga lang kadali," marahan kong binaba ang hawak na kutsara. "Dahil nakatatak na ang mga 'yun dito." Sabay turo sa dibdib.

Nag-iwas na lang ako ng tingin. "Mag-e-enroll pa 'ko sa isang University sa Manila through online. Sana'y okay lang sa inyo 'yun."

"Desisyon mo 'yan," boses ni Auntie. Sandali naman akong napabaling sa kaniya. "Kung saan mo gustong mag-aral, susuporta lang kami." Kumunot lang ang noo ko at may naalala.

"Speaking of which, tinanggap ba ni Cy ang scholarship na 'yun?" Napayuko ako kaagad, natatakot na baka makita nila ang emosyon sa mga mata ko. "O sadyang may nagpaaral lang sa kan'ya sa abroad?"

"Hindi ko alam," sagot ni Papa. "Napaka-misteryoso rin ng bata na 'yun na maski mga magulang niya'y 'di rin alam kung papaano n'ya napag-aral ang sarili sa abroad. Pero knowing his grades, marami talagang maghahabol, no doubt na nakapagtapos ng Business Major na may highest degree."

"That's still great. Ang mas mahalaga, successful na siya ngayon." Namungay ang mga mata ko. "Tinanggap niya man ang scholarship o hindi, ang mas mahalaga ay nakapagtapos siya." Marahil ay pinakinggan talaga niya ang sinabi ko noon na tanggapin ang scholarship. Mabuti na lang talaga at 'di niya 'to na-reject. Sayang kasi ang opportunity. At least, okay na ang lahat ngayon.

"Ikaw..." si Papa. Malungkot niya akong tinitigan. "Okay ka na rin ba? Masaya ka ba ngayon?"

Nang dahil doon, napatanong ako sa sarili, tunay na ba talaga akong masaya?

Hindi pa rin, Pa. Masakit pa rin.

"I am fine." Isang beses akong kumurap. "Okay pa rin naman ako."

Tumunog ang phone ko, kaya kinuha ko muna 'to at binasa ang mensahe.
Alanganin ko naman silang binalingan ng tingin, at balik na naman sa cellphone. Malungkot ko 'tong binaba sa tabi ng plato.

"Hindi ko na pala kailangang mag-enroll sa kung saan mang University sa Manila," unang salita ko at pailing-iling na nagbaba ng tingin.

Tinantiya ko muna ang sandali para malaman kung sino sa kanila ang unang rereak at nang walang komomento ay ako na lang ang nagsalita, "I am being invited to work in New Zealand. Naroon ang Main Enterprise ng Publishing na company na pinapasukan ko sa Maynila. Mas malaki ang opportunity roon."

Sumikip ang dibdib ko. Triple ang s'weldo ko roon... Pero triple rin ang layo mula rito.

Kaya ko ba? Kaya ko bang umalis muli?

Three Seconds ✔Where stories live. Discover now