Chapter 7: His Hidden Side

1.7K 103 43
                                    

Sophia's POV

Nagulat ako nang marinig ang mga salitang iyon mula sa student council president slash pinakasupladong sakristan in town. May itinatagong bait rin pala ang taong iyon. Well, maybe I judged him easily dahil sa pagbangga niya sa akin noon na itinanggi naman niya sa akin. 

It's a bit awkward pero nandito kaming dalawa sa likurang bahagi ng school building. I can't imagine sharing this private area of mine with someone else, sa kaniya pa. Well, I have no choice but to stay with him kasi baka isumbong niya ako kayna Sister. After all, nag cut ako ng class at isang salita niya lamang ay malalagot ako. 

Tahimik lamang akong nakaupo at kinakain ang lollipop na ipinaabot niya sa bata kanina habang siya naman ay nakahiga sa damo at isang metro ang layo sa akin. Bagama't hindi naman mainit nang umagang iyon ay pinagpapawisan ako. Marahil ay dulot ng labis na pagkahiya kaya nagkakaganito ako. 

Palihim ko siyang sinusulyapan at nakita kong nakatingin lamang siya sa kalangitan. Napakagwapo nga talaga niya. Nakadagdag sa kagwapuhan niya ang kaniyang mga singkit na mata. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kaniya. Mayamaya ay narinig kong nagsalita siya. 

"Are you done staring at me? If I melt because of your stares, you'll regret it, Pia," wika niya sa akin kung kaya't nanumbalik ako sa aking ulirat. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko naman talaga siya tinititigan ah. Napasulyap lang ako. Nagkataon lang na noong tumingin siya sa gawi ko ay nakatingin ako sa kaniya. 

Atsaka sinong may sabi sa kaniya na tawagin akong Pia? Close na ba kami? Hindi porke naging mabait siya sa akin ngayon ay puwede na niya akong tawagin sa palayaw ko. May kasalanan pa siya sa akin. 

"H-hindi. Napatingin lang ako, no! Assuming ka masiyado, pres," nauutal na sagot ko sa kaniya. Totoo naman 'yon ah. "That's alright. I know I'm handsome. You can stare at my face as long as you want," pagyayabang niya atsaka umupo mula sa kaniyang pagkakahiga. Humarap pa siya sa akin at tila ibinabalandra sa akin ang mukha niya. 

Napasinghap na lamang ako at napanganga dahil sa hindi ko akalaing sa likod ng masungit niyang ugali ay may itinatago din siyang yabang."Ubod na nga ng sungit, ubod pa ng yabang," bulong ko sa sarili ko. 

"Care to share your thoughts? I saw you running that's why I followed you here. I found a high school student crying at the back of a school building and I asked a kid to give her comfort," wika niya sa akin. 

Hindi ko akalain na susundan niya ako dito. He should have let me go and ignore my presence. Nakapag cutting pa tuloy kami parehas. Wala sana kami parehas sa lugar na ito at pinagtatyagaan ang presensya ng isa't isa. 

"Just family stuffs," maikling tugon ko sa kaniya. I don't want to share my problem to him dahil una sa lahat, hindi kami close atsaka hindi pa ako komportableng iopen up ang problema ko sa kaniya. 

"Whoah! That's new. The perfect family in town do have a problem?" sarkastikong sagot niya sa akin. Hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi niya pero mukhang pagsisisihan kong inopen ko sa kaniya ang bagay na ito.

"Well, you don't know my family. Just like yours, we still experienced things like that. After all, there's no thing such as perfect family," sagot ko sa kaniya atsaka akmang aalis na dahil medyo naiirita na ako sa kaniya. Naiirita ako kapag naririnig kong iniisip ng iba na napakaperpekto ng pamilyang kinabibilangan ko dahil alam kong hindi naman iyon totoo.

Nakakailang hakbang pa lamang ako nang muli kong marinig ang boses niya. Hindi kagaya kanina na bakas sa tono niya ang pagyayabang, naging malungkot ang boses niya. "I don't have any family member. I'm an orphan. I grew without knowing any of my parent's identity," wika niya sa akin atsaka tuluyang naglakad palayo. 

I was left there dumbfounded. Hindi ko inexpect ang sagot niyang iyon. Pakiramdam ko ay nasaktan siya dahil doon. Naguilty tuloy ako. I never knew that thing. Naging insensitive ako dahil sa emosyon ko. Ngayon, nahawa pa tuloy siya sa kalungkutan ko. Siya na nga ang nagmamagandang loob kanina, ganoon pa ang isinukli ko sa kaniya. 

Ang tanga mo, Sophia!

Nang makabalik ako sa classroom ay siya agad ang unang hinanap ng aking mga mata. Nakita ko siya sa kaniyang nakasanayang upuan, sa harap ng blackboard habang nagbabasa ng libro. Napansin niyang pumasok ako kaya bahagya niyang ibinaba ang hawak na libro atsaka tiningnan ako nang saglit. 

Nagbalik na siya sa usual self niya. Tila hindi siya ang lalaking kasama ko kanina. Ibang Ephraim ang kaharap ko kanina kumpara sa Ephraim na kasama ko sa silid na ito. Nagbalik na ang kaniyang nakakunot na noo at ang supladong aura niya ay bumabalot sa loob ng silid-aralan. 

Paano ba ako makakabawi sa kaniya? Pakiramdam ko ay malungkot pa rin siya. Bagama't nakabalandra sa harapan namin ang masungit na Ephraim ay hindi naitatago ng kaniyang mga mata ang kalungkutang nadarama niya. 

Pasimple akong umalis sa classroom atsaka nagdiretso sa canteen upang bumili ng pagkain. Nagutom ako dahil hindi ako nakapag recess atsaka balak ko siyang bigyan ng peace offering. Hindi kaya ng konsensya ko na magpasawalang bahala lamang. 

Wala pang limang minuto ay nakabalik na agad ako sa classroom. Bitbit ang binili kong isang energy drink, nagtungo akong diretso sa kaniyang kinauupuan. Ipinatong ko sa ibabaw ng desk niya ang energy drink atsaka bumalik ako sa upuan ko. 

Nagulat siya dahil sa ginawa ko. Ibinaba niya ang librong kaniyang hawak atsaka ibinaling ang tingin sa binigay ko atsaka tumingin sa akin. May note naman akong idinikit sa bote. Sapat na iyon. Nahihiya pa rin ako sa kaniya. 

Alam kong nagtataka ang mga kaklase ko dahil sa ginawa ko ngunit hindi ko na lamang pinansin ang mga bulung-bulungan sa paligid. Isinubsob ko na lamang ang aking mukha sa desk ko atsaka hinayaang lumipas ang oras. 

Itutuloy...

Get Yourself a SakristanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon