Chapter 3: Ang Liit... ng Mundo!

1.8K 106 134
                                    

Sophia's POV

"And that's the end of the story," nakataas ang kilay kong kuwento kay Ayessa at Hazel habang naglalakad kami papunta sa flag pole ngayong umaga. Yes, I'm a Grade 10 student at nag-aaral ako sa isang Catholic school kasama ang mga kaibigan ko. 

Isang malaking Catholic School sa probinsiya namin ang eskuwelahang ito at sobrang hassle talaga kapag nagsisimula na ang flag ceremony. Andaming estudyante ang halos magtulakan na sa pila. Imagine, from elementary to senior high students, kasama mo sa pila. 

Eh halos isang grade level dito, may anim na section with almost 40 students each. Well, don't ask me kung anong section ako. Kaming tatlo ng mga kaibigan ko ay nasa lowest section. Pero don't judge us, kagaya nga ng kasabihan, Grades don't define who we are. Ang mahalaga, wala kaming bagsak. Well, sa Math muntikan na pero atleast nakakuha kami ng tumataginting na 75.  

Nakakastress lang kasi kahit umaga pa lang at magsisimula pa lang ang araw, may mga amoy araw na agad. May mga estudyante na napaka hygienic kagaya naming tatlo at mayroon din namang nagbaon ng tinapay na putok at sa kili-kili nila naisipang itago. Naisipan na naming sa likurang parte pumila para maiwasan ang mga maalinsangang amoy sa umagang ito. 

Ilang minuto na lamang nang pinaayos na nina Sister ang mga estudyanteng nakapila. If you think that Catholic school student's were sobrang mababait at masunurin, think twice. We are the living proof that it is a lie. Kita naman sa pila pa lang. Sa likod nakapila ang mga feeling matangkad na estudyante kahit 5 flat lang naman ang height. 

"So, ayon na nga. As I was saying, nasira 'yong pouch ko dahil sa pagbato ko sa sakristang 'yon. Akala mo kung sinong gwapo. Suplado naman atsaka kung makatitig, argghhh!" Habang gigil na gigil ako sa pagkukuwento sa mga kaibigan ko, hindi ko namalayan na medyo napataas na pala ang tono ng pananalita ko. 

Nangibabaw pa ang boses ko sa nagmomorning prayer sa unahan. Lahat tuloy ng mga estudyante, pati na rin sina Sister ay nakatingin sa akin. Napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan at nang lingunin ko ang mga kaibigan ko, medyo lumayo sila sa akin para hindi madamay sa kahihiyang kinasasadlakan ko. 

Hanggang ngayon talaga ay kamalasan ang dala sa akin ng lalaking iyon. Huwag na huwag ko lang siya ulit makita dahil handa akong ibato sa kaniya itong bagpack ko. Nagkagasgas na nga ang tuhod ko, nasira pa 'yong pouch ko kahapon nang dahil sa kaniya. 

~~~

"Bakit niyo naman ako iniwan kanina, mga slapsoil!" nanggigigil na sigaw ko kayna Ayessa at Hazel. Silang dalawa naman ay hindi mapigil sa kakatawa habang umaakyat kami sa hagdan papunta sa classroom namin. 

"Eh kasi naman, Pia. Nakakahiya talaga 'yong ginawa mo kanina. Nandoon lang sa gilid natin si Albert. Ano na lang sasabihin sa akin ng boyfriend ko kung mapapahiya ako kasama mo," pabebeng sagot ni Hazel sa akin. Isang malakas na hampas naman ang napala niya sa akin dahil sa sagot niya. 

"Ah, talaga. Eh 'di doon ka na sa boyfriend mo! Huwag na huwag kang tutulad ng assignment sa akin ha," sagot ko kay Hazel ngunit isang malakas na tawa ang tugon niya sa akin. 

"Hindi talaga. Last time na tumulad kami sa assignment mo, bumagsak tayong tatlo!" buwelta sa akin ni Hazel atsaka umapir pa kay Ayessa habang tumatawa. Kabagin sana silang dalawa kakatawa. 

I'm about to hit Hazel's arm again nang magtago siya sa likuran ni Ayessa. "Ayessa oh, nananakit. Ang sakit na ng braso ko," nag-iinarteng sumbong ni Hazel. Aba't nagsumbong pa nga. Huwag siyang gaganyan-ganyan sa akin, baka sa kaniya ko maibuhos ang emosyon ko dahil sa problema sa bahay atsaka sa sakristang iyon. 

"Oh, tama na 'yan. May nagkaklase na sa ibang room, oh. Baka mapagalitan tayo," saway sa amin ni Ayessa. Sa aming magkakaibigan, si Ayessa ang tigasaway, si Hazel ang pabebeng maingay, at ako? Wala. Maganda lang!

Get Yourself a SakristanWhere stories live. Discover now