Chapter 6: The Comfort of a Sacristan

1.3K 96 38
                                    

Sophia's POV

"Bakit ang baba ng grades mo? Puro ka lakwatsa kaya ganiyan. Isipin mo naman ang ginagastos namin para makapag-aral ka. Wala ka nang ginawang tama." 

'Yan ang pabaon sa akin ni Mama bago ako umalis ng bahay para pumasok. Nagrelease na kasi ng report cards kahapon at hindi siya natuwa sa markang nakuha ko. It was a bit higher than my grades last sem pero hindi pa rin 'yon sapat sa kaniya. 

She wants to raise me into a perfect daughter na puwedeng ipagmalaki sa lahat pero nakakasakal na. I am trying my best to meet her expectations pero hanggang doon lang ang kaya ko. She wants me to be the best for her to be proud of me. Wala akong magawa dahil gusto kong maging proud naman siya sa akin kahit minsan. 

Lumabas ako ng gate nang umiiyak. Hindi umuwi si Papa kagabi kaya wala akong kakampi sa bahay. Nagovernight naman si Kuya Nick sa kaibigan niya kaya simula noong makauwi kami kahapon after makuha ang report card ko hanggang ngayon, puro sermon ang inabot ko sa kaniya. 

"Puro ka na lang kasi selpon. Puro ka drawing, hindi ka naman magaling. Anong mapapala mo sa kakadrawing mo? You should become a lawyer or an accountant. Something na maipagmamalaki. Something professional." 

That's what she said to me as she crumpled every piece of my artwork sa kwarto ko. Lahat ng art materials ko ay kinumpiska niya at sinunog sa likuran ng bahay namin. Hindi naman ako humingi sa kanila ng pinambili ko doon. Sariling pera ko mula sa mga art commission ang ginamit ko para mabili 'yon. 

Now, I'm watching all of those as they started to burn and turn into ashes. Nakakapanghinang makita iyon. Nanlalambot ang tuhod ko. Ayos lang naman sa akin na pagsabihan niya ako nang paulit-ulit pero what she did was really heartbreaking. Gusto kong sumagot pero ayoko na palalain ang sitwasyon. In the end, hindi rin naman niya pakikinggan ang sasabihin ko. 

This is what I want to do, 'Ma. Dito ako masaya. Sana naman maging masaya kayo para sa akin kahit minsan. Kahit minsan lang...

"Miss, nandito na po tayo," wika sa akin ng driver ng sinakyan kong trike. Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa school. Alam kong maga ang mga mata ko kaya bago tuluyang bumaba ay pinunasan ko ang aking mukha gamit ang towel ko. May mga mata si Mama sa school. Kapag nakarating sa kaniya na pumasok ako sa school nang ganito, mas lalong magkakagulo sa bahay. 

Nakangiti akong pumasok sa gate ng school na iyon. Malapad ang ngiti kong hinarap ang lahat ng makakasalubong ko na para bang hindi ako nanggaling sa pag-iyak kanina. 

Suot ko na naman ang maskarang ito. Kailangan kong ipakita sa lahat na ako si Sophia na kilala nila bilang masigla at masiyahin. Kahit sa loob ng maskarang ito, nagtatago ang Sophia na dahan-dahan nang nadudurog at hindi alam kung paano muling bubuuin ang sarili niya. 

Nang makarating ako sa loob ng classroom ay hinanap ko agad ang mga kaibigan ko. Sila na lang ang masasandalan ko sa mga oras na ito. mabigat ang maskarang suot ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin na magpanggap na masaya sa harap nila. Pagod na rin ako. 

"Ayessa! Hazel!" sigaw ko sa kanila noong nasa pinto pa lamang ako ng classroom namin ngunit parang wala silang narinig. Si Hazel ay may kausap sa kaniyang cellphone habang si Ayessa naman ay may kausap na kaklase namin. Ngumiti pa rin ako atsaka umupo sa aking upuan. Mukhang busy sila kaya mangungulit na lamang ako. 

Una kong nilapitan si Ayessa na nakaupo sa may blackboard at kausap si Jeffrey, ang class president namin. "Ayessa! Puwede kang makausap kahit saglit? May sasabihin sana ako," wika ko sa kaniya atsaka tila isang batang naglalambing habang nakakapit sa braso niya. 

"Mamaya na, Pia. Please. Importante itong pinag-uusapan namin. Sige na, balik ka na doon. Marami pa kaming gagawin ni Jeffrey," sagot sa akin ni Ayessa. Nalungkot ako dahil sa sagot niya ngunit nakangiti pa rin akong bumalik sa upuan ko. Muli kong tiningnan si Ayessa na masayang nakikipag-usap kay Jeffrey. 

Dahil mukhang busy nga si Ayessa ay ibinaling ko ang tingin ko kay Hazel na nakaupo sa may bintana habang nakikipag-usap sa telepono. Lumapit ako sa kaniya upang kulitin siya. Kinudit ko siya ngunit tumingin lamang siya sa akin nang saglit atsaka nagpatuloy sa pakikipag-usap sa kaniyang boyfriend sa telepono. 

"Hazel, puwede ka bang makausap? May nangyari kasi sa bahay. Si mama kasi..." Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil agad din siyang nagsalita upang putulin ang sasabihin ko. 

"Ano pa bang bago? Lagi namang ganiyan ang mama mo. Okay lang 'yan. Parang hindi ka naman sanay. Sige na, tawagan ko na ulit si boyfie. Pinutol mo kilig ko kanina eh," wika ni Hazel sa akin. 

Doon na tuluyang bumigay ang mga mata ko. Sila na lang ang mga taong inaasahan kong masasandalan ko pero mukhang nagkamali ako. Busy sila parehas. I have no one to share my problems. Noong namatay ang mama ni Ayessa, I was there for her. Noong iniwan at niloko si Hazel ng ex niya, I was there. Pero ngayong ako ang may problema, where are they? 

Napansin ni Hazel na tumulo ang luha ko. Magsasalita pa lamang siya ngunit agad ko na siyang inunahan. "Napuwing ako, potek! Sige na, kausapin mo na jowa mo. Yiiieee! Sana all may jowa."

Pinilit kong ngumiti at pinigilan kong mag utal-utal habang sinasabi ang mga salitang iyan. nag finger heart pa ako sa kaniya bago tuluyang tumakbo palabas ng classroom. Isang lugar lang ang naisip kong puntahan sa mga oras na ito, ang likurang bahagi ng school. 

Doon ako palagi pumupunta kapag kailangan kong mapag-isa o mag isip-isip. Tahimik ang lugar na iyon at nagagawa kong umiyak kapag gusto ko. Malayo iyon sa mga tao. It serves as my escape. It's my favorite part of the campus. 

Umupo ako doon atsaka kumuha ako ng ballpen at isang piraso ng papel sa loob ng bag ko. Habang umiiyak ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko, nagsimula akong magdrawing. Drinawing ko ang isang paru-paro na kanina pa lumilipad sa harap ko. 

If only I'm free as this butterfly, I can do everything I want. Sana naging paru-paro na lang ako. 

Mayamaya ay may kumudlit mula sa likuran ko. Nagulat ako dahil wala namang tao dito kanina. Nag-iisa lamang ako dito ngunit bakit may isang cute na batang lalaki sa harapan ko. Base sa suot niyang uniform, elementary pa lamang ang batang iyon. Paano 'to napadpad sa likuran ng school building? 

"Ate, huwag ka nang malungkot. Ito oh, lollipop para hindi ka na malungkot," wika ng bata atsaka ako niyakap nang mahigpit. Hindi pa man ako nagpapasalamat ay tumakbo na palayo ang bata. 

Naisipan ko siyang sundan ngunit mabilis ang takbo ng bata. Pinilit ko siyang habulin at sinundan ko siya sa likuran ng isang puno kung saan siya pumunta. Palapit pa lamang ako sa puno nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Did you gave her the lollipop? Do you hug her tight just like I told you?" tanong nito sa bata. Masigla namang sumagot ang bata. "Yes po, Kuya Ephraim. She's crying when I see her. She's sad kaya I hugged her tight." Napangiti ako dahil sa nasaksihan ko. I never thought he would do a thing. Kahit papaano pala ay mabait 'tong supladong 'to. Hindi lang halata. 

Tumalikod ako at nagsimula nang maglakad pabalik ng classroom dahil kanina pa nagsisimula ang klase. Hindi rin dapat ako makita ni Ephraim na nasa likuran ng punong ito kaya nagtago ako sa likuran ng matataas na halaman. Papaunahin ko muna siyang makabalik atsaka ako susunod. 

Ilang sandali pa ay umalis na ang bata at muling nagsalita si Ephraim. "Stop hiding in the bush. I can see your skirt." Nahihiya naman akong tumayo atsaka nakayuko akong sumagot sa kaniya. "Sorry," nahihiyang wika ko bago tuluyang maglakad pabalik sa classroom. 

Nakakahiya ka, Sophia! 

Nakakailang hakbang pa lamang ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya na nakakapit sa braso ko. Natigilan ako sa paglalakad. Nakayuko pa rin ako all this time. Siguro ay naghihintay siyang magpasalamat ako sa kaniya. Oo, baka iyon nga ang hinihintay niya.

"S-salamat, pres. B-babalik na po ako sa classroom," nauutal na sagot ko sa kaniya atsaka muling naglakad palayo ngunit mas lalong humigpit ang kapit niya sa braso ko. 

"Let's stay here for a while. You don't have to come back there now. Cry as hard as you can. Ubusin mo muna 'yang lollipop ko."

Itutuloy...

Get Yourself a SakristanWhere stories live. Discover now