Much better kung nakatulog na si Ella para magawa ko na yung plano ko sa kanya.

Joke lang syempre. Pero sa susunod, iinform ko kayo.

Ilang minuto ang nakalipas and we're already here in our unit. You know, I really like driving at night dahil feel na feel ko. Idagdag pang walang masyadong sasakyan kaya hindi traffic.

Pasipol-sipol pa akong naglalakad habang buhat-buhat si Ella. Katulad nga nang sinabi ko sa inyo, nakatulog na sya. She looks exhausted. I really hope na nag-enjoy sya today kasama ako.

My eyes widen in shock nang makita kung ano ang nasa labas ng unit namin.

Oh my gash!

Hindi ko maiwasang maexcite dahil finally, dumating na rin yung inorder ko sa Lazada. Infairness, ang bilis maideliver ha. Parang kakacheck-out ko lang nun nung isang araw eh.

If you guys are thinking kung ano man yung inorder ko, well... gamit sya sa kitchen or most especifically sa pagbebake.

Medyo nahook kasi ako nitong mga nakaraang araw sa baking. I can't wait na magbake. Of course, sa sarili ko muna iyon ipapatikim then sunod kay Ella.

Kapag kaya o na, I'll make brownies. Alam kong favorite ni Wifey ko yun. Paniguradong matutuwa sya.

I quickly opened the door of my unit at kinuha na ang aking order. After that ay dumiretso na ako sa room naming dalawa. Dahan-dahan kong ibinaba si Ella sa kama. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang cute nya kasi.

I kissed her forehead first bago tuluyang lumabas. Well, hahayaan ko na muna si Ella sa loob.

Suddenly, nakarinig ako ng sunod-sunod na pagdoorbell mula sa aking unit.

Hindi ko maiwasang magtaka. Hmm... Sino naman kaya yun at gantong oras pa pumunta rito samin?

I heaved a sigh first bago nagtungo muli sa harapan ng pinto. Hindi ko naman malalaman kung hindi ko bubuksan.

Pero siguro yung sa Lazada yun. May kulang pa kasi sa inorder ko eh. Baka binalikan.

Automatic na nanlaki ang aking mata nang makita kung sino ang nakatayo sa labas ng unit namin.

"T-Tito, Tita." Nauutal kong turan. They just smiled at me.

"Kamusta na iha? Ang laki mo na ah." Tita said and giggled. "Parang kelan lang nung nag-aaway pa kayo ni Ella."

"Ganon talaga, hon. Mabilis lang talaga ang panahon." Tito said at sabay naman silang napatawa. Tama nga naman silang dalawa.

While me, I felt stunned. Gosh. They are Ella's parents! Wala akong kaide-ideya na pupunta sila ngayon dito.

Nasapo ko bigla ang aking noo. Umaayos ka Erin. Future in-law mo ang kaharap mo ngayon. Bawal kang magpakabad-vibes sa kanila.

I composed myself first. "Pasok po kayo sa loob Tito, Tita." At binuksan nang maayos ang siwang ng pintuan.

They quickly followed me. Iginaya ko sila sa living room.

"Feel at home po. Wag kayong mahiya." Syempre, dapat feeling close na tayo para approve na kaagad.

"Wow. I love your unit, iha. Nakakarelax ang ambiance nya."

"Thank you po." That's the least that I can say.

I bit my lips. Feel na feel ko yung compliment sa akin ni Tita. Plus one na agad.

"Iha, nasaan nga pala si Ella? Hindi ko kasi sya nakikita. Miss ko na ang baby namin." Tito said.

"Ahm... Tito, she's asleep right now. Mukha pong napagod sya sa ginawa namin." Nakangiti kong turan sa kanila.

Suddenly, I saw how their expression changes. Halatang gulat na gulat sila. Wait. May nasabi ba akong mali?

Ilang segundo lang ang nakakalipas nang sumilay naman ang mapaglarong ngisi sa kanilang labi. Bakit naman kaya?

"Can I see her? Baka naman kasi pinagod mo sya ng husto." Tita said.

"Medyo napangod nga po talaga sya." I said and I heard they both gasped. Mygoodness. Ano bang meron ha?

Napailing na lang ako sa kawalan at iginaya sila sa room naming dalawa.

"Ayan po si Ella oh." At itinuro ang babaeng napakahimbing na ng tulog ngayon.

"Wait. I thought—— Aish. Ano bang ginawa nyo, iha?"

"Namasyal po kaming dalawa sa theme park then nanood po kami ng concert for her birthday." Simple kong turan. "May iba pa po ba kayong naiisip?"

Umiling sila bilang sagot. "Ah... Eh... Wala na iha. Tara balik na tayo roon. Baka maistorbo natin si Ella. Alam mo na, baka mabeast-mode."

I nodded at them.

"So... kamusta naman ang anak namin, iha?"

"Okay lang naman po. Mabait sya." Parang gusto kong kilabutan dun sa sinabi ko. Gosh.

"That's good to hear. Tell me, may boyfriend na ba si Ella?" Tito asked.

"Asawa po mero—— este wala pa po. Single po ang anak nyo." I said. I mentally slapped myself. Hay nako. Muntik na ako roon.

"I'm really thankful na pinatuloy mo sya rito, Erin sweetie." Tita said.

"Wala po yun. Kahit kelan ay welcome po sya rito." I said and smiled at them.

"I have a good news for you.."

"We'll get her tomorrow morning."

_____//_____

Hindi pa tumutunog ang alarm clock ko pero kanina pa ako gising. May pasok na uli ngayon.

Dahan-dahan akong bumangon. Damn. I must admit it. Talagang miss ko na si wifey ko kahit na ilang araw pa lang naman ang nakakalipas nung umalis sya dito.

Yeah, right. Tama kayo nang pagkakabasa. Andon na uli sya sa house nila.

Ugh. Ayoko na ngang isipin pa. Mas lalo ko kasing namimiss si Ella.

I composed myself first at niready ang aking sarili for school. I need to get going para na rin makita ko na sya hihi.

I quickly took a bath at nag-ayos na. It only took a minute hanggang sa matapos ako.

Mygoodness. Ang cute ko talaga.

I bidded my goodbye first sa mga babies namin bago tuluyang lumabas. I quickly make my way to the parking lot at nagsimula nang magdrive.

Excited na akong makita si Ella. Ganto ba talaga kapag inlove? Ugh. Hindi ko kasi alam.

Ilang minuto lang ang nakalipas and I'm already here. Ipinark ko muna ang aking sasakyan at nagsimula nang maglakad.

Automatic na napangiti ako nang makita si Ella. Asdfghjkl! She's really gorgeous.

I was about to go to her direction when I noticed that there's a guy beside her.

Hindi ko maiwasang mapataas-kilay katulad nung ginagawa nya sa akin dati.

Sino naman kaya ang isang ito? At may padala-dala pa sya ng bag ng wifey ko.

I don't know why pero parang naiirita ako bigla dahil sa aking nakikita. This feeling is new to me.

Sayang. Crush ko na sana si kuya kaso mukhang kaagaw ko sya kay Ella.

Pero of course, magpapatalo ba ako? Hindi pwede yun sa mga cute na katulad ko. Hmp. Never.

_____//_____

Your wish is my command mwehehehe.

Edited.

University Series : Ella Claire Fuentes जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें