CHAPTER 22: BUNNY COSTUME

Depuis le début
                                    

"Thank you , Ms.ICE." Tinanguan ko lang ito then i gave her a look saying : Your welcome.

Itinuloy ko ang ginagawa ko kaninang paghahanap kay Timothy, i walked to the garden, para tignan kung nandoon siya. Pero wala parin akong nakitang Timothy. Naupo nalang muna ako sa isang bench na malapit sa'kin para magpahinga saglit. Wala pang limang minuto nang bigla nalang may tumalon sa harap ko na para bang nanggaling pa ito sa mataas na lugar.

"Pusang Manok naman!" Napatayo ako at tsaka ako napahawak sa dibdib ko. Para akong iniwan ng kaluluwa ko ng limang segundo dahil sa gulat.

"Hmmm?" He tilted his head and smirk.

"Anong Hmmm mo diyan?!"

"Kelan pa nagkaroon ng Pusang Manok?"
Napapikit ako ng dalawang beses dahil sa naitanong sa akin ni Timothy.

"At saan mo naman 'yon narinig?" Nakangisi kong sabi.

"Kinakalawang na ba 'yang utak mo?" Natatawa nitong tanong sa akin. Napaatras ako nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "WHAT ARE YOU DOIN' HERE? Namimiss mo na naman ba ako?"

"Ano na naman bangㅡ" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa biglang paghila ni Timothy sa kwelyo ko tsaka niya marahang inilapat ang kanyang labi sa labi ko. I can't explain how I feel right now!Gusto kong sumigaw, dahil sa saya! Gusto ko siyang itulak dahil sa inis! Pero hindi ko magawa! Isa lang ang pumasok sa isip ko ngayon, I miss the smell and softness of his lips. Marahan kong naipikit ang aking mga mata hanggang sa hindi ko namalayang nakikisabay na ako sa paggalaw. Ilang minuto ang lumipas , marahan niyang inilayo ang mukha niya sa mukha ko then he smiles at me and pat my head.

"What are you doing here?" Tanong niya sa akin.

"G-Gusto kong sabihin na Thank you , nalaman ko kay Astrid ang tungkol doon at Susubukan kongㅡ"

"Wag mong subukan , gawin mo"

"Fine" Nakanguso kong sabi.

"Paano ba yan...Mauna na ako" He said at tumalikod na sakin. "Pati ba naman sa bagay na 'yon hindi ka din magaling , Ms.Second Placer?" Naestatwa ako dahil doon sa sinabi niya bago siya tuluyang lumabas ng garden.

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi.
"Kahit kailan ka talaga Timothyyyyyy!" Inis kong sabi sa isip ko.

Nang nagsi-uwian na kami, dali dali akong sumakay sa Tricycle para pumunta sa Café kung saan ako nagtatrabaho. Nakangiti akong binati ng aming Manager at ng katrabaho kong si Jia, Amber at Giselle. Pagkapasok ko sa Dressing room para magpalit na ng Maid outfit napansin ko ang isang malaking box sa gilid kaya dali dali akong nagpalit at lumabas para tanungin si Manager Rica. "Manager Riri? Para saan po yung box na nandoon sa Dressing room?" Tanong ko dito.

"Oo nga pala , Hindi ko pa pala nasasabi sa'yo ang tungkol sa bagay na 'yon"

"Tungkol po saan?"

"May nagpa-service sa atin for the first time at sa Weekend na 'yon mismo gaganapin" Excited na sabi ni Manager Rica sa akin. "Sa wakas unti-unti nang nakikilala ang Maid Café ko" Napangiti ako ng pilit matapos kong malaman ang tungkol doon.

"Isa ka sa napili kong pupunta para tumulong sa akin, don't worry sagot ko lahat ng gastusin! Nagpagawa na ako agad ng costume natin dahil ang napili kong theme ay Easter Bunny !" Nakangiting sabi ulit ni Manager Rica. Parang nanlambot ang tuhod ko matapos ko 'yong marinig.

THE S CLASS PROJECTOù les histoires vivent. Découvrez maintenant