"I'm sorry..." marahang sambit niya.

"I'm sorry rin" sagot ko. Kumunot ang noo niya.

"Sorry for?"

Matagal akong napatitig kay Eroz. Kahit mapupungay ang kanyang mga mata ay alam ko pa din sa sarili kong kailangan kong mag sorry sa kanya. I don't know the particular reason for it, basta ay gusto ko lang ding magsorry. Kaya naman sa huli ay nagkibit balikat na lamang ako.

"Wala kang kasalanan sa akin" pahabol niya. Ramdam ko ang pinaghalong pagod at lungkot sa kanyang boses. Kahit sinabi na iyon ni Eroz, pakiramdam ko ay mayroon pa din. Siguro soon, maiintindihan ko din at malalaman ko kung para saan yung sorry ko sa kanya.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang siya na ang bumasag nuon.

"May sasabihin ako sayong secret" pagpapagaan niya ng mood naming dalawa.

Hindi ko alam pero bigla akong nabuhayan ng loob. "Ano?" kaagad na tanong ko. Secret from Eroz? It's like a suntok sa buwan.

Kita ko ang pagkamangha niya sa naging reaction ko. Mukha siguro akong chismosa na excited sa chismis.

"Chismosa" sabi niya na ikinahaba ng nguso ko.

"No, I'm just curious!" giit ko. Mas lalong tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.

"Palagi ka namang curious" sabi pa niya kaya naman hindi na ako umimik pa.

Hindi nanaman ako nakagalaw ng dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa aking tenga para bumulong. Pag talaga secret, kailangang ibulong?

Halos makiliti ako dahil sa hininga niyang tumatama sa aking tenga. Pero nawala ang lahat ng iyon ng marinig ko ang kanyang sinabi.

"For real? Pumayag si Tita Afrit?" gulat na paninigurado ko sa kanya. Gulat and at the same time masaya ako ng malamang pumayag si Tita na ligawan ulit siya ni Tito Darren.

Tipid na tumango si Eroz. Nanatili ang titig niya sa akin na para bang gustong gusto niyang panuorin ang ekspresyon ng aking mukha.

Napanguso ako, gusto kong maiyak sa tuwa. I'm really rooting for them for years. Tumigil lang ng dumating si Tita Luna, syempre as respect for her. Kahit naman ngayon na wala na siya. We still respect her. But I guess, two years is enough.

Dahil sa nalaman ay maaga akong pumunta kay Tita Afrit kinaumagahan. Kung secret nga iyon, mapapahamak si Eroz pag nalaman ni Tita Afrit na alam ko na. Pero bakit kailangang gawin secret?

"Ang Tito Darren mo, ang daldal" pamomorblema ni Tita Afrit. Hindi ko pinansin iyon, nanatili ang ngiti ko habang nakikinig sa kanya.

"Si Eroz po ang nagsabi sa akin" pagamin ko. Naningkit ang kanyang mga mata.

"Si Eroz pala ang papagalitan ko" sabi niya at sandaling napatigil ng may pumasok. "Oh ayan na pala si Eroz..."

Bigla akong kinabahan. Umamin lang naman ako, pero I can't deny the fact na nilaglag ko si Eroz. Hindi talaga ako pwedeng chismosa.

Nagtaas siya ng kilay sa akin kaya naman nagiwas ako ng tingin. Nilapitan siya ni Tita Afrit kaya naman mariin akong napapikit. Nang muli ko silang nilingon ay nakita ko kaagad ang paninitig ni Eroz sa akin habang nakikinig sa sinasabi ni Tita Afrit. Lagot nanaman ako nito.

Napaayos ako ng upo ng mapansin kong naglakad na siya palapit sa akin. "Ang daldal talaga" nakangising sabi niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko. "Hindi ka galit sa akin?"

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now