"Ow, owkie po." Saka ito lumapit ulit sa kanya at nagpakarga. Alam niyang inaantok pa ang anak dahil maaga itong nagising kanina.

Tumingin siya sa asawa niya. "Inaantok pa siya, maaga kaming nagising kanina para pumunta dito."

Hinaplos ni Marco ang kanyang mukha. "I can check him up kahit tulog siya baby. Pero mas maganda kung matutulog siya sa isang komportabling higaan. Come." Pag-aaya ng asawa sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya. "Saan? Sa patient's bed?" Iyon lang kasi ang nakita niyang komportabling higaan sa loob ng opisina nito maliban sa sofa na naroon din.

Bahagyang natawa si Marco sa kanya. "Silly. What I mean is, sa condo. Natin." Kumindat pa ang asawa niya sa kanya. "What's mine is yours baby.. Let's go?" Kinuha nito sa kanya si First at ito na ang nagkarga sa anak nila.

Paglabas nila ng opisina ay pinagtitinginan sila ng mga empleyedo. From nurses to doctors. Pati na din ang ibang mga tao na hindi empleyedo sa hospital.

"Don't mind them." Ani Marco sa kanya saka hinawakan nito nang mahigit ang kanyang kamay gamit ang malayang kamay nito.

Bahagya tuloy siyang natawa at tiningala ang asawa. "Marco, hindi naman ako lalayo e, kung makakapit ka naman dyan.."

"Just let me hold you my wife." Mariing sambit nito.

Napangiti siya sa asawa at ganun din ito sa kanya. Magkahawak-kamay nilang tinahak ang daan patungo sa kanilang sasakyan.




THADEI was amazed when he saw the condo unit.

Marco's  condo shouts for simplicity and elegance. The walls has a combination of black and gray color. Pero maaliwalas tingnan. And Thadei likes it— no, scratch that. She loves it! 

Tumingala siya sa taas ng living room at napanganga siya nang makita ang chandelier sa kisame.

Wow!  Naisambit niya sa isipan niya.

Sumunod siya kay Marco nang makita itong pumasok sa isang kwarto. Literal na napanganga siya nang masilayan ang kabuuan ng silid.

It has a baby blue colored walls at ang kisame non ay may nakapintang mga ulap. Madami din ang laruan na hindi pa nabubuksan at pawang naka-sealed pa.

"Marco..." Anas niya sa pangalan ng asawa.

Inilapag muna nito si First sa kama na naroon na ang design ng headboard ay parang isang korona. Saka lumapit sa kanya ang asawa at masuyo siyang kinabig nito.

Tinungo nila ang living room at umupo sila sa long sofa na naroon. Hinayaan lang nilang nakabukas ang pintuan ng kwarto ni First dahil iyon ang nakasanayan niya.

For seconds, magkayakap lang silang dalawa at walang may gustong bumasag ng katahimikan na nadarama nila.

"God knows how much I'm longing for you baby.. Pinagsisihan ko ang pagsisinungaling na nagawa ko sayo.. Sana nandoon ako para protektahan ka.." Madamdaming sambit nito sa kanya.

Ikinulong niya ang mukha ng asawa sa kanyang mga kamay. "It's all in the past now. Hindi naman ako nagtanim ng galit sayo.. Siguro, nagtampo pero galit? Wala akong nadamang ganun mahal ko.. Naghintay ako na magbalik ka at makapagpaliwanag pero—" Biglang sumikip ang dibdib niya nang maalala ang mapait na naranasan niya sa kamay ng lalaking may asul na mga mata. "Akala ko, mawawala na sa akin si First dahil nakita kong dumadaloy na sa mga hita ko ang dugo.. Sobra-sobra ang takot na nadama ko Marco.. Pero kahit kailan, ay hindi kita sinisi sa sinapit ko.. Mahal kita e, mahal na mahal.."

"And I love you baby.. I love you.. I love you! And I missed you terribly. Muntik ko ng ikabaliw nang mawala ka sa akin.. Para akong nawalan ng buhay.." Damang-dama niya ang paghihirap na naranasan ng asawa nang mawala siya at ganoon din siya sa asawa.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Where stories live. Discover now